33

36.9K 564 43
                                        

Malapit na ang birthday ni Hayes kaya busy na rin ako sa preparation. Dito lang gaganapin sa bahay ang party. Ewan ko nga kung bakit dito nila mommy gusto icelebrate ang birthday ni Hayes eh. Unang-una wala namang kaibigan na mga bata si Hayes dito. Baka hindi rin mag-enjoy. Pero sabi ni mommy sya na daw ang bahala sa mga visitor kaya pinabayaan ko na lang. Babalik na rin naman kami sa NY after a month eh.

Andito ngayon ang organizer ng party ni Hayes sa bahay. Kasalukuyan naming pinag-uusapan ang mga gagawin at kung anu-ano pa.

Biglang nawala ang focus nung organizer sa sinasabi nya kanina dahil natulala sa hagdan. Kaya napatingin din ako.

Ah, kaya man pala. Pababa lang naman si Greg. Hindi naman kasi mapagkakailang gwapo talaga si Greg kaya wala na akong magagawa kung ma-attract 'tong organizer kay Greg.

Lumapit samin si Greg.

"Hi love, bihis na bihis ka. May lakad ka?" Tanong ko sa kanya after he kissed my cheeks.

"Yun na nga love eh. I'm sorry pero may emergency sa firm. May malaking problema. At kailangan nila ako dun." Kita sa mata nya ang disappointment.

"What do you mean? Sa NY? Kelan ang flight mo? After ng birthday ni Hayes?" Tanong ko.

"I would love to, but ngayon na ang flight ko. I'm sorry love. May nangyari kasing hindi inaasahan sa firm." Pagpapaliwanag nya.

Seriously? Agad agad? Hindi pa man lang nakakapag-bakasyon ng isang linggo ang tao. Ugh.

Ngumiti na lang ako ng malungkot sa kanya.

"It's okay love. I understand. Alam ko naman na mas kailangan ka dun." Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Thank you love." At saka kumalas ng pagkakayakap sakin.

"Ihatid na kita sa airport para mas mapadali ka." Pag-alok ko.

"No need love. Mag taxi na lang ako. Saka may appointment ka sa organizer oh." Oo nga pala. Naalala ko. Bigla akong napatingin sa organizer na halos mapanganga na sa pagkakatitig kay Greg.

"It's ok. Magkikita pa naman kami bukas para sa food tasting saka sa pagpili ng cake ni Hayes. Hatid na lang kita."

"It's ok love. Kaya ko na. Mas kailangan ka dito." Bakit ang bait ng boyfriend ko at understanding masyado?

"Ok then. Tulungan na lang kitang mag-ayos ng gamit mo. Come here." At hinila ko na sya paakyat. Bago pa kami makataas, binalingan ko muna si Mia (organizer). "Wait a sec." Tumango lang sya at tumuloy na kami.

"BYE love, call me when you're there, ok?" Andito kami sa labas ng bahay. May taxi nang naghihintay dahil naitawag ko na sa guard kanina.

"Yes love. Ingat kayo dito ni Hayes. Ok? I will miss you, kayo ni Hayes." Dinampian nya ng magaan na halik ang labi ko.

"You too. Take care." At niyakap ko sya ng mahigpit. I will miss him.

"I'm going, love. Kanina pa naghihintay ang cab. Baka naiinip na. Bye love. I love you. Pakisabi na lang kay Hayes na sorry at pakibigay na lang yung gift ko."

Tumango-tango ako. Hinatid ko na sya sa taxi. "I love you too." Then I kissed him.

He showed his one million dollar smile and wave bago sinara ang pinto. Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang taxi bago ako pumasok ng bahay.

At bago pa man ako makapasok ng tuluyan sa loob ng bahay, may nagsalita na sa likod ko.

"So sweet, huh?" Nilingon ko sya and gave him a sharp look.

I Got Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon