Nagising ako sa mga halik sa mukha ko. Idinilat ko ang mga mata ko and i saw my son. Ngumiti sya sakin. "Mom, are you okay now? I fell on the ground when you passed out. Look, I have bruise on my elbow." Ipinakita pa sakin ang maliit na sugat sa siko nya.
Nahimatay nga pala ako. Mixed emotion ang nararamdaman ko kanina. Kaba, takot, hurt. Kaya hindi na siguro kinaya ng sistema ko, I passed out habang buhat-buhat pa ang anak ko. Shit!
Hinawakan ko ang braso nya at itinapat sa labi ko ang maliit na sugat sa siko nya. Hinipanan ko ito at hinalikan pagkatapos.
"Sorry, baby. Mommy's tired that's why I passed out. Does it hurt baby? Your bruise?" Malambing kong tanong.
"Not anymore. You kissed it already. No pain at all." At masiglang kumandong sakin. Napangiti ako. At bigla ring napawi ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. At iniluwa ang mga Scott at ang mga magulang ko. Sinulyapan ko si Hayes, mahimbing ng nakatulog habang nakasandal sakin. Iniayos ko ng higa sa tabi ko at kinumutan. At umayos na ako ng upo.
Lumapit sila malapit sa pwesto ko. Wala pang nagsasalita sa kanila ng basagin ni Tito Arthur ang katahimikan.
"Hija, bakit mo sa amin itinago ang tungkol sa bata?" Masuyong tanong nya, pero halata sa boses nya na kailangan kong sagutin iyon.
Tiningnan ko muna ang mga magulang ko. Nginitian ako ni dad.
"Because I need to." Maikling sagot ko.
"But why?" Tanong ni Tita Karen.
"Because your son will not accept him." Sagot ko at sinulyapan ko pa si Drew.
"How can you be so sure that I will not accept him? Dahil kung sinabi mo sakin ng maaga pa lang, edi sana pinanagutan ko ang bata." Halos pasigaw na sagot ni Drew.
And wait! "Pinanagutan ko ang bata". Tama lang naman pala talaga ang desisyon kong hindi na ipaalam. Dahil kahit sabihin ko pa sa kanya noon, hindi nya ako papanagutan. Tanging si Hayes lang. Why Skylynn? Umaasa ka bang papakasalan ka nya? Stupid!
"Sinabi sayo ng maaga pa lang? Paano ko sasabihin kung hindi ako makalapit sayo. At kung makalapit man ako sayo, lagi kang galit. Sakin!" Pinipigilan ko ang paglakas ng boses ko dahil ayokong magising ang anak ko.
"Enough. Wag na tayong magsisihan sa nangyari. Dahil kahit kaming mga magulang ni Sky, hindi namin alam kung sino ang ama ng batang ipinagbuntis nya noon. Kami na lang din ang nakadiskubre sa sarili namin habang lumalaki ang bata." Paliwanag ni dad.
"But why didn't you tell us?" Tanong ni Tita Karen.
"It's not ours to tell." Sagot ni mommy.
Wala sa aming nagsalita. Para bang nagpapakiramdaman ng sunod na sasabihin ng bawat isa.
"So?" Basag ni Tito Arthur sa katahimikan. "What's the plan? Anong plano nyo sa bata?" At tumingin sakin si Tito Arthur.
"I don't know." Frustrated na sagot ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Umuwi kami dito sa Pilipinas ng anak ko para magpahinga. Para makapagbakasyon. Hindi para magkaroon ng sunod-sunod na problema.
Inakbayan ako ni dad. Kailangan ko talaga ng masasandalan. Literally and emotionally. I can't handle it on my own.
"Nasa mga bata ang desisyon." Pagsasalita ni dad.
Tiningala ko sya at tiningnan. He just gave me a warm smile na nagpapakalma sakin.
Tumango-tango si Tito Arthur at bumaling kay Drew. "So Drew. Siguro ito na ang tamang panahon. Gawin mo ang tama. Panagutan mo ang mag-ina mo."

BINABASA MO ANG
I Got Pregnant!
RomanceOne mistake that changes everything! I'm Skylynn, and I got pregnant. And now, a mom of a 4 year old boy!