Chapter 23

0 0 0
                                    



“Prinsesa Hasmin.. “

Lumapit siya sakin at nagulat ako ng sampalin niya ko ng malakas, mabuti na lang at may nakahawak sakin dahin kung hindi sa lupa ang bagsak ko.

“Ooops nadulas ang kamay ko…. Patawad huh” sambit nito ng may mapang asar na ngiti. Hindi ko pa rin lubos akalain na may ganito siyang ugali, dahil sa nabasa ko mabait ang Prinsesa na kaharap ko ngayon pero hindi..

“Akala mo ba na hindi ko malalaman ang ginawa mo?.. Ang sinabi ko tulungan mo kong mapalapit sa prinsipe pero anong nangyari!?.. “napataas ang boses niya kaya agad niyang kinalma ang sarili.. “Mabuti na lamang at hindi ako nagtiwala sa espiyang yon, hindi marunong kumilos huh, dapat lang sa kanya---

Nanlaki ang mata sa narinig ko“Anong ginawa mo sa kanya!? “ sigaw ko, natigilan siya sa ginawa kong pagsigaw lumapit siya sakin saka muli akong sinampal, ramdam kong namanhid na ang mukha ko dahil sa ginawa niya.

“Wala kang karapatan na sigawan ako, prinsesa ako at katulong ka lang” sambit nito, pinagkrus niya ang mga braso niya. “ Hayaan mo magkakasama din kayo mamaya” wika niya, nanlamig ako sa sinabi niya. “Sige na Zed dalhin mo na siya kung nasan ang kauri niya”utos niya sa laakeng may hawak sakin na nagngangalang Zed, hinila niya ang braso ko papasok sa mapunong lugar sa sulok ng palasiyo.

Naglalakad kami ng magsalita aki, “Zed.. Zed ang ngalan mo hindi ba?.. Nakikiusap mo ako”sabi ko pero tahimik lang siya habang naglalakad kami ng matanaw ko ang is a ang isang pintong bakal. Nakalapit na kami sa pinto ng ng buksan niya ito. Bumungad sakin ang isang hubog ng taong nakahiga na tila walang malay.

Nanlaki ang mata ko ng makilala ko ito, binitawan na ko ni Zed at itinulak papasok sa loob, agad akong lumapit sa taong nasa loob, “Kate!, kate! Gumising ka! “ pag gising ko sa kaya, unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata at nagulat ng makita ako sa harap niya.

“Rose anong ginagawa mo dito?, sinaktan ka ba nila? Bakit namumula ang mukha mo? “ sunud sunid niyang tanong habang sinusuri kung may galos ako sa katawan.

Agad akong lumapit may Zed na tangka ng aalis, “Pakiusap tulungan mo kami.. Pakiusap.. “pag mamakaawa ko sa kanya. Tahimik lang siya at itinuloy ang pagsara ng pinto kaya napaupo na lamang ako ng lapitan ako ni Kate saka niyakap.

“Rose a-anong gagawin natin, masiyadong tago ang lugar na to walang makakakita satin.. “takot na takot na sabi ni Kate, napaiyak na siya sa takot lalo na ng maalala niya na baka hindi na siya makita ng pamilya niya, niyakap ko siya pabalik at saka pinatahan..

Hindi pwedeng manati kami rito..

“Kelangan natin gumawa ng paraan.. “matapang na sambit ko, tumayo ako at naghanap ng pwedeng gamitin para makalabas kami pero nanlumo ako ng wala ni isang gamit ang pwede naming gamitin tanging kandila at posporo lang ang nandito.

Lumapit ako kay Kate na nakasandal sa pinto, paglapit ko napansin ko ang telang hinahangangin sa labas ng pinto, nakasipit ito.

“Kate tulungan mo kong itulak ang pinto. “sabi ko sa kanya, nagtataka man tumayo siya at pumesto sa tabi ko at hinawakan ang pinto. “Pag bilang ko ng tatlo itulak natin ng malakas” sabi ko sa kanya tumango siya bilang sagot. Hinanda na namin ang sarili, “Isa… dalawa… tatlo!”

Sabay namin tinulak ng malakas ng maramdaman naming gumalaw ang pinto saka tuluyang bumukas. Nalaglag pa ag telang naipit dito at napangiti ako kung kanino galing ang pamilyar na tela.

Zed..

Hinawakan ko ang kamay ni Kate habang tahimik na naglalakad paalis sa lugar na ito. Bago kami makalabas may isang bantay ang nakatayo sa gilid, napansin ko si Zed na palapit dito. May sinabi siya dito pero sa isang iglap namawalan ito ng malay, itinago niya ang katawan nito saka tumingin sa gawi namin na tila alam niya na nandun kami.

“Pano na.. Nakita niya tayo.. “ nababahalang sabi ni Kate

“Kakampi siya Kate.. “paninigurado ko sa kanya tila hindi pa rin siya naniniwala ng makalapit na samin si Zed.

“Hintayin niyo ang hudyat ko bago kayo kumilos” sabi niya, bago siya makaalis tinawag ko siya.

“Salamat.. “ sambit ko bago siya tuluyang makaalis.

Tahimik kaming naghihintay sa tabi ng makarinig ako ng kaluskos, hinanda ko ang sarili ko sa anumang pwedeng mangyari. Malapit na ang kaluskos at nakikita ko na ang anino nito.

Ramdam ko na ang pawis sa aking noo at tanggka ng susugod ng makita kong si Zed lang pala iyon, sumenyas siya palabas habang nakatingin sa di kalayuan. Agad kaming sumunod sa kanya at tahimik na naglalakad palabas ng—

“Akala niyo makakaalis kayo.. “

Napalingon kami sa nagsalita, si Prinsesa Hasmin at ang mga kawal kasama ang kasamahan ni Zed. Hinarang ni Zed ang sarili niya, “Ako na ang bahala sa kanila”sambit niya

“Pero---

“Puntahan mo na ang Prinsipe.. “ sabi niya ng hindi lumilingon, hinanda na niya ang sarili niya ng sumugod na ang iba papalapit samin.

“Halika na Rose” hinawakan ako ni Kate sa kamay saka hinila paalis sa lugar na yon. “Natitiyak akong kaya niya ang mga yon”sambit niya, mabilis kaming tumakbo palabas ng may humarang saming dalawang kawal.

Mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko, “Rose pag hudyat ko tatakbo tayo ng mabilis at huwag kang lilingon”mahinang sambit niya.

Hinanda ko ang sarili at humawak ng mahigpit sa kanya, palapit na samin ang dalawang kawal ng agad kaming tumakbo ng mabilis.

Mabilis kaming tumakbo kahit nararamdaman ko ang pagod. Nang mapansin namin wala ng humahabol nagtago kami sa isang puno. Napaupo si Kate sa likod ng puno sa pagod habang ako sinilip kung may humahabol pa samin. Nakahinga ako ng maluwag at naghanap kung san kami maaring dumaan.

“Muntik na tayo---aaaaahhh! “

Napatingin ako kay Kate at nanlaki ang mata ko ng hawak siya ng isang kawal, agad akong naghanap ng maaring gamitin ng makita ko ang kahoy, pinulot ko ito at agad na lumapit sa kanila at hinampas ang kahoy sa ulo ng kawal na may hawak sa kanya.

Hinawakan ko agad ang kamay niya saka tumakbo ng mabilis.

Kelangan ko ng mahanap ang Prinsipe..

Malayo layo na ang tinakbo namin ng makarinig ako ng kaguluhan sa di kalayuan. Kinabahan ako sa naririnig ko.

“Rose hindi pwede mapanganib.. “sambit ni Kate, napatingin ako sa kanya, kita ko ang pagod sa kanya, hinila ko siya sa matatas na damo at saka inupo dito.

“Kate dito ka lang---

“Hindi Rose hindi ka aalis”sambit niya sakin at hinigpitan ang hawak sakin. Hinawakan ko siya sa balikat. “ Kate hindi ako mapapalagay kung alam kong nasa panganib ang Prinsipe.. “ sabi ko, unti unting tumulo ang luha niya na agad kong pinunasan, “Iingatan ko ang sarili ko” sambit ko at saka pilit na ngumiti sa kanya.

“M-mag iingat ka.. “sambit niya tumango lang ako bilang sagot saka bumitaw sa kanya. Tumayo na ako saka agad na tumakbo ng mabilis.

Sana hindi pa ko huli..

The Mondres PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon