26

37.3K 696 103
                                    

Nanlalabo na ang mata ko dahil sa pag-iyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. I want to go home, pero ayokong makita nila ako sa ganitong sitwasyon. So I decided to go to the bar and get wasted.

I dialled Vio's number and asked her if she can accompany me. And besides, sya lang naman ang friend ko. Nag-iisang kaibigan ko. Sinabi ko sa kanya kung nasaang bar ako. At susunod daw sya. I told her na wag na magdala ng car. Yung sakin na lang.

Sobrang ingay sa loob. Ano pa bang bago. Wild people and party animals everywhere. Pumwesto ako sa bar counter. Dito na lang muna ako habang hinihintay si Vio.

I ordered vodka. Gusto ko pa nga sana yung sobrang hard para siguradong limot ko lahat ng sakit. At ang aalalahanin ko na lang ay ang hangover kinabukasan.

Nakaka-ilang shots na rin ako nang may lumapit saking dalawang babae. Mukhang ka-edad ko lang o mas bata sakin ng 1-2 years. Mukha naman silang harmless so ngumiti rin ako sa kanila nung ngumiti sila sakin. The girls or should I call them lady is so cute. Mukha silang may lahi. Kahit magulo ang ilaw sa bar, pansin pa rin ang angelic face nila. Hindi rin nagtagal ay lumapit na sila.

"Hi, can we sit here?" Tinuro nila ang bakanteng upuan sa tabi ko.

I nod. "Sure. It's not mine by the way." At saka ko binalik ang atensyon ko sa iniinom.

"Uhmm, can we join you here? Ikaw lang kasi ang mukhang mapagkakatiwalaan dito eh. Look at those bitches. Ugh!" I smiled bitterly.

"By the way, my name is Julie Ann but you can call me Julz. And this is my twin sister Khrisna Yvonne." Pagpapakilala nung babaeng nakasuot ng red dress. Napatingin naman ako sa kakambal nya daw na nakasuot naman ng black dress. Mukha naman silang matino. Mukhang hindi sanay sa bar.

"How come na naging kambal kayo? Hindi kayo magka-mukha at magka-iba ang name nyo?" I saw amusement in their faces.

"We're not identical twin. And my mom gave her name, and my dad gave my name. Ewan ko sa trip nung mga magulang ko eh." Paliwanag naman nung Khrisna daw.

"Aww. Cool. I'm Skylynn." Pakilala ko rin sa kanila.

Habang hinihintay si Vio, yung kambal na muna ang kasama ko at kakwentuhan. May sense silang kausap. Hindi kagaya nung iba na puro arte sa katawan.

Nagkakasayahan na kami nang dumating si Vio. Naparami na rin ang inom ko. Ipinakilala ko din si Vio sa dalawa. Mukha namang vibes sila kasi nakipag-kulitan na rin si Vio. Pero madalas sya saking tumingin. Alam ko ang ibig sabihin nang tingin na yan.

"HAPPY BIRTHDAY!!" Sabay-sabay na sigaw naming apat at sabay-sabay din na pag-inom ng vodka.

"Wait guys, I need to pee." Pagpapaalam ko sa kanila. Nag-nod lang sakin yung kambal at pumunta sa dance floor. At si Vio naman, ito sumama sakin.

"So what happened? Umiyak ka ba?" Tanong nya sakin pagkapasok na pagkapasok pa lang namin sa CR. Mabuti na lang walang tao.

Bigla na lang pumatak ang mga luha ko sa tanong nya kaya niyakap nya ako. Hindi ako makapag-salita. Umiyak lang ako ng umiyak.

"Shhh. Hush. It's ok." Nilayo nya ako sa pagkakayakap nya at tiningnan ako. "Now tell me. What happened? Was it Drew?"

At tumulo na naman ang mga luha ko nang banggitin nya ang pangalan ni Drew. Tumango-tango ako at kniwento ang nangyari.

"H-he kicked me out. Sa b-bahay nya at s-sa b-buhay nya. H-he said that he just u-used me. And now he's d-done with me because I-I'm w-worthless. Fuck! It h-hurts!" Kita ko ang galit sa mukha ni Vio.

I Got Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon