10

45.5K 782 30
                                    

~5 years later~

"Yes mom. It's a date, uuwi kami for your birthday. Baby, don't touch that. It's hot. Wha-what mom? As you were saying mom? Ok, ok. Gotta go, baka masunog ang bahay sa sobrang kulit ng apo mo. I love you." Then I hang up.

"Baby, don't play with that thing. It's not safe." At binaba ko sa counter ang nag-iisang angel sa buhay ko.

"I'm not playing with that thing mom, I'm just holding it. And I'm not a baby anymore. I'm 4 years old, right? I'm a big boy now." Nakangusong pagrereklamo ng anak ko.

"No you're not. You're still my baby." Ginulo ko pa ang buhok nya. "Wash your hands na, we're going to eat." Sumunod naman sya sakin.

Sinundan ko ng tingin ang anak ko. Napangiti ako bigla. He's Hayes Alexander Gomez. My angel, my everything. Nakakapag-tampo lang dahil halos walang namana sakin ang anak ko. Lips lang ata  eh. Kuhang-kuha nya halos lahat ng features ng tatay nya. Unfair! Ako ang nagdala ng 9 months.

"Mom, when will I see lola and lolo again?" Tanong sakin ni Hayes.

"Soon baby. We're going home. You like that?" Masayang tanong ko sa kanya.

"I like it." Pumapalakpak na sagot sakin.

"Good, so finish your meal." At maganang pinagpatuloy ni Hayes ang pagkakain. He really missed mom and dad. Lagi nya sakin tinatanong kung kelan daw kami dadalaw sa Philippines. Naiinip na rin siguro si Hayes dito. Wala kasing makalaro na kaedad nya. Nagkakaron lang ng kalaro pag pinapasyal ko sa park. Kami lang lagi ni Tita Sandy ang kasama dito sa bahay. And speaking of tita Sandy, sya ang nagbantay at nag-alaga sakin nung pinagbubuntis ko pa lang si Hayes. At nung malapit na 'kong manganak, pumunta dito sa NY sila mommy at daddy. Andun sila habang nanganganak ako. I'm thankful they are always there for me.

"LADIES and gentlemen, we're landing to Ninoy Aquino International Airport..." napapikit ako bigla ng marinig ko ang sinabi ng piloto.

This is it. I'm back. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Kinakabahan ako. Paano na lang kung magkita kami? Paano kung makita nya si Hayes. Pero hindi naman nya alam na buntis ako kaya bakit ako kinakabahan. For the past 5 years, i tried to forget him. Pero paano ko magagawa yun kung araw-araw kong nakikita ang anak ko. My son reminds me of him.

Sinundo kami nila mommy sa airport. Tuwang-tuwa sya lalo na ng makita nya si Hayes. Palibhasa solong apo kaya giliw na giliw. At ganun din naman si Hayes, nagpabuhat agad kay mommy. At si dad, kunyaring nagtatampo kay Hayes kasi mas unang pinansin si mommy. Ang kukulit nila.

Habang nasa sa sasakyan na kami pauwi sa bahay, tinanong ko si mommy kung anong balak nya sa birthday nya. Sa friday na birthday nya, wednesday na ngayon.

"Don't worry sweetheart, everything was settled. Kayo na lang ni Hayes ang kulang. I'm glad na umuwi na kayo." Nakangiting sagot ni mommy.

"It's because it's your 50th birthday. So mom, ano nga? San ba gaganapin yang birthday mo? It's 50th, it must be special." Pangungulit ko pa rin.

"Ok, ok. Sa private beach resort ng kaibigan ko gaganapin. Sya na ang sumagot ng venue. Gift na daw sakin." Sagot ni mommy.

"Beach? I wanna go to the beach. I want to swim." Magiliw na pagsingit ni Hayes.

"Yes sweetie, we're going to the beach. You'll gonna love it." Malapad na ngiti na sabi ni mom kay Hayes.

"Yey, I'm so excited." Pumapalakpak at excited na excited na sabi ni Hayes. "Mom, you heard that? We're going to the beach. We should invite dad. You told me before that my dad was staying here and busy at work."

I Got Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon