24

36.6K 644 97
                                        

Lumipas ang mga araw, ganun pa rin. Parang sinasadya nung Belle na yun na ipakita sakin ang paglalampungan nila nung walang-hiyang Drew na yun. At ang magaling na Drew hindi makatingin sakin nang diretso. Hindi rin ako kinakausap. Ok na rin yun kasi umiiwas na rin ako.

Plano ko na ngang umalis sa bahay na 'to eh. Hindi ako makahinga dito. Breathing the same air with Belle is a big no no.

Kung itatanong nyo kung nasasaktan pa rin ako. Malamang, malaking OO ang sagot dyan. I can't stand seeing them together. It feels like they stabbed my heart again and again. I'm still hurting!

I sighed.

2 days na lang, 22nd birthday ko na. My plan before was to celebrate it with Drew and Hayes. Gusto ko sanang mag-Palawan. Pero I'm positive na hindi na yun mangyayari.

Tss! Dream on Skylynn.

Andito ako sa poolside ngayon. Reading book. Si Hayes naman, andun sa dad nya nakikipaglaro. At ang atribidang Belle, she's gone. Forever. Kidding, umalis muna. May bibisitahin daw na friend. And I don't care. Mabuti na yung wala sya. Medyo nakahinga ako nang ayos. At kung mamarapatin nya, wag na din syang bumalik!

Sinasali din ako ni Hayes sa paglalaro pero tumanggi ako. Ayoko munang makaharap si Drew.

At dahil minamalas ata ako ngayong araw, naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko.

Kahit hindi na ako lumingon, kilalang kilala ko na kung sino ito base sa pa lang sa amoy. Napapikit ako. Ghaa, I missed his scent. I missed him. Kahit araw-araw naman kaming nagkikita.

I gained all my willpower not to hug him and kiss him.

Naramdaman ko na lang na umakbay sya sakin. Napapikit ako ulit. Ano na naman ito? Hanggang sa tuluyan na nya akong ikulong sa mga bisig nya.

"I missed you baby." Mahina nyang bulong. Hinalikan pa ang ibabaw ng ulo ko.

Hindi ko alam kung ano ang irereact ko. I missed him too. Pero hindi 'to tama. Kaya kumawala ako sa yakap nya kahit gusto ko pang makulong sa yakap nya.

"Get off me. Belle might see us." Pinilit kong patigasin ang boses ko.

Mas lalo lang nyang hinigpitan ang yakap sakin. "Shhh, Belle is not around. Let me hug you for a while. I really missed you."

Fuck! Pag wala si Belle, ako na naman ulit. At pag andyan na ang Belle na yun, balik na naman sa kanya.

Inipon ko ang lakas ko at buong pwersa syang itunulak. At nang makaalis na ako sa pagkakayakap nya, agad kong sinampal ang kanang pisngi nya. Napabaling sa isang tabi ang mukha nya at matagal bago muling tumingin sakin. Kitang-kita ang bakat nang kamay ko sa balat nya.

I saw anger in his eyes when he looked at me.

"Stop this Andrew! Ayoko na!" Hindi sya nagsalita. Nakatingin lang sya sakin. "Tigilan mo na ako. Don't act like nothing happened between us. Stop using me! Stop pretending that you care about me. At higit sa lahat wag mo na akong paasahin. Stop it!" Ang kaninang galit na mata ay napalitan nang kung anong emosyon. Lungkot? Pagkaawa? Sakit? Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, nasasaktan ako.

Umiyak na ako. Hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko. Ang bigat na sa dibdib. Sobrang sakit na. Pag-iyak na lang ang tangi kong nagagawa. Ngayon na siguro ang tamang panahon para sabihin ang mga gusto ko.

"I'm tired Drew. I'm fucking tired! Mula noon ako na lang lagi ang umiintindi. Hanggang ngayon ba naman ako pa rin? Sawa na ako." Umiling-iling ako. "You know that I love you but you taken me for granted. How dare you! Hanggang ngayon hindi mo pa rin ako kayang pahalagahan." Pinunasan ko ang ilang luhang naglalandas sa pisngi ko.

I Got Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon