“Hayy nakakapagod! Ang daming nangyari ngayong araw” pabagsak akong humiga sa kama, pagkatapis nung nangyari sa bayan sermon ang inabot namin kay madam lalo na sakin dahil sa sobrang tagal namin makabalik. Humingi naman ako ng tawad at sinabing hindi na mauulit.
At sa maghapon puro utos ang ginawa sakin ni madam tila nga ako na ang gumawa ng lahat ng kelangan gawin ng katulong, gusto man akong tulungan ni Kate pero bantay sarado ako kay madam kaya hindi siya makalapit.
Lumapit sakin si Kate na nakabihis na ng pantulog, “Ikaw kasi bakit ba naman kasi nakisali ka sa gulo sa bayan, yan tuloy napagalitan ka ni madam tiyak ako na mas lalong maghihigpit sayo yun” sambit niya, napaupo ako sa bigla kong naisip.
“Hindi ko naman kasi kayang makitang may sinasaktan lalo na kung matanda at bata, wala silang kalaban laban” sabi ko.. Umupo siya sa tabi ko, “Pero sino ba kasi ang mga lalakeng yun?” tanong ko.
Kinuha ni Kate ang unan saka niyakap. “Hmm ang alam ko sila ang maniningil sa bayan pero wala naman silang karapatan maningil kasi wala naman silang pinautang sa mga tao don, tinatakot lang nila ang mga taga bayan para makakuha ng pera” wika niya.
“Kung ganon bakit hindi sila pinahuhuli?” tanong ko
Bumuntong hininga siya.. “Nakita mo naman siguro kung gaano sila katakot sa mga lalakeng yun diba?” sabi niya, tumango lang ako. “At dahil sa takot na yun hindi nila kayang magsumbong dahil baka bago pa sila makapagsumbong ay patayin na sila.” Wika niya na lalo kong ikinalungkot.
Parang sa mundo ko lang din, ang mga kriminal ang nagwawagi dahil tinatakot nila ang mga tao. Kahit sa school na pinasukan ko ganun din, tinatakot nila ang mababa gaya ko, hindi naman sa takot ako pero mas gusto kong makapagtapos ng payapa.
Pero payapa nga ba ang matatawag dun kung araw araw takot at kaba ang nararamdaman?
Tumayo siya naglakad pabalik sa kanyang kama. “Pero pasalamat ka talaga at napansin ng Prinsipe ang nangyayari, kung hindi talaga ng malalagot ka sa mga lalakeng yun” sambit niya, napaisip naman ako sa narinig ko kanina tungkol sa Prinsipe.
“Tanong ko lang, matagal na bang hindi lumalabas ang Prinsipe?” tanong ko, nagging seryoso naman ang mukha ni Kate sa sinabi ko.
“Ang totoo niyan, lahat ng katulong dito ay bago kasama tayo dun maliban kay madam na ilang taon ng nagsisilbi dito, ang mga nakakataas lang ang nakakaalam ng itsura ng Prinsipe, ang alam ko nag simula siyang umiwas sa mga babae dahil sa babaeng minahal niya noon, minahal ang babaeng yun pero isang araw nalaman na lang niyang sumama sa ibang lalake ang babae at nagpakalayo layo, sobrang nasaktan ang Prinsipe kaya mas pinili niyang magkulong, lumalabas lang siya kapag may important siyang lakad at hindi niya pinabayaan ang mamamayan at ang palasyo” sambit niya, hindi ko alam na ganun na pala ang nagyari sa kanya, ang huli ko kasi ng nabasa ay yung nawala ang babaeng pinakamamahal niya, ang akala ko nawala dahil namaalam na hindi ko alam na mas masakit pala ang nangyari ng sumama siya sa ibang lalake.
Napaisip ako bigla ng maalala ko ang matandang nagbigay sakin ng libro, hindi kaya naka rating na siya dito? Pero paano siya nabalik sa mundo namin? At ano ba ang kelangan kong gawin sa mundong to?
“Matulog na tayo at marami pa tayong gagawin bukas” sabi niya, humiga na siya at pumikit ilang minute lang mahimbing na siyang natutulog.
Sinubukan kong matulog ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok. Na isipan kong lumabas at pumunta ng hardin, kinuha ko ang kumot na pinatatapon sakin ng Prinsipe pero hindi ko ginawa at mas piniling gamitin ko na lang dahil ang Komportable ng kumot na to at makapal kaya alam kong hindi ako lalamigin.
Pumwesto ako sa lagi kong inuupuan luminga linga ako sa paligid nagbabakasakaling narito ang lalake pero wala akong nakita.
Humiga ako sa damuhan at pinagmasdan ang napakagandang kalangitan.
“Ang daming bituin ang liwanag nila.” Sambit ko, sinimulan kong magbilang gamit ang kamay ko.
“Fourteen… Fifteen …. Sixteen ….Seventeen …. Eighteen--------
“ Sino ka ba? Paano ka natututong magsalita ng wikang Ingles? “
Napabangon ako ng may narinig akong magsalita, lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang lalake. Akala ko hindi na siya pupunta dito.
Lumapit siya sakin, ramdam ko ang kaba ng makita ko kung paano niya ko tignan, punong puno ng pagdududa at parang isang kasalanan ang aking nagawa.
Napaatras ako.. “Ahh ano---
“ See you tomorrow.., tama pala ang aking dinig at tama ang hinala ko. “ sambit niya hindi ko alam pero parang familiar ang boses niya lalo na ngayon mahaba ang kanyang sinasabi, pero mas iniisip ko kung anong palusot ang sasabihin ko.
“ Ahh ano na-basa ko lang sa isang libro na nakakalat sa palasiyo----
“Tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo?” sabat niya medyo tumataas na ang tono ng kanyang boses. “Sa pagkakadinig ko mukang natural ang pagkakasabi mo” sabi niya,bigla niya kong hinawakan sa magkabilang braso kaya napapikit ako sa gulat.
Minulat ko ang mata ko, diretso ang tingin niya sakin.. Wala na kong magagawa.. “Pakiusap w-wag mo sana akong isumbong sa nakatataas ayoko pang mamatay---
“ sabihin mo saan ka nanggaling” sambit niya huminahon siya at binitawan ako, lumayo siya ng konti pero hindi niya parin inaalis ang tingin niya.
Anong sasabihin ko?,argh!..
“Nanggaling ako sa malayong lugar, ang totoo niyan isa akong manlalakbay -----
“ Bakit ka napunta sa palasiyo? “ tanong niya, pakiramdam ko hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
Bakit kasi ang dami niyang tanong.. Kainis
“ Pakiusap wag mong sasabihin sa iba.. Magkatrabaho naman tayo diba? Gagawin ko lahat ng iuutos mo, kung gusto mo ako gumawa ng trabaho mo bukas hehe” sambit ko,nakatingin lang siya, hindi ko alam kung anong iniisip niya.
Please pumayag ka.
“Pumasok kana sa loob.” Sabi niya, Dali Dali naman akong naglakad pabalik sa loob pero hindi pa ko nakakalayo ng tawagin niya ko. Nilingon ko siya, kinakabahan ako sa sasabihin niya kaya nanahimik lang ako..
“Pangalan..”wika niya, nag-aalangan pa ko ng tignan niya ko ng masama.
“ Rose.. “sabi ko at tuluyan ko na siyang iniwan, tahimik akong naglakad ng mabilis pabalik sa kwarto.
Humiga ako sa kama’t natulala sa kisame, ”Argh! “nagpagulong gulong ako sa kama, napasabunot ako sa buhok sa sobrang stress, “pano bukas?, anong gagawin ko pag nalaman nila? “ dumapa ako idiniin sa unan ang mukha saka sumigaw.
“ Rose! Rose! Pinapatawag ka ni Madam” sigaw ng isang katulong mula sa pinto ng kusina, naghuhugas ako ng pinggan ng oras na yon.
“sige na ako na diyan pumunta kana dun” sabi ni Kate, pinunasan ko ng panyo ang mga kamay ko.
Habang naglalakad dobleng kaba ang nararamdaman ko, naalala ko yung lalake kagabi,.
“Hindi kaya sinumbong niya ko?” sabi ko, mas lalo ng dumoble ang kaba ko ng makita ko si madam na naka tayo at nakatingin sakin.
Tumigil ako sa harap niya, yumuko ako.. “Pinatawag niyo po ako” sabi ko. Tumingin ako sa kanya pinagkrus niya ang mga braso niya.
“Simula ngayon ikaw na ang personal na katulong ng Prinsipe”
“Po? A-ako personal katulong ng P-prinsipe? “ naguguluhan kong sabi sa kanya, tila nabingi ako sa sinabi niya.
Sinamaan niya ko ng tingin. “Uulitin ko paba ang sinabi ko?.. Pumunta kana sa silid ng Prinsipe” wika niya
“Narinig ko po ng malinaw madam.. Pero bakit po ako?” tanong ko. Mas sumama ang tingin niya sakin. “Ahh hehe sige po puntahan ko na po ang mahal na Prinsipe” sabi ko at tuluyan ng lumakad.
“Whoooo… Kalma lang Rose” nasa harap na ko ng pinto ng prinsipe, isang buntong hininga ang muli kong ginawa bago kumatok sa pinto.
“Pasok..” rinig kong bosses mula sa loob kaya pumasok na ko.
Nakayuko lang ako ng makapasok ako. “Mahal na prinsipe ako po si Rose ang personal na katulong mo mula ngayon” sabi ko,ilang oras akong nakayuko ng marinig ko ang tunog ng kabinet. Agad akong lumapit ng hindi tumitingin sa kanya.
“ako na po ang maghahanda ng susuotin mo, maari na po kayong maligo” sambit ko,sinarado ko ang pinto ng kabinet ng mapatigil ako, nanlaki ang mata ko sa nakita kong tao sa salamin.
Hinarap ko siya. “Anong ginagawa mo dito?” mahina kong singhal sa kanya, baka marinig kami ng mahal na Prinsipe. Lumapit ako sa kanya saka siya hinila palabas ng silid.
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.