36

35.2K 575 39
                                        

"Sky, Drew is here. Kanina pa naghihintay sa baba." Sigaw ni mommy sa labas ng kwarto ko.

Bwesit talagang lalaki. Sabing wag ng sumama eh.

"Yeah, I'm coming. O kaya just tell him na mauna na sya or umuwi na sya." Mas mabuti pa yun. Tsk.

Wala na akong narinig na sagot kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagbibihis.

Hindi na rin ako nagtagal kaya bumaba na ako. Naabutan ko silang dalawa ni Hayes na nagkekwentuhan. Bigla naman natigil nang makitang palapit na ako s kanila.

"Lezzgo mom."

"Let's go." Binalingan ko si Drew. "Convoy na lang tayo. Sumunod ka na lang samin." Inakay ko na si Hayes palabas ng bahay.

"Whoah! Not so fast baby. At sino naman ang nagsabing convoy lang tayo? Sa kotse ko kayo sasakay." Sagot sakin ni Drew.

"Whoah!" Panggagaya ko dito. "At sino ka naman para sundin ko ang mga sinabi mo?"

"Ako lang naman ang tatay ni Hayes. Valid reason naman na siguro yun, diba?" Cool na sagot nito.

"At ako lang naman ang nanay ni Hayes na nag-alaga sa kanya sa loob ng mahigit anim na taon. Mas valid reason na siguro yun para ako ang masunod at hindi ikaw."

Pansin ko ang pag bago ng reaksyon nito sa sinabi ko. Hindi ko na lang pinansin.

"Ok. Let him decide."

Naningkit ang mata ko. Anyway sakin naman sasama si Hayes kahit ano mangyari.

"Okay!"

Napatingin kami kay Hayes na nagpapalipat lipat ng tingin saming dalawa.

"Let's get inside of Daddy's car mom. I want to taste my cake. C'mon."

Bigla akong napatingin kay Drew na malapad ang ngiti.

"Ang daya mo! Sinenyasan mo si Hayes eh. How dare you!"

"Baby, wala na tayong magagawa jan. At wala akong sinenyas o sinabi jan. So let's go. Baka kung anong oras na tayo makarating."

Nauna nang maglakad si Hayes at si Drew. He tricked me. I know he tricked me.

Sumunod na rin ako at pumasok na sa passenger seat. Sa backseat si Hayes.

Sisipol-sipol pa si Drew habang nagmamaneho. Tsk! Tricky asshole-_-

"San tayo?" Drew asked me.

I just stare at him pero hindi ako nagsalita.

"Whoa, someone is pissed right now. Right buddy?" Tumawa lang yung dalawa.

15 minutes na kaming nagbabyahe nang magtanong ulit sya kung saan kami pupunta.

"Seriously Sky, san talaga tayo? Kanina pa tayo nagbabyahe."

Ngumisi lang ako ng nakakaloko at binalik ko na ulit ang tingin ko daan. Bahala sya dyan.

I heard him tsked kaya nilingon ko sya ng nakataas ang isang kilay. He just shrugged at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

Ilang minuto pa kami sa byahe at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa hampas ng alon sa dalampasigan.

I immediately opened my eyes and I was surprised on what I saw.

We're on the beach. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng sasakyan knowing na ako na lang ang tao sa loob. bukas ang bintana at malayang pumapasok ang hangin sa loob ng kotse. Matagal ba 'kong nakatulog?

Lumabas na ako ng kotse at nilibot ang paningin sa paligid.

Fuck it!! Anong ginagawa namin dito? Dito sa beach house nila sa Batangas?

Narinig ko agad ang tawanan ni Hayes at Drew sa may shore. Dali-dali akong lumapit sa kanila at hinarap agad si Drew.

"What the fuck are we doing here?"

Tumingin muna sakin si Drew bago tumingin kay Hayes na nasa tabi ko na. Agad kong natuptop ang bibig ko. Geez, I forgot.

"I was driving for an hour, and you were asleep. And I don't know where to go so I decided to take you here. If you don't mind." Parang wala lang na sagot nya.

"You should have wake me up." Tumingin ako sa relo ko at napamura na lang ako sa isip ko. Late na 'ko ng 2 hours sa appointment ko sa organizer. "Ugh! Wala na. Late na 'ko sa appointment ko. Damn!"

"Pwede pa naman atang ipagpabukas yun. Let's enjoy this moment. Kalimutan mo muna yang mga aasikasuhin mo." Tiningnan ko sya ng masama.

"Don't tell me what to do."

"Relax baby."

"Don't baby me. Napakapakialamero mo. Ugh. I so hate you. Who are you to take us here without my permission?" Hindi sya sumagot. "Hindi porke ikaw ang ama ng anak ko, you can do whatever you want. Stop ruining everything. Damn it.! You're just his father na pinagtabuyan kami."

Nakatitig lang sya sakin. Speechless. Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mata nya. From amused to hurt.

I felt guilty. Damn those words. Shit!

"Sorry." Yan lang ang nasabi nya na lalong nakapagpa-guilty sakin.

I was about to take back what I said when he held Hayes' arm and started to walk.

"Let's go buddy, we're going home." Nilingon ko sila na naglalakd na pabalik sa kotse. Tumingin pa sakin si Hayes na may lungot sa mga mata.

Napapikit ako ng mariin at tumingala sa langit. What have I done?

Nagbilang muna ako ng mga ilang segundo bago sumunod sa kanila.

Naabutan ko sila na nakasakay na sa kotse, ako na lang ang hinihintay.

Hindi nya ako sinulyapan ng tingin pag pasok ko.

Tahimik lang kaming nagbyahe. Walang nagsasalita. Nilingon ko si Hayes na nakatingin lang sa labas ng bintana. Napansin nya atang nakatingin ako sa kanya kaya lumingon sya sa gawi ko. I smiled at him. Gumanti rin sya ng ngiti pero halatang pilit lang.

Nakarating kami sa bahay na wala pa ring imikan. And its killing me.

Hinatid nya kami sa loob ng bahay at nakasalubong namin si mommy.

"Hi honey, how was it? I mean the appointment?" tanong agad sakin ni mommy.

"Uhmm, hindi ak--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

"We were late. Hindi namin nameet yung organizer. It's all my fault. Sorry." pagpapaliwanag nya kay mommy.

Napatingin sakin si mommy.

"Why? What happened?"

Ngumiti na lang si Drew at nagpaalam na.

"Mag-merienda ka muna." pagyayaya pa dito ni mommy.

"Hindi na tita, uwi na rin ako. Thanks anyway." hindi na nagpumilit pa si mommy at pumunta na sa kusina kasama si Hayes.

"So, I'm leaving. Sorry about what happened earlier. Don't worry, hindi ko na pakikialaman ang mga gagawin mo. Hindi na rin siguro muna ako mangingialam sa mga gusto mong gawin sa birthday ni Hayes. Though I want to. I'm JUST a father, right?" tumawa sya ng peke. "Pakisabi na lang kay Hayes na umalis na 'ko." Tumalikod na sya at naglakad na palabas ng pinto.

After hearing those words and seeing him walked away, breaks my heart for the nth time.

Damn, I still have a thing to that guy. I guess.

I Got Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon