Chapter 29

0 0 0
                                    


Ilang araw na rin simula ng makita ko sila malapit sa playground at ilang araw na rin simula ng iwasan ko siya. Kapag siya ang nagtuturo sa board lang ako nakatingin. Maigi rin na dalawang araw lang ang subject namin sa kanya kaya mas nakatulong.

Madalas din na si Ethan ang kasama ko, lagi niya kong niyaya kumain sa canteen, nakilala ko din ang mga kaibigan niya na sina Bryan at Jake, nakakailang lang dahil kasama nila ang mga girlfriend pero mababait naman at mabilis makasundo, Si Sophia na girlfriend ni Bryan at si Jenny na girlfriend ni Jake.

“Bro mamaya after school punta tayo kina Sophia birthday ng mommy niya, tayo tayo lang daw kasi namimiss na niya tayo. “

Tahimik lang akong kumakain , habang nagdadaldalan sila, paikot ang upuan namin at mesa, katabi ko si Sophia sa kaliwa habang sa kanan ko naman si Ethan.

“Isama mo din si Rose para maipakilala natin”

Napainom ako ng tubig ng bigla akong maubo dahil sa sinabi ni Bryan, inangkla ni Sophia ang kamay niya sa braso ko.

“Punta ka ha Rose? “ ngumuso siya habang nakatingin sakin.

Napatingin ako kay Ethan, maski siya nag aabang ng sasabihin ko. Napabuntong hininga ko, “Okay.. “

“Yes! “ nagulat ako kay Sophia ng bigla siya sumigaw, napatingin tuloy ang ibang kumakain pero tila wala siyang pakialam.

Hinampas ni Jake sa braso si Ethan saka lokong ngumiti sa kanya. Binatukan naman siya agad ni Ethan saka sila nagtawanan.

Weird..

Sa totoo lang ibang iba sila sa iniisip ko. Kilala kasi sila bilang mga mayayaman na studyante dito sa University na pinapasukan ko, dati nakikita ko lang silang magkakasamag naglalakad, hindi nila napapansin ang mga tingin sa kanila ng ibang studyante

Sabay sabay kaming lumakad pabalik sa room namin, “Ahh.Rose!”

Kumaway pa sakin sina Sophia at Jenny bago sila makapasok sa room nila. Papasok na ko sa room ko ng tawagin ako ni Ethan, lumapit siya sakin at nanlaki ang mata ko ng inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko.

“Thank you.. “

Pagkatapos niyang sabihin yon, patakbo siyang pumasok sa room niya. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko dahil sa biglaang ginawa niya.

“Ehem .. “

Nakatayo siya sa gilid ko habang seryosong nakatingin sakin, bigla kong naalala yung babaeng kasama niya nung nasa playground ako.

Tumalikod na ko saka pumunta sa upuan ko saka umupo, nakalimutan kong may schedule siya sa klase namin ngayon.

“Ang gwapo talaga ni Sir”

“May nakakita nga daw sa kanya nung nakaraang araw may kasamang babae, maganda.. “

“Taken na pala si Sir.. “



“I can hear you.. “


“Sorry sir… p-pero totoo po ba na may girlfriend kana? “

Tila nagpantig ang tenga ko sa tanong ng isa kong kaklase, nakalimutan ba nilang isang teacher ang tinatanong nila?

Tila may dumaang anghel sa gitna namin sa katahimikang namumuo sa klase, napansin ko kaklase kong babae na nag aabang ng sasabihin niya.

Napatingin naman ako sa taong nasa harap, seryoso lang siya, hindi ko alam kung anong nasa isip niya sa mga oras na to.

“Let’s not talk about it”

Tila nang hinayang ang mga kaklase ko sa naging sagot niya, hayy.. Bakit ba kasi nila pinakekealaman yung buhay niya, ano naman kung may girlfriend siya!

Tahimik na natapos ang klase, nagsisialisan na ang mga kaklase ko, pansin ko na wala sa mood ang iba lalo na ang mga babae.

Inayos ko na ang mga gamit ko saka sinukbit sa balikat ang bag ko. Napatingin ako sa pinto ng nagkukumpulan ang ibang naiwan na kaklase ko.ano na naman ang pinagkakaguluhan nila.

Lumakad ako papunta sa pinto kaya lang hindi ako makadaan, sinubukan kong sumingit pero naitulak ako ng isa, napaatras ako at muntik ng mawalan ng balanse ng may kamay ang humawak sa braso ko.

Napatingin ang mga kaklase ko sakin, at sa taong nasa likod ko.

“Sorry Rose, sorry Sir.. “

Agad silang nagbigay daan samin. Agad akong lumayo sa taong nasa likod ko at agad na lumabas ng room.

“Rose! “

Napatigil ako sa paglalakad ng may tumawag sakin, paglingon ko si Ethan lang pala.

Bakit parang na disappoint ako?.







The Mondres PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon