Nauna nang bumaba ng kotse si Hayes pagkarating sa bahay. Inihatid kami ni Drew. Kung tatanungin nyo kung ano ang suot ko, damit pa rin ni Drew. Bahala nang magtaka sila mommy. Magpapalusot na lang ako.
Bababa na sana ako nang hawakan nya ang braso ko. I looked at him.
"Why?" I asked habang nakataas ang isang kilay. Please don't say sorry on what happened last night. Please don't. Paulit-ulit kong bulong sa sarili ko.
"I, uhmm, I just want to-" fuck! Is he going to say sorry? Again?
Tinitigan ko lang sya. "Fuck! Why is it so hard." Mahinang sabi nya na para bang sa sarili lang nya sinasabi. What's with him? "Ok ok, can we go out? I mean tonight? Kung wala kang gagawin." While looking at me.
Oh.my.god! Is he asking me out?
"Are you- are you asking me out?" Tila nagdududa kong tanong. Mabuti na yung sigurado. Baka mag-assume na naman ako.
"Uhmm, I guess." At napahawak sa batok na tila ba teenager na umamin sa crush nito. "So? What's the answer?" Tanong nya. Hinihintay na ang sagot ko.
Tinitigan ko lang sya for a minute. "Ok lang kung ayaw mo. Maybe next time?" At para bang nanghihinayang na napabuntong-hininga.
Wait a minute? Is he for real? Bigla akong napangiti. Right, he's asking me out.
"Why so impatient Dr. Scott?" Nakakaloko kong tanong.
"Just tell me if you don't want to." Nakakunot noong sagot nya.
Lalo along napangiti ng malapad. "Ok, sunduin mo na lang ako." At bumaba na ako ng kotse nya ng nakangiti. Hindi ko na sya tinapunan ng tingin.
"Skylynn." Hindi pa ako nakakalayo ay tinawag nya ako. Lumingon lang ako, hindi na lumapit.
"What? May nakalimutan ba ako?" Tanong ko. Pero deep inside, as in deep deep inside me, gusto ko nang pumasok ng bahay at magtatalon sa kilig.
"So it's a yes?" Para bang hindi makapaniwalang tanong nya.
"Ayaw mo?" Habang nakataas ang isang kilay.
He smirked and said. "Great, I'll fetch you at 7." Tumango lang ako at tumalikod na. Malapit na ako sa pinto nang tawagin nya ulit ako.
"What again?" Naka-smirk lang sya.
"Nothing. Just want to say you're look hot in my shirt. See you later." Nakangisi nyang sabi at pinaandar agad ang sasakyan nya.
Napako lang ako sa kinatatayuan ko habang namumula ang magkabilang pisngi. What's with him? Naninibago ako sa kanya. He treat me well since yesterday. Kahit nagkasagutan kami dahil dun sa delivery boy at sa suot ko kahapon. And one thing, he asked me out. He really asked me out.
Pumasok na rin ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto namin ni Hayes. Buti na lang hindi ko nakasalubong si mommy at daddy.
Wala sa kwarto si Hayes pag pasok ko. Andun ata sa kwarto nila mommy. Nahiga na lang ako sa kama at pumikit. At muli kong naalala yung nangyari kagabi. We did it again. May nagbago na ba sa nararamdaman nya sakin? Nagugustuhan na din nya ba ako? Sana. At nakatulog ako sa isiping iyon.
NAGISING ako sa pagtapik sa pisngi ko. I saw Hayes smiling.
"Hi mommy." Nakangiting bati nya sakin.
"Hi baby." Hinalikan ko sya sa noo. At saktong napatingin ako sa labas. Medyo madilim na. Napatingin ako bigla sa wall clock at nanlaki ang mata.
BINABASA MO ANG
I Got Pregnant!
RomanceOne mistake that changes everything! I'm Skylynn, and I got pregnant. And now, a mom of a 4 year old boy!
