Pinapanood ko lang si Hayes habang lumalangoy, I mean naglalaro sa tubig. Kinuha ko ang phone ko at nag simulang picturan ang anak ko. Kitang-kita sa mukha nya ang saya. At masaya na rin ako. Seeing him happy, makes me happy. I love my son so much. Ito siguro yung tinatawag na unconditional love. Kumaway sya sakin. "Mom, let's swim. Let's play." Ibinalik ko sa bag ko ang phone ko at sinamahan ang anak ko.
Nasa mababaw na parte lang kami. The water feels good. Ang lamig, tamang tama lang sa mainit na panahon. Naglaro lang kami. Tuwang-tuwa si Hayes tuwing natatamaan ng tubig ang mukha nya. Nakakadala ang pagtawa nya kaya napapatawa rin ako. Nang mapagod kami, naupo na muna kami sa buhangin para magpahinga. Nakakandong sakin si Hayes habang nakasandal ang ulo sa dibdib ko.
"I hope daddy's here with us. When will I see him, Mommy?" Hindi ko inaasahan na itatanong na naman sakin ni Hayes ang bagay na yan. Hindi ko na kasi alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, ayoko ng magsinungaling sa anak ko.
"Uhmm, daddy is super busy, right? So he can't visit you because he has a lot of things to do." Paliwanag ko. Kasinungalingan.
Tumingala at tiningnan ako ni Hayes at muling nagtanong. "Does he love me?"
Napapikit ako ng bahagya sa tanong ni nya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Tiningnan ko sya na naghihintay ng isasagot ko. "O-of course he loves you. All daddy loves their son. And you're daddy loves you, a lot. Like mommy does, ok?" At hinalikan ko sya sa noo. Ngumiti sakin si Hayes.
"Mommy, I'm hungry. I want to eat barbeque." Natawa ako bigla sa pagrereklamo nya. Tumayo na kami, hinawakan ko ang kamay nya at kinuha namin ang bag ko at pumunta na sa kinaroroonan ni mommy.
Pinalagay ko sa kwarto ang bag ko sa isang katulong na nakita ko, cellphone lang ang kinuha ko.
Pakiramdam ko may nakatingin sakin kaya naman inilibot ko ang paningin ko. Pero wala akong nakita. Nagkibit-balikat na lang ako at lumapit na kay mommy.
"Hi sweetheart. How was your swim?" Nakangiting tanong ni mommy kay Hayes.
"It was fun lola, I want to swim more but I got hungry." Pagrereklamo ng anak ko habang naka-pout.
Tumawa si mommy at ginulo ang buhok ni Hayes at bumaling sakin. "Pakainin mo na yang anak mo, nagrereklamo na. Entertain ko lang ibang bisita." Hinalikan muna kami ni Hayes bago umalis at pumunta sa ibang bisita.
Binalingan ko naman si Hayes na nakatingin na sakin. He must be very hungry based on his expression. Binuhat ko na lang sya at pina-upo sa isang table.
"So little kiddo, what do you want to eat?" Tanong ko at pinisil ang maliit na ilong.
"I want barbeque." Masiglang sagot sakin.
"And?"
"More barbeque." At pumalakpak pa.
Tumawa ako at ginulo ang buhok nya. "Yes Sir, barbeque coming up." Aalis na sana ako pero binilinan ko pa si Hayes. "Stay here, ok? Don't go anywhere." At hinalikan ko sya noo at pumunta na ako sa buffet table.
Andrew's POV
Andito lang ako sa isang tabi. Pinapanood ang ginagawa nilang dalawa, Sky and the kid. Iniwan muna ni Sky yung bata sa isang table, kukuha yata ng pagkain.
Lumapit ako sa bata. Nakayuko lang ito at nilalaro ang shell na hawak. Biglang nag-angat ng tingin ng mapansin ang presensya ko. Bigla akong natigilan samantalang nakakunot-noo lang ang bata.
What the fuck! Am I looking in the mirror? I see myself in him when I was a kid. The frowning, the eyebrows, the eyes and the nose. What the fuck! Biglang ngumiti sakin ang bata. Even his smile. Shit! What's happening here?

BINABASA MO ANG
I Got Pregnant!
RomanceOne mistake that changes everything! I'm Skylynn, and I got pregnant. And now, a mom of a 4 year old boy!