Dahan dahan akong naglalakad sa loob ng palasiyo, sa sahig kasi ako nakatoka ngayon araw. Palinga linga din ako sa paligid dahil baka may naka alam sa nangyari kagabi at sa pagsasalita ko ng english, sinimulan ko ng magpunas ng sahig.
Ng matapos ako sa sahig tinungo ko na ang kusina, nakita ko si Kate na naghihiwa ng patatas. Lumapit ako sa kanya pero bago pa ko makalapit tinawag ako ni madam.
Inabot niya sakin ang pagkain na sa tingin ko sa prinsipe. "Oh dalhin mo sa prinsipe, bilisan mo dahil may gagawin kapa'' utos niya kaya mabilis akong lumakad papunta sa kanyang kwarto. Malapit na ko sa silid niya ng mapansin ko ang tanong nakatigil malapit sa silid ng prinsipe.
'" Parang familiar siya.. " sambit ko at unti unti akong lumapit sa kanya at nakumpirma ko ngang siya yung lalake kagabi.
Wala naman siguro siyang pinag sabihan..
Lumapit ako sa kanya, "Huy bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya kaya humarap siya.
Dub!Dub!Dub!
Namangha ako sa kanyang itsura, ang ganda ng mata niya, mayroon siyang kulay light brown na mata at mahahabang pilikmata, makapal ang kilay na bumagay sa kanya at ang matangos niyang ilong at ang mapupulang labi. Pero isa lang ang napansin ko sa kanya.. Siguro dahil madilim kagabi kaya hindi ko napansin. Ang ekspresiyon ng kanyang mga mata, napakalamig pero may mararamdaman kang lungkot sa mga ito.
Napatingin ako sa tinitignan niya,. Shit ang pagkain ng prinsipe.
"Ay sige mauuna nako kelangan ko pa tong dalin sa prinsipe at baka masigawan ako heheh sige. Saka umalis ka sa parteng ito dahil sa prinsipe to baka mahuli ka,." Umalis na ko at dumiretso kung saan ang silid, kumatok muna ako saka pumasok sa loob, ilalapag ko na ang pagkain ng bumukas ang pinto. Napamadali kong nilapag ang pagkain at dali daling tinulak palabas ang lalakeng pumasok sa silid.
" bakit ka pumasok mamaya mahuli kapa." Sabi ko sa kanya, tahimik lang siyang nakatingin sakin.
Kinuha ko ang kamay niya saka hinila palayo sa lugar na yon. "Sinasabi ko to sayo para sa kaligtasan mo, yung silid na yun ay sa prinsipe hindi ka maaring magpalaboy laboy sa labas nun kundi malalagot ka" sabi ko sa kanya. Napakatahimik naman ng lalakeng to parang pipe eh.
Nakalayo na kami ng bitawan ko siya, hinarap ko siya " Oh sige dito na lang, bumalik kana sa trabaho mo, aalis na ko." Sabi ko. Naglakad na ko pabalik sa kusina at baka umuusok na ang ilong ni madam. Nilingon ko ulit yung lalake pero wala na siya sa pwesto niya kanina.
"Hayy bakit ba ang tahimik nun? Pano siya Nakaapasok sa palasiyo kung hindi siya nagsasalita" sambit ko. Nakabalik na ko sa kusina ng nakita kong nagkakagulo ang ibang katulong.
"anong nangyari bakit nagsisiksikan ang mga katulong dito?" tanong ko Kay Kate., naghihiway parin siya hanggang ngayon.
"Ang prinsipe kasi nasa labas daw kaya yung mga kawal nakakalat para bantayan ang pwesto kung nasan siya, hindi mo ba nakita ang prinsipe? " tanong niya.
Umiling ako. "Hindi, wala naman akong napansing tao" sabi ko. Tumulong na lang ako sa paghihiwa niya. May mga bisita palang dadating kaya pala nagkakandaugaga ang mga tao dito.
Nasa kwarto na kami at nagliligpit ako ng damit ng magsalita si Kate, "Nakakapagod ang ginawa natin ngayon, ang sakit ng kamay at likod ko" reklamo niya habang minamasahe ang sarili.
"Ngek e lagi naman nakakapagod, tsaka kelan ba hindi napagod ang katulong?." Sambit ko, nakita ko naman napabusangot siya sa sinabi ko. Ewan ko pero kahit kakakilala ko lang sa kanya ang gaan na ng loob ko.
Humiga na siya at nag unat unat bago tuluyang pumikit.. Naisipan kong pumunta ulit sa hardin para magpa antok. Tahimik akong lumabas saka tinungo ang hardin.
"Wooh mas malamig ngayon" sabi ko, mas lalo kong binalot ang sarili ko ng kumot. Yakap yakap ko lang ang sarili ko ng makita ko ulit yung lalake. Nandun ulit siya sa pwesto niya. Lumapit na ko sa kanya lumingon naman siya sakin ng umupo ako malapit sa kanya.
"lagi kaba dito?.." tanong ko pero a usual wala akong narinig na sagot.
"mmm wag mo sana masamain pero pipe kaba?" tanong ko ulit, tumingin lang siya saglit pero wala parin akong nakuhang sagot.
"Hayy ang ganda talaga dito. Ang ganda pero ang lungkot" yumuko ako ng maalala ko si Nanay. "Naalala ko yung panahong magkasama pa kami. Yung ramdam ko yung pagmamahal niya,yung ngiti niyang nakakamiss makita araw araw."
Tumingala ako para hindi tuluyang tumulo ang aking luha.. Sa tinagal tagal ng panahon ngayon lang ulit akong nakaramdam ng lungkot sa pagkawala ni nanay.
" Walang kwenta ang luha kung hindi naman siya babalik.. "
Napalingon ako sa kanya, tumayo na siya at nagpagpag ng damit na nagkaroon ng dahon, nakatalikod siya sakin. "Lumalamig na mas maiging pumasok ka na sa loob" sabi niya saka tuluyang pumasok sa loob at naglaho sa dilim.
"Nagsasalita ka naman pala.." nasambit ko na lang sa kawalan at napangiti sa kalangitan.
"Tama ka hindi na siya babalik dahil matagal na siyang wala sa mundo.."
Tumayo na ko at nagpagpag ng sarili. Maglalakad na sana ako pabalik sa loob ng may mapansin ako sa di kalayuan. Parang may anino ng tao akong nakikita.
"Hmp! Guni guni mo lang yan Rose itulog mo na lang yan."sabi ko.
Naglakad na ko pabalik sa loob, humiga na ko sa kama pag pasok ko saka natulog.
Kinabukasan inutusan kami ni Kate ni Madam na bumili ng mga sangkap sa bayan, medyo natuwa ako dahil makakalabas ako ng palasiyo at makikita ko kung anong meron sa labas.
Nagsuot kami ni Kate ng pangkaraniwang damit, lumabas na kami ng palasiyo at bakas sa akin ang saya.
"Hindi naman halatang masaya ka sa gagawin natin.." nakangiting sambit sakin ni Kate. Tumango tango lang ako sa kanya habang nakangiti.
"Sa pag labas natin kelangan mong maging alisto dahil maraming magnanakaw na nagkalat" paalala niya. Tumango lang ako bilang sang ayon. Alam ko naman dahil kahit sa mundo namin may mga ganun din.
Sumakay kami sa isang kalesa para maihatid kami sa bayan. Habang nakasakay kami ay ngiti lamang ang tangi kong nagawa dahil sa ganda ng tanawin nakikita ko palabas ng palasiyo., nakita ko din ang hardin at mas maganda itong tignan kapag umaga.
Habang palayo kami ng palayo mas natatanaw ko na ang maraming kabahayan makaluma ang bersiyon nito na kahit luma ay napakaganda.
May mga tao akong nakikita na simple lang namumuhay, mga pamilyang nagkakasiyahan habang pinanonood ang nga anak nilang masayang sumasayaw. Ilang minuto lang ay nakikita ko na sa di kalayuan ang tinutukoy na bayan, mas malawak to sa di ko inaasahan.
"Andito na tayo, paalala lang lagi ka dapat nasa tabi ko." Sabi niya umoo na lang ako dahil kahit nasa kalesa kami ay paulit ulit niya tong pinapaalala.
Hawak niya ang listahan ng mga bibilin, tinutulungan ko lang siyang bitbitin ang mga ito. Sa di kalayuan nakarinig ako ng isang tunog, tunog ng nagkakasiyahan.
"Gusto mo bang makita?" tanong sakin ni Kate, tumango ako bilang sagot.
Lumapit kami sa mga taong nagkakasiyahan, mga matanda na sumasayaw kasama ang mga bata, pumapalakpak ang mga nanunuod sa kanila. Lahat sila nakangiti---
Biglang nagsialisan ang mga taong nakakasiyahan ng dumating ang ilang grupo ng mga lalake. May bitbit silang mga kahoy at nakapatong sa mga balikat nila na animoy mga siga sa kalye.
"Oh bakit kayo tumigil?.. Gusto namin mapanuod ang ginagawa niyo.hahaha" sambit ng mukang lider nila.
Naramdaman kong hinawakan ni Kate ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya, kita ko ang takot habang nakatingin siya sa mga lalakeng dumating.
"Umalis na tayo, delikado kung magtatagal pa tayo" sambit niya hinila na niya ko palayo ng makarinig ako ng pagbagsak ng kung ano sa likod kaya napalingon ako.
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.