Hi there! This book is work of fantasy, any Name, Place, events are purely imagination of the author.
Hope you enjoy! :)
Date started: August 2020
__________________________________________
Rose POV
“Ingat sa pag uwe iha” wika sakin ni mang Rogo ang guard sa pinapasukan kong University dito sa school sa Manila, nasa 50 plus na siya at 15 years na siyang guard dito sa school, mabait siya at laging nakangiti sa mga estudyante nakakakwentuhan ko din siya pa minsan minsan at nabanggit nga niyang may anak siyang babaeng nag aaral dito sa school kaya mas nagsusumikap siyang magtrabaho para sa anak niya. Tinanong ko kung sino ang anak niya pero hindi niya sinasabi dahil baka raw mabully at nahihiya siya na malaman nilang anak siya ng isang guard. Medyo nakaramdam ako ng lungkot sa nalaman ko. Puro mayayaman kasi ang nag aaral sa school na to, nakapag aral lang ako dito dahil sa scholar na natanggap ko at alam ko kung bakit ayaw niyang malaman kung sino ang anak niya dahil kagaya ko minamaliit lang ako ng mga estudyante dito. Para ko narin siyang tatay dahil lagi niya kong pinapayuhan sa mga bagay bagay. Sinabi ko rin sa kanya noon na kung makilala ko ang anak niya hindi ko siya lalapitan dahil baka mabully siya pag dumikit sakin. Medyo nalungkot siya at humingi ng pasensiya pero sabi ko ayos lang yon para makapag focus siya sa pag aaral.
“bye po mang Rogo.” Paalam ko, kumaway muna ako sa kanya bago tumalikod saka tuluyang lumabas ng school.
Naglalakad ako pauwe sa tinutuluyan ko, marami akong nakakasalubong na nagtatakbuhan siguro dahil uwing uwi na sila at gusto ng makasama ang kanilang mga pamilya.
Buti pa sila…..
Wala akong kasama sa tinutuluyan ko. Dati meron yung nag ampon sakin, pero wala na siya dahil na rin sa katandaan. Yes inampon ako ng isang matandang dalaga si Nanay Merry, mag isa lang din siyang nabuhay pero naging masaya siya ng dumating ako sa buhay niya. Natagpuan lang niya ko sa harap ng pintuan ng bahay niya. Ako lang na isang sanggol iniwan sa harap ng pinto.
Tinuring niya kong parang isang tunay na anak at ganun din naman ako sa kanya. Binigay niya ang lahat sakin kahit na may mga kamag anak siya malayong lugar. Sinabi niya sakin noon na mas maiging ako ang makinabang sa pinagkahirapan niya kesa mapunta sa mga kamag anak niya na walang ibang ginawa kundi magwaldas ng Pera sa mga bisyo nila. At dahil sa pagmamahal niya sakin hindi niya ko pinakilala at nilihim na may isang ako sa buhay niya dahil baka daw ay pagtulungan ako ng mga yon kung sakaling malaman nilang sakin ipinamana lahat ng ari arian niya. Nung una ayokong tanggapin dahil unang una hindi niya ko tunay na kadugo pero nagpumilit siya kaya napag isipan na itabi na lamang sa Bangko at para na rin sa pag aaral ko.
Tumingil ako sa isang bookshop, pumasok ako at tumingin tingin ako ng mga libro na pwedeng basahin pag nabobored ako.
Rose…
Napalinga linga ako ng may marinig akong boses. Pero ako lang ang nasa pwestong to. Napatingin ako sa dulo at hindi ko alam parang may nagtutulak sakin na lumapit ako Kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa dulo. Pag dating ko sa dulo tila wala naman kakaiba, aalis na sana ako ng mapansin ko ang isang libro makapal at may kakaibang itsura kinuha ko ito at binasa ang nakasulat dito.
“Mondres Prince..”
Anong meron dito? Tinignan ko ang nasa likod pero wala ng nakasulat.
“Sayo na yan iha..” napalingon ako sa matandang babaeng bantay dito. “Wala na kasing may bibili niyan at matagal na nandito yan.” Sabi pa niya.
“pero----
“ Pakaingatan mo sana yan iha “ sambit niya, kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.. Hinawakn niya ang mga kamay ko na nakahawak sa libro.” At pakiusap tulungan mo siyang maging masaya muli.. “
Bumitaw na siya sakin, napatingin ako sa librong hawak ko.“ ano pong ibig niyong sabihin---
Napatigil ako sa pagsasalita ng mapansin kong nasa harap na ko ng apartment na tinutuluyan ko.
“ Panong nandito na ko?” takang tanong ko sa sarili. Pumasok na ko sa apartment na may pagtataka sa nangyayari.,sinara ko na ang pinto, nagmamadali akong umupo sa kama. Nakatulala lang ako at iniisip ang nangyari kanina.
Inalog ko ang ulo ko.. “Hindi… Hindi naman siguro totoo yon..” sabi ko sa sarili. Walang sabi sabi kinurot ko ang pisngi ko.. “Aray!!”sigaw ko ng maramdaman ko ang sakit ng pagkakurot ko.
Pabagsak akong humiga sa kama kaya nalaglag ang bag ko sa sahig. Bumangon ako para pulutin ito pero napatigil ako sa isang bagay na nakikita kong nakalabas ng konti sa bag.
Dahan dahan kong kinuha yon.. “Ito yung libro kanina..” pinagmamasdan ko lang ito.. “may magic ba to?” sambit ko. Hindi ko alam kung babasahin ko o hindi.
Brrp….
Napatigil ako sa pag iisisp ng tumunog ang tiyan ko, nilapag ko muna sa tabi ang libro saka tumayo para maghanda ng kakainin ko.
Nagbabasa ako ng notes habang kumakain kelangan kong maghanda para sa quiz namin bukas. Pagkatapos kong kumain hinugasan ko ang pinagkainan ko.
Pumasok ako sa banyo para magtooth brush at maghilamos ng mukha. Lumabas ako ng banyo habang nagpupunas ng mukha ng mapatingin ako sa kama at sa librong nakalapag dun. Lumapit ako sa kama saka umupo, kinuha ko ang libro at napagpasiyahan kong basahin.
“Isang malaking sagupaan ang nagaganap pagitan ng mga kawal ng palasiyo at sa mga teroristang gustong pabagsakin ang ang pamilya Mondres na namumuno sa buong lungsod.” Basa ko.
“kaya siguro walang may gustong bumili ng librong to puro labanan.” Sinara ko ang libro saka tumingin sa kisame.
“Pakiusap tulungan mo siyang maging masaya muli..”
Bigla kong naalala yung sinabi nung matanda. Ano bang ibig sabihin nung sinasabi niya. Kinuha ko muli ang libro saka binasa ang susunod na pahina.
“matinding labanan man ang nangyari nagtagumpay parin ang mga kawal ng palasiyo. Nagpugay ang mga tao at ang palasiyo sa tagumpay nila. Ngunit may isang tao na kahit tagumpay at payapa na ang kanilang lungsod hindi parin nagagawang ngumiti sa kabila ng nangyari. Siya ang prinsipe na si Prince Ezekiel Mondres, kilala siya bilang cold prince dahil narin sa kung paano siya makitungo sa mga nakapaligid sa kanya. Pansin man sa kaya ang kagwapuhan at ang angking kakisigan pero siya na siguro ang pinaka masungit, mahigpit na prinsipe. Takot sa kanya maging ang mga alipin niya, walang sino man ang kayang paamuhin ang binatang prinsipe dahil narin siguro mag isa na lang siya ng pumanaw ang mga magulang niya sa di inaasang pangyayari, pinatay ito habang nasa malayong lugar para sa isang kasunduan ngunit nauwe sa pag paslang sa mag asawa. Simula nun hindi na na kitang ngumiti ang prinsipe. “
Nakaramdam ako ng awa sa prinsipe, hindi ko man nakilala ang mga magulang ko pero pinaramdam sakin ni Nanay Merry na isa akong tunay niyang anak kaya ng mawala siya talagang nasaktan ako dahil siya lang ang kaisa isang taong nag alaga’t nagmahal sakin.
Hindi ko alam kung ilang oras kong binasa ang libro, ang daming nangyari at palala ng palala ang ugali ng prinsipe.Napatigil ako sa pagbabasa ng isang pangyayari sa kwento.
“Isang babae ang dumating na magpapabago sa prinsipe…isang magandang babae, may itim na mahabang buhok may maputing balat at may maamong mukha. Marami ng lalake ang nahuhumaling sa kanyang kagandahan at sa angking kabaitan.”
Oh.. Isang anghel..
Nagskip ako ng pahina, palipat lipat lang ako ng pahina ng mapukaw ang atensiyon sa isang salita..
“ biglang naglaho ang babaeng pinakamamahal niya, dahil don lalong naging matigas ang prinsipe sa mga tao at nagkulong sa sarili niyang kwarto.”
Kawawa naman ang prinsipe..
Napahikab ako sa antok, napatingin ako sa orasan at ala una na pala ng madaling araw. Sinarado ko na yung libro at saka pumikit kaya tuluyan na kong nakatulog..
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.