25

35.4K 649 153
                                    

"What the fuck! Sinaktan si Hayes ng haliparot na yun? Gago sya! Ugh!" Malakas na pagkakasabi ni Vio. Andito ako ngayon sa coffee shop nya.

"Yeah, you heard me right." Walang gana kong sagot.

"At ang walang hiyang Drew na yun, hindi man lang pinaglaban ang anak nya. Isa pa sya! Mga bwesit. Wala ba syang baya--"

"Shut up, you're gross." Pinutol ko na ang sasabihin nya bago pa nya maituloy.

Inirapan nya muna ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. "As I was saying, wala syang kwentang ama. At talagang yun pang haliparot na yun ang kinampihan nya. Nakakainis. Anak nya ang nasaktan, tho nasaktan din yung bitch na nararapat lang naman sa kanya pero dapat inuna nya muna yung anak nya. Blood is thicker than water, right? Ugh! Asshole!" Naghe-hysterical na sabi ni Vio. Supportive bestfriend ever.

"I know. Kaya nga masama ang loob ko sa kanya eh. Hindi na lang nya sana nakita si Hayes. Hindi na lang sana sila nagkakilala. Hindi na lang sana kami umuwi. Ok na kami sa NY eh. Hayy." Nagduko na lang ako sa table.

"Hay naku girl. Birthday na birthday mo pa naman ngayon. Dapat mag-enjoy tayo. Wala ka bang balak?" Yep, it's my birthday. Dapat happy ako ngayon pero hindi eh. Malungkot na nasasaktan. And I hate this feeling.

"Wala eh. Konting salu-salo lang kanina sa bahay. Hindi ka nga pumunta eh. Kainis ka. Ako pa tuloy ang napapunta dito. Tss." Tumunog ang cellphone ko. Message alert. Tiningnan ko kung sino. Nanlaki ang mata ko sa nabasa. Kinusot ko pa ang mata ko kasi baka mali lang ako ng pagkakabasa. Pero hindi. Pangalan pa rin nya ang nalalagay. Drew.

The text message says, "Punta ka sa bahay. I'll give you something."

Napakunot ang noo ko. Pero napangiti din ako. Don't judge ok. Mahal ko ang nagtext. Pinapapunta ako sa bahay nya. May ibibigay daw sakin. It's my birthday. Alam nya yun. Baka regalo ang ibibigay nya? Well, ayokong mag-assume. Pero babae ako, at tayong mga babae may lahing assumera.

"Sino yan?" Kunot-noong tanong sakin ni Vio.

Napatingin ako sa kanya. Nakatingin pala sya sakin.

"Wala." Sagot ko at tinago na ang phone sa bag. Tumayo na ako. "I need to go. Baka hinihintay na 'ko ni Hayes. 7:30 na rin oh." At nagbeso na ko sa kanya. Hindi ko na sya hinintay magsalita. Umalis na agad ako.

Kumakanta-kanta pa ako habang nagmamaneho papunta sa village nila Drew. Hindi ko maiwasan pero napapangiti pa rin ako tuwing naiisip ko na pinapunta nya ako sa bahay nya para lang may ibigay. Baka pabalikin na kami sa bahay nya. Kasi sa totoo lang, miss na miss ko na sya.

Hindi nagtagal, nakarating na rin ako. Kinakabahan pa ako nang bumaba ako sa kotse. Tumayo muna ako nang ilang minuto sa harap ng pinto bago pumasok. Hindi na ko kumatok o nag-doorbell.

Nilibot ko ang kabuuan ng bahay. I really miss this house. This is my home.

Naglakad-lakad ako at nanlaki ang mga mata ko nang mapa-daan ako sa may dining room. May nakahanda kasing mga pagkain. Champagne na nakababad sa ice bucket at bouquet of red roses.

Kumabog ang dibdib ko sa mga nakita ko. He made this for me? Kaya nya ako pinapunta dito sa bahay nya because of this?

He's going to surprise me. And hell yeah, I'm surprised. I got teary eyed of the thought that he prepared this for me.

Busy ako sa pagtingin sa kabuuan ng dining table kaya hindi ko namalayan na nasa likod ko na pala sya. Napalingon lang ako nang tumikhim sya.

Pagkaharap na pagkaharap ko, sinugod ko agad sya ng yakap. He flinched pero hindi ko na lang yun pinansin.

I Got Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon