23

36.3K 612 56
                                    

"Belle." Mahinang bulong nya.

Biglang nanikip ang dibdib ko. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Tahimik lang din si Hayes na hawak-hawak ko.

Naglakad palapit samin si Belle. Nakatitig sya sakin. Parang sinasabing 'who the fuck are you? And who's that kid?'. I think she's mad. My heart is pounding nang makalapit na sya sa pwesto namin. Wala saming nagsasalita. Nagpalipat-lipat lang ang tingin nya saming tatlo nila Drew, including Hayes of course.

Biglang lumipat ang tingin nya kay Drew and smiled sweetly. Pero kita pa rin ang galit sa mata nya.

"Hello babe. Surprise." At bigla nyang hinalikan si Drew. Sa lips. Natigilan si Drew sa ginawa ni Belle. Pero nang makabawi, gumanti na rin ito nang halik. Yes, he kissed her back. Sa harap ko mismo at sa harap nang anak namin.

Napaiwas ako nang tingin. Pakiramdam ko unti-unting nadudurog ang puso ko. Not literally but emotionally. Kinagat ko ang ibaba kong labi at tumingala para maiwasang hindi tumulo ang mga luha kong kanina pa gustong bumagsak mula nang bitawan nya ang kamay ko.

Tiningnan ko si Hayes. Kita sa maliit nyang mukha ang pagkalito sa nakikita. But he remained silent.

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Hayes at inakay ko na papunta sa pinto nang bahay. I can't stand seeing them while kissing. It breaks my damn heart.

I gathered all my willpower not to breakdown when we're inside the house. Masakit na ang lalamunan ko sa kakapigil nang iyak.

I'm fucking hurt. Tangina! Sobra akong nasasaktan. I thought we have a silent understanding. Tangina lang! Paasa!

Para saan lahat yung mga pinapakita nya? I thought we're ok. I thought he starting to like me. Pero wala eh. Nawala nang dumating si Belle.

Sino nga ba naman ako? Ako lang naman ang naanakan nya. Ako lang naman ang taong hinding-hindi nya magugustuhan. Naalala ko pa ang sinabi nya sakin noon. Na kahit kailan hinding-hindi mapapalitan sa puso nya si Belle, lalong-lalo na ako. Fuck this! Ako lang naman ang babeng ikinakama nya. Yeah, pure sex. No string attach.

Umasa ako eh. Sobra akong umasa dahil sa mga pinapakita nya. Vio was right, less expectation less pain. At dahil assuming at tatanga-tanga ako, nasasaktan ako ngayon.

Nakarating kami sa kwarto na hindi ako umiyak. Sobrang pagpipigil. Ayokong makita ako ni Hayes sa ganitong sitwasyon. He's too young.

"Mom, why is daddy kissing the woman?" Kita sa mukha nya ang kaguluhan. Dapat hindi nya nakita ang ganoong eksena. Nakikita nya kaming nagkikiss ni Drew, tapos ngayon iba naman ang makikita nyang babaeng kahalikan nito.

"She's your daddy's friend sweetheart." I fake a smile.

Kumunot ang noo nya. "But you said before that friends didn't kiss on the lips. Remember when I kissed my friend in NY." He's a smart kid. Naalala nya pa pala yun. Napangiti na lang ako ng mapait.

"She's your daddy's girlfriend. So they can kiss." Paliwanag ko kahit nasasaktan na ako.

"But you and daddy kissed. So you're dad's girlfriend too." Mas lalo syang naguluhan.

"No sweetheart. You could only have one girlfriend. That woman is the real girlfriend. And please Hayes, don't say that in front of her. Understand baby?" At kahit naguguluhan at nalilito, tumango na lang sya.

Binihisan ko na sya para makapag-pahinga na. Hindi rin nagtagal ay nakatulog na ito habang yakap ko. At saka lang bumuhos ang mga luha ko.

Nasasaktan ako. Sino ba naman ang hindi? Napaka-komplikado. Bakit hindi na lang kami? O kung hindi man magiging kami, bakit dumating agad si Belle. Akala ko 8 months pa bago sya dumating. Pinutol nya agad ang kasiyahan ko.

I Got Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon