"Anong sabi sayo? Bakit sobra kang makangiti?" Pangungulit ni Vio.
Lalo akong napangiti ng malapad sa tanong ni Vio. Sinabi ko sa kanya ang maikling usapan namin ni Drew. Habang tuwang-tuwa ako, nakasimangot lang naman si Vio.
"What's with the face?" Tanong ko.
"Alam mo Sky, masyado kang assuming." Nakasimangot na sabi ni nya.
"Bakit na naman? Ano na naman ba ginawa ko?" Pagrereklamo ko.
"Ang slow. Kaibigan ba talaga kita?" Tanong nya habang nakangisi. Hindi ko na lang sya pinansin at sinamaan ng tingin. "Ok, fine. Sasabihin na. Masyado kang assuming kasi binigyan mo agad ng meaning yang gagawing pagsundo sayo ni Dr. Scott. Wag assuming 'te, ok?" Pang-aasar nya sakin. "At hindi porke hinalikan ka nya kanina sa pisngi eh aasa ka na naman." Napaka-blunt talaga nitong babaeng 'to. Napasimangot ako sa sinabi nya.
"Alam mo ikaw, napaka-supportive mong kaibigan." I said sarcastically.
"I know right." At bigla syang humalakhak.
"Suportahan mo na lang ako. Kundi hahanap ako ng ibang bestfriend. Kita mong isa yan sa kaligayahan ko, babarahin mo pa ako." Nakanguso kong pagrereklamo.
"Eh kasi naman para kang teenager kung umasta. Tss." Vio.
"Excuse me. Hindi na nga 'ko teen, pero bata pa ako. Mag-22 pa lang ako next month." Pagdadahilan ko.
"Hoy, baka nakakalimutan mo may anak ka ng apat na taong gulang." Talo pa si mommy.
"FYI, hinding-hindi ko nakakalimutan yun. Not my baby." Pakikipagtalo ko.
"Ewan ko 'sayo. Kung saan-saan na napunta usapan natin. Basta wag hopia, ok? Less expectation, less pain." Pangangaral pa nya sakin.
"Oo na. Palibhasa walang boyfriend eh." Pabulong kong sabi.
"Bubulong ka na lang, rinig ko pa. At nagsalita ang may boyfriend." And she rolled her eyes. Tinawanan ko na lang sya.
Natigil lang kami sa pagkukulitan nang tumunog ulit ang phone ko.
"Who." Parang imbestigador na tanong ni Vio.
"Drew." Maikling sagot ko at sinagot na ang tawag.
"Andito kami sa second floor. I'm with Vio. Ok. Bye." At binaba na rin ang tawag.
"Ano daw?" Tanong agad sakin ng kaharap ko.
"Tss, chismosa."
"Hahambalusin kita 'dyan eh." Pagbabanta pa sakin.
"Whatever. Tinanong lang ako kung sang part daw ako. Yun lang. Papunta na daw sila." Maikling paliwanag ko.
Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano ni Vio habang hinihintay ang pagdating nila Drew.
"May nanligaw ba 'sayo dun sa NY?" Napunta na lang bigla ang topic namin sa ligaw-ligaw na yan.
"Meron. Pero pag sinasabi kong may anak na ako, back-out agad sila." Yeah, that's true. Kung anu-ano pang palusot nila para lang hindi na ipagpatuloy pagporma nila sakin.
"Mga lalaki nga naman." Iiling-iling pang sabi ni Vio.
"Ok lang naman sakin. Naiintindihan ko naman sila. Sino ba naman ang gustong pumatol sa may sabit na." Paliwanag ko.
"Pero kahit na. Liberal country ang NY. Dapat tanggap na ng mga walang-hiyang lalaking yan kung may sabit ka man o ano pa man yan."
"Liberal nga, eh alam naman na Filipina ako. Alam nila conservative ang mga Pinoy, tas malalaman nila na may anak na ako sa murang edad pa lang. Parang disappointed sila, parang ganun." Ako habang pinaglalaruan ang tinidor sa platito.
BINABASA MO ANG
I Got Pregnant!
RomansaOne mistake that changes everything! I'm Skylynn, and I got pregnant. And now, a mom of a 4 year old boy!
