29

36.5K 595 48
                                    

"Love, are you sure? Kaya mo na? Ready ka na ba?" Tanong sakin ni Greg. Kakatapos lang namin magpabook ng flight papuntang Pilipinas.

Alam nya ang nangyari sakin, samin ni Drew. At ito ako ngayon, uuwi na naman, para sa Pilipinas para i-celebrate ang birthday ni Hayes. Request nila mommy at daddy. Can you believe it, mag-sseven na si Hayes. Mahigit isang taon na rin kami ni Greg.

"Of course I'm fine. Saka andyan ka naman eh. Andyan kayo ni Hayes." Saka ko dinampian ng mabilis na halik ang mga labi nya.

Hindi sya nagsalita. I know what he's thinking.

"Love, I'm okay. I told you, I moved on already. Kaya nga tayo ang magkasama ngayon, diba?" He sighed.

"I know love. Pero magkikita na naman kayo ng lalaking nanakit sayo." Nakangusong sabi nya. Cute.

"Who told you na magkikita kami?" Hanggang sa maaari, ayaw ko muna syang makita. Oo nga at nakamove-on na ako. Pero hindi pa rin nawawala ang bitterness na nararamdaman ko

"Love, birthday ni Hayes. Birthday ng anak nya. Of course he's coming." Pagpapaliwanag nya sakin.

"Wala syang karapatan. Nawalan na sya ng karapatan when he kicked me out. When he kicked us out in his life." Napataas na ang boses ko.

"Kita mo na, nakamove-on na pero ganyan pa rin ang reaksyon pag napapag-usapan." Tatawa-tawang pang-aasar sakin ni Greg.

Inirapan ko lang sya.

I don't know what's with him pero inaasar nya ako kay Drew everytime na napapag-usapan namin. Hindi ko naman sya nakikitaan ng selos o ano pa man. He's always calm.

"Stop teasing, ok? Baka gusto mong maiwan dito bukas. At saka naka move-on na talaga ako. Anger na lang ang nararamdaman ko sa kanya." Nagtuloy ako sa kitchen para kumuha ng makakain sa fridge. Ramdam kong sumunod sya.

"You wanna eat?" Tanong ko sa kanya habang nagpe-prepare ng clubhouse sandwich.

Tumingin lang sya sakin ng makahulugan at may pilyong ngiti sa mga labi.

"Ha-ha." Fake na tawa ko. "No! You eat this." At inusog ko sa pwesto nya ang sandwich na gawa ko.

"I'm just kidding. Hindi ka na mabiro." Kumagat na sya sa sandwich at ngumiti sakin and mouthed I love you.

"I love you too." Yes, I love him. Sa 1 and a half year na pagsasama namin natutunan ko na syang mahalin. He's a sweet guy. Anak na rin ang turing nya kay Hayes. Hindi nya kami pinapabayaan. And he asked me to live with him pero tumanggi ako. Baka matulad na naman kagaya ng dati. Kahit alam ko na ibang-iba sya kay Drew.

Kaya dinadalaw nya na lang kami dito ni Hayes sa bahay. Dito rin sya minsan natutulog. At hindi na maiiwasan ang mga intimate moments. I'm old enough and I'm living in a liberal country. At ako pa ba ang mag-iinarte at magpapakeme? Meron na akong anak na mag-pipitong taong gulang na.

"Love, baka matunaw na ako sa titig mo. All you have to do is ask if you want me." Tss. Naglalandi na naman po ang boyfriend ko.

I smile seductively at unti-unting lumapit sa kanya. I snaked my arms around his neck. I gave a chaste kiss on his lips.

"Let's go to my room." I whispered seductively. Nanlaki ang mga mata nya pero nakabawi din agad at ngumiti sakin. "Tulungan mo kong mag-ayos ng mga gamit ko." At saka ko sya nginitian ng matamis at binigyan ulit ng isang dampi sa labi at umalis na sa pagkakakapit sa leeg nya.

Kinuha ko na ang isang sandwich kong ginawa at lumabas na ng kusina.

"Seriously, love?" Nilingon ko si Greg na nakasunod sakin papuntang kwarto. Hindi maipinta ang mukha nito.

I Got Pregnant!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon