Dinala ako sa isang kwarto na tanging kahoy na may bakal ang pinto at isang maliit na bintana lamang ang nagbibigay sakin ng hangin may maliit din na kama na may alikabok na rin kung tignan, nilagyan din nila ng bakal ang mga kamay at paa ko na nagbibigay ingay sa buong silid kung nasan ako.
Tulala at nanlalamig ang pakiramdam ko, bumalik sa isip ko ang itsura ng lalakeng maaring napatay ko. “Hindi ko sinasadya.. “sambit ko pinagkrus ko ang mga kamay ko sa kabang nararamdaman ko, takot na takot ako ngayon dahil maaring kamatayan ang parusa sakin.
Biglang sumagi sa isip ko ang mukha ng Prinsipe naalala ko pa yung ngiti niya kanina ng pumayag ako sa gusto niyang sumama ako bukas
“Hanggang dito na lang ba ko? “sabi ko sa sarili, niyakap ko ang sarili sa lamig na nararamdaman ko, dumidilim na rin ang paligid
Ilang minuto ng makarinig ako ng yabag agad akong lumapit sa pinto, papalapit sakin ang yabag ng saktong tumigil ito sa pinto ng silid ko.
“Oh pagkain mo” rinig kong sabi ng kawal paalis na siya ng tawagn ko
“Sandali” tawag ko lumingon naman siya.. “Hanggang kailan ho ako mananatili rito? “ lakas loob kong tanong kahit na alam kong magtatagal ako dito.
Saglit siyang natawa sa tanong ko” Hindi mo ba alam na matagal kang mananatili rito binibini” napangisi pa siya “Isang Opisyal ang pinatay mo—
“Pero hindi ko ho sinasadya! Ipinagtanggol ko lamang ang isang katulong sa masama niyang balak!hindi ko alam na ikamamatay niya “ napataas na ang boses ko, naiinis na rin ako dahil ikinulong nila ako ng hindi man lang pinagpapaliwanag.
Umiiling iling siya “Wala ka ng magagawa binibini mas maiging kumain ka na lang para may lakas ka bukas”wika niya na ikinataka ko.
“Ano hong ibig mong sabihin? “tanong ko, tumalikod na siya ng hindi sinasagot ang tanong ko. “Parang awa mo na po pakawalan niyo ko! “sigaw ko pero tuluyan ng nawala sa paningin ko ang kawal, nanghina ang mga tuhod ko ng mapaupo sa sahig unti unting tumulo ang luha ko “P-pakiusap… “ sambit ko at tuluyan ng napaiyak
Tanging pag iyak ko ang maririnig sa buong pasilyo sa kulungan.Sa kakaiyak ko hindi ko namalayan na nakatulog na ako.
“Rose.. “
Dahan Dahan kong iminulat ang mata ko ng marinig kong may tumatawag sakin.madilim ang paligid wala akong makita sa sobrang dilim.
“Rose..Rose… “
Napalinga linga ako nagbabakasakaling makita kung sino ang tumawag sakin pero wala akong nakita
“Sino ka?” Tanong ko, naghihintay ako ng sagot ng mapatakip sa mata ng bigla ng lumiwanag.
“Rose” dahan dahan kong inalis ang kamay kong nakatakip sa mata, bumungad sakin ang pamilyar na mukha na matagal ko ng gusto ng makita.
Unti uniting tumulo ang luha ko ng ngumiti siya sakin. “N-Nanay…. “tanging nasambit ko habang tuloy tuloy ang agos ng luha sa aking mata, lumapit siya sakin saka ako niyakap ng mahigpit, “Anak namiss kita.. “wika niya, niyakap ko siya pabalik habang patuloy parin sa pag iyak.
“Nanayyy wag mo na po akong iiwannn! “hagulgol ko sa kanya, ramdam ko ang hagod niya sa likod ko
Kumalas siya sakin, pinagmasdan niya ang mukha ko at pinahid ang luha sa mata ko, “Rose anak natatandaan mo ba ang sinabi ko sayo dati nung bata ka pa? “wika niya, umiling iling ako bilang sagot bata pa lang ako noon kaya malabong matandaan ko ang mga sinabi niya
Bumuntong hininga siya “Sabi ko sayo noon na kahit anong mangyari hindi kita iiwan at kahit mawala ako tandaan mo na lagi mo akong nasa puso mo”sabi niya hinawakan niya ang mga kamay ko saka ngumiti “Dadating siya.. ” sabi niya, biglang lumiwanag kaya napatakip na naman ako sa mata ko, naramdaman kong hindi na niya hawak ang nga kamay ko.
“Nay! Nay!.. “sigaw ko sinubukan kong kapain ang paligid ko pero hindi ko na siya mahawakan.
“Mag iingat ka palagi Anak.. “rinig kong sabi niya,
“Nay please.. dito ka lang---
“ROSE!! “
Nagising ako na hinahabol ang aking hininga pawis na pawis na tila galing ako sa malayong takbuhan. Bumungad sakin ang mukha ng nag aalalang Prinsipe at sa likod na si Jena na may pag aalala din sa kanyang mukha.
“Binibini okay ka lang? Tila galing ka sa isang masamang panaginip kanina ka pa namin pinipilit gisingin pero ayaw mong magising”sabi nito, napatingin ako sa paligid nasa kulungan parin ako pero bakit sila nandito?
Nagtataka akong nakatingin sa kanila. “Makakalaya kana” wika ng Prinsipe na tila nabasa ang nasa isip ko. Napatingin ako kay Jena na nakangiti na ngayon.
“Napagtanto nilang isang nagpapanggap na opisyal ang lalakeng napatay mo at isang kasalanan ang pagpasok niya dito sa palasiyo kaya ang ginawa mo ay hindi kasalanan binibini” sabi ni Jena napansin ko din ang rebulto ng isang tao sa likod ni Jena si Prinsipe Sefano.
“Nagpapasalamat ako na nahuli mo ang taong may balak na masama sa loob ng palasiyo patawad dahil ikinulong ka dito ng hindi sinisiyasat ng maayos ang pangyayari, wag kang mag alala ikinulong na ang mga nanguna sa kaso mo”wika nito, nakahinga ako ng maluwag sa aking narinig.
“Umalis na tayo dito” nagawi ang tingin ko kay Prinsipe Kiel ng magsalita ito, tinulungan niya kong tumayo, humarap ako kay Prinsipe Sefano “Salamat po dahil hindi niyo ako pinabayan—
Natigil ako ng tumawa bigla si Prinsipe Sefano “Naku wag ka sakin magpasalamat Binibini kundi diyan kay Prinsipe Mondres ka magpasalamat dahil simula ng kunin ka ng mga kawal ko agad siyang lumapit sakin para hingan ng tulong—
“Sefano ” sita sa kanya ni Prinsipe Kiel, tinaas ni Prinsipe Sefano ang dalawang kamay niya na parang sumusuko sa pulis habang nakangisi kay Prinsipe Kiel.
Napatingin ako sa kanya, naalala ko bigla yung sinabi niya nung sumama ako sa dalawang kawal. Napatingin ako sa baba ng mapatingin siya sakin, pakiramdam ko nag init bigala ang pisngi ko kaya napahawak ako dito.
“May problema ba?, tila namumula ka? “ tanong sakin ni Jena sabay hawak sa noo ko, “Hindi ka naman mainit.. “nagtatakang sambit niya.
Umiling ako saka ngumiti sa kanya “Wala ito------
Brrrpp!
Ito na siguro ang pinaka ayaw kong araw sa buong buhay ko, lahat sila napatingin sa akin, sa mga oras na to gusto kong magtago sa pinakailalim ng lupa nakakahiya!
Ilang akong ngumiti sa kanila, “Ah –
“Hahahahhahha.. “kasing pula na siguro ng kamatis ang mukha ko sa sobrang hiya, naalala kong hindi pala ako nakakain simula kagabi sa kakaiyak kagabi hindi ko namalayang nakatulog na ko, mas nakakahiya pa dahil narinig pa ng mga kasama ko ngayon.
Nahihiya akong tumawa sa harap nila “Pasensiya na”sambit ko, pansin kong nagpipigil parin ng tawa si Prinsipe Sefano, nilapitan ako ni Jena “Tara muna binibini ipaghahanda kita ng makakain---
Biglang hinawakan ni Prinsipe Sefano ang kamay ni Jena, pansin ko ang pamumula ng mukha ng tumingin siya dito. “Maari ka ng bumalik sa trabaho mo Jena” kita ko kung paano nagulat si Jena ng mabanggit ang pangalan niya ng Prinsipe, “Tara na baka maistorbo—
Umubo si Prinsipe Kiel kaya napatingin ako dito, nakatingin siya kay Prinsipe Sefano at parang naguusap ang dalawa sa kanilang isip.
Umalis kami sa palasiyo na hindi ako nakapagpaalam kay Jena, nagtataka lang ako dahil simula pa kanina parang malalim ang iniisip ng Prinispe.. Magkasama kami sa karwahe niya habang nakadungaw siya sa bintana halata din sa kanya na kulang siya sa tulog.
Di ko na matiis kaya naisipan kong magtanong, “Prinispe Kiel.. Kanina ko pa po napapansin may problema ba? Pasensiya na din dahil sakin hindi ka nakatulog“sabi ko. Lumingon siya sakin, bigla niyang pinatong ang kanyang ulo sa aking balikat na ikinagulat ko.
Ilang segundong namayani ang katahimikan samin ng maramdaman ko ang pagbuntong hininga niya, “Hayaan mong matulog ako sa balikat mo bilang kapalit sa ginawa ko”sambit niya, maya maya naramdaman ko na lang na medyo bumigat ang ulo niya kaya alam kong nakatulog na siya..
Buong byaheng tanging yapak ng kabayo at ingay ng karwahe ang naririnig ko hanggang sa makarating na kami sa palasiyo ni Prinsipe Kiel.
Malapit na kami pero mahimbing parin ang tulog ng Prinispe, sinubukan kong iuga ang balikat ko pero walang epek. Sinilip ko siya at aktong kakalabitin sa pisngi ng magmulat siya ng mata..
“Aaahh! ------aray “ napahawak ako sa ulo ko ng mauntog ako sa pinto ng magulat ako sa pagmulat niya ng mata.
Dali daling bumukas ang pinto at bumungad ang isang kawal, “Mahal na Prinsipe ayos lang kayo? “nagtatakang tanong ng kawal, napatingin ako sa Prinsipe, nakita kong nakahiga siya sa upuan na agad bumangon.
Agad naman akong lumabas ng karwahe saka tumayo sa gilid para hintayin ang pagbaba ng Prinsipe,nakaabang na rin ang ilan sa mga katulong at kawal na nakahilera sa labas na nag aabang din.
Pagka babang pagkababa ng Prinsipe sabay sabay na binati siya ng mga katulong at kawal ng nakayuko sa kanyang pagbabalik, diretso lamang siyang lumakad sa gitna papasok ng palasiyo.
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.