Chapter 27

0 0 0
                                    





Rose POV


Lumabas na ko ng apartment saka ito ni lock, naramdaman ko din ang pagbukas ng pinto sa kabila kaya agad kong nilagay ang earphone sa tenga ko.  Nilagay ko na ang lock sa bag ko saka lumakad, nakita ko pang nilock niya ang pinto pero iniwas ko na ang tingin ko at dire diretso lang ang lakad.

Nakahinga ako ng maluwag ng malampasan ko siya, kaya ko naman pala..  Pababa na ko ng hagdan ng hindi ko napansin na basa pala ang aapakan, nadulas ang paa ko at aabutin ko sana ang hawakan pero hindi naabot ng kamay ko, ng may kamay na humawak sa braso ko.

Natanggal ang isang earphone sa tenga ko, “Salamat---

Natigilan ako sa sasabihin ko ng siya ang makita ko, inalalayan niya kong makatayo, nakatingin lang ako sa kanya ng mabalik ako sa ulirat at inayos ang sarili ko.

Binitawan niya na ko saka binalikan ang bag niya sa sahig at kinuha. agad akong umalis. Binilisan ko ang lakad ko, natampal ko ang sarili ko ng maisip ko ang nangyari kanina. “Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo e. “sabi ko sa sarili.

Natanaw ko na ang school sa di kalayuan at si Mang Rogo na nakatayo sa harap ng gate. Kumaway ako sa kanya na sinuklian din naman niya ng pag kaway pabalik, tumakbo ako palapit sa kanya.

“Oh iha, dahan dahan lang.. hindi ka pa naman late hahaha” sabi niya, mukang maganda ang mood niya ngayon at maaliwalasa ang kanyang mukha.

“Kamusta po? “ nakangiti kong tanong sa kanya.

Napangiti naman siya, “Tuwang tuwa ang anak ko sa niregalo ko sa kanya, kaya nagpapasalamat talaga ako sayo iha sa tulong mo”sabi nito

“Naku wala po yun, hindi naman po kayo iba sakin” sabi ko, ginulo niya ang buhok ko.

“Naku ikaw din naman iha, para na kitang anak.. Oh sige pumasok kana sa loob”sabi nito, tumango ako sa kanya saka nagpaalam na pumasok sa loob.

“Rose!! “

Papasok na ko sa pinto ng building ng may tumawag sakin, napalingon ako at nakita ko si Ethan ba ang name nito?, papalapit siya sakin ng may ngiti sa labi..

Okay? Anong meron?

“Kala ko hindi kita maabutan, ang aga mo pumasok. “ sabi nito, nagtataka lang ako sa kanya, kakakilala lang namin kahapon diba?

Napansin niya sigurong hindi ako nagsasalita. “hehe pasensiya na kung feeling close ako.. Gusto ko lang na ano..mmm Friends? “sambit nito, pansin ko lang na naging mahiyain siya hindi katulad kanina.

Natigilan ako sa sinabi niya, ngayon lang ulit may nag alok sakin na maging kaibigan ako, nagkaroon ako ng kaibigan nung first year college ako pero pansamantala lang dahil kelangan nila ako.

Biglang pumasok sa isip ko si Kate, siya lang ang naging totoo kong kaibigan,siya lang ang nagparanas sakin kung paano magkaroon ng tunay na kaibigan.

Kamusta na kaya siya?

“Hey.. Okay ka lang? “

Napatingin ako kay Ethan, nag aalala siyang nakatingin sakin? Totoo ba to?.

Bumuntong hininga ako sa tumingin sa kanya, “Sige.. “ sambit ko, bumuka ang bibig niya pero agad din niyang tinikom, napansin ko din na namula ang mukha niya.

Malawak siyang ngumiti, “Really?, wala ng bawian yan ha.. hahaha…… finally”

“Huh? “ hindi ko narinig ang huli niyang sinabi, natigilan siya na ikinataka ko. Huminga siya ng malalim, napatigil ako ng hawakan niya ang kamay ko, napansin naman niya yon kaya agad niyang binitawan ang kamay ko.

“Sorry---

“Would you mind me asking why are two still here? Malapit na magsimula ang klase. “

Napatingin kami sa taong nagsalita sa likod.iba talaga ang kabog ng dibdib ko tuwing nakikita ko siya. Seryoso ang tingin niya saming dalawa, palapit na siya samin ng humarap ako kay Ethan.

“Mauuna na ko. “ sabi ko saka nagmadaling lumakad papunta sa room. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.

Dapat ko na siyang kalimutan…


Ethan POV

Pinanuod ko lang si Rose na umalis, well im glad she accepted me to be her friend. I smiling like an idiot and I know pagtatawanan ako ng mga kaibigan ko pag nakita nila akong ganito.

Napatingin naman ako sa lalakeng nang istorbo samin. Nanliit ang mata ko sa kanya ng makita ko siyang nakatingin kung san dumaan si Rose. Napansin niya siguro ang tingin ko sa kanya kaya tinignan niya ko and I don’t know but felt something strange when he stare at Rose a while ago.

“Were now friends huh” sabi ko, saka siya iniwan. Hindi pa ko nakakalayo ng silipin ko siya, nakatulala lang siyang nakatingin sa sahig.

Weird…



Rose POV

“Narinig mo ba ang usapan sa baba kanina?, Yung substitute teacher natin na si Sir Montes isa rin palang studyante pero iba ang course niya kaya pala hindi natin nakikita, ibig sabihin kaedaran natin siya… iiiihhh “

“Ang sabi pa nga naging substitute teacher siya dahil wala na daw mapili ang admin, ibig sabihin super talino niya… o my god! Gwapo na matalino pa”

Sinalpak ko ang earphone sa tenga ko, hindi pa naman nagsisimula ang klase kaya ang lakas ng loob magtsismisan ng mga kaklase kong babae.

“May girlfriend na kaya siya? “

Magpapatugtog na sana ako ng marinig ko ang sinabi ng kaklase kong babae. Nilakasan ko ang volume ng music ko para hindi ko na marinig ang susunod nilang sasabihin.

Girlfriend?

Nangalumbaba ako sa aking lamesa, humarap ako sa may bintana at tinanaw ang mga ibon na lumilipad.

Pano kung meron siyang girlfriend?

Napabuntong hininga ako sa naisip ko. Bakit ko ba inaalala ang taong hindi naman ako naaalala?

Napatingin ako sa pinto at saktong pagpasok niya, pansin ko rin na parang wala siya sa mood dahil pabagsak niyang nilapag ang bag niya. Tinanggal ko na rin ang earphone ko at pinakiramdaman ang nangyayari, natahimik ang buong klase habang nakatingin sa kanya.

Bumuntong hininga siya bago tumingin samin “Get your notes.. “ Agad kong kinuha ang notebook ko, ewan ko pero natakot ako sa boses niya. Parang galit.

Ganun din ang ginawa ang ginawa ng mga kaklase ko, at ginawa ang mga pinagawa niya. Pinagsukat lang niya kami ng mga kailangan namin pag aralan at bukas daw may quiz kami,kaya pagkalabas niya ng room halo halo ang mga reaksiyon ng mga kaklase ko. May iba na natakot sa reaksiyon niya at may iba na nainis dahil quiz agad bukas at karamihan don puro lalake.

“Bakit ang gwapo parin ni Sir kahit galit argh! “ angil ng isa, nilapitan siya ng mga kabigan niya saka lumabas ng room para bumili ng makakain.

Tumungo na lang ako sa desk ko at saka ipinikit ang mata, nakakailang minuto palang ako nakapikit ng may maglatag ng kung ano sa mesa ko kaya napamulat ako.

“Anong---

“Nakita ko kasing hindi ka lumabas at break time na, wala ka man lang pagkain kaya binilan kita” napalingon ako at nakita ko si Ethan, kumuha siya ng upuan at tinabi sakin saka umupo. Napatingin ako sa mga kaklase ko at maging sila nagulat sa ginawa ng lalakeng nasa tabi ko.

“Hindi mo na sana—

Natigilan ako sa sasabihin ko ng makita kong bumusangot ang mukha niya at tila nalungkot sa sinabi ko. Napabuntong hininga ako saka kinuha ang isang tinapay na binili niya. Umaliwalas naman ang mukha niya ng makitang kinain ko ang tinapay na binigay niya, nilabas niya rin ang pagkain niya saka ako sinabayan.

“O my god! Hindi ba si Ethan yan ng kabilang room?”

“Hala! Ang gwapo niya pala sa malapitan..“bulungan ng mga kaklase, ayoko pa naman sa lahat yung

“Hindi kaba hinahanap ng mga kaibigan mo? “

Uminom siya ng tubig, “Nope, im with them since first year college, and I know mga busy yon sa mga girlfriend nila. “inalok niya ko ng pagkain pero tinanggihan ko na. Hindi naman kasi ako gutom.

Hindi ko na matiis kaya itatanong ko na. “Bakit ka ba nandito? “, kanina pa ko nagtataka sa kanya, yes pumayag ako na maging kaibigan pero yung ganito? Acting like were now ose kahit bago lang. Hindi naman sa ayoko pero—

“Look, sorry if I made you uncomfortable, but I want to friends with you” kita ko ang sinseridad  niya sa sinasabi niya. Nakita ko pang nanlaki ang mga mata ng kaklase ko dahil sa sinabi niya.

Blag!

Napatingin kaming lahat sa harapan at nakita namin si Sir Montes na nakatingin kay Ethan?

“Mr. Velasco, you may now leave in our class, break time is over” may diin sa boses sa mga sinabi niya. Tumayo si Ethan saka ibinalik ang upuan kung san niya to kinuha.

“See you around Rose.. “paalam nito, sinusundan lang siya ng tingin ng mga kaklase ko. Napatakip na lang ako sa mukha sa mga nangyari, tiyak akong kakalat sa school ang mga sinabi ni Ethan.

Mabuti na lang graduating na ko..

The Mondres PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon