Chapter 6

0 0 0
                                    




Hila hila ko siya ng may isang kawal ang nasalubong namin,yumuko siya bigla ng makita niya kami.

"Magandang umaga mahal na Prinsipe.." pagbati niya, napansin naman niya ko at sa kamay ko na nakahawak sa kamay ng lalake. Lumapit siya sakin at bigla akong hinila palayo sa lalake.

"Anong karapatan mong hawakan at tignan ang prinsipe" sigaw niya sakin, may mga kawal din na papunta sa direksiyon namin at nakita ko din si madam na palapit samin.

Naguguluhan akong napatingin sa kawal, "A-ang prinsipe po?" sambit ko. Napatingin ako sa lalakeng nasa harap lang namin at tahimik na nakatingin samin.

"I-ikaw a-ng Prinsipe?" tanong ko, nakatingin lang siya sakin, biglang nag flashback sakin ang mga nangyari..yung time na nakita ko siya malapit sa pinto at yung pagpasok niya sa silid.. At yung boses niya..

K-kaya ba familiar?..

Humahangos na lumapit si madam, ng makita niya ng lalakeng nasa harap namin yumuko siya. "Mahal na prinsipe andiyan ka po pala" sambit niya.

Patay!

Dahan dahan siyang tumingin sakin. "Rose.." pagbanggit niya sa pangalan ko na ikinatakot ko, sa tingin palang  niya sakin parang may kasalan akong nagawa.

Tumingin ako sa Prinsipe, hanggang ngayon nakatingin lang siya samin, hindi ko akalain na siya ang prinsipe.. Sumakit ang kamay ko ng higpitan ng kawal ang pagkakahawak sakin. "Dahil sa ginawa mo mapaparusahan ka-----

" Tumigil na kayo... "

Napatigil kami ng magsalita ang Prinsipe, nakatalikod na siya ngayon samin." Sumunod ka sakin. "sambit niya, nagkatinginan kaming tatlo ng kawal at ni madam.

" Katulong... "wika niya.

" Pero mahal na Prinsipe kelangan po siyang maparusahan-----

"Tumahimik ka.." sambit ng Prinsipe at isang tingin ang ibinigay niya kay madam, nakakatakot.

Tumalikod na siya lumakad palayo,  hindi parin kami kumikilos ng itulak ako ng kawal

Aray! Ha

" Sundin mo ang utos ng Prinsipe"wika niya. Yumuko ako bilang paalam napatingin pa ko kay madam pero masamang tingin lang ang ibinigay niya sakin.

" Papasok na po ako mahal na Prinsipe" sambit ko, nasa pinto na ko ng silid ng Prinsipe, dahan dahan kong binuksan ang pinto, nakita ko siyang nakatanaw sa bintana, yumuko ako ng bigla siyang lumingon sa gawi ko.

Rinig ko ang yabag niya papalapit sakin, kabadong kabado ako lalo niya sa dami na ng nilabag ko, kita ko ang pares ng kayang paa sa harap ko. Isang bagay lang ang naisip ko para hindi ako patawan ng kamatayan..

Lumuhod ako sa harap niya. "Mahal na Prinsipe patawarin mo po ako sa aking nagawa, alam kong marami akong nailabag sa palasiyo, nakikiusap po ako wag niyo po akong ipapatay" unti unti ng namumuo ang luha sa aking mata, ngayon lang ako natakot sa magiging kapalaran ko. Kung nung una palang nalaman ko na na siya ang Prinsipe ay iiwasan ko siya. Pero huli na----

"Wala akong balak na ipapatay ka"

Natigilan ako sa narinig ko, hindi niya ko ipapatay?..

"Nalaman ko ang ginawa mo sa bayan, tinulungan mo ang isang matanda at bata..dahil sa ginawa mo nalaman ko na may hindi tamang nangyayari sa bayan at dahil din sayo nakulong ang mga taong gumagawa ng masama.." sambit niya.hinawakan niya ko sa braso at tinulungang tumayo, nanatili parin akong nakayuko iniiwasang makita ang kanyang mukha.

Bumitaw na siya at lumapit sa may bintana, tinignan ko kung ano ang ginagawa niya, seryoso lang siyang nakatanaw sa labas.

" Isang bagay din ang dahilan kung bakit kita hinayaang mabuhay.." lumingon siya sakin kaya yumuko ulit ako.

"Ano po yon mahal na Prinsipe?" tanong ko.




"Rose pinahirapan ka ba ng mahal na Prinsipe at ginabi ka ng balik?" tanong sakin ni Kate, hindi pinagsabi ang nangyari kanina, walang nakakaalam maliban kay madam na lagi ng nakatingin sakin ng masama.

Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa mga gawaing pinagawa sakin ng Prinsipe, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na siya ang Prinsipe.

"Kate anong gagawin ko? Ang sakit ng katawan ko sa paglilinis ng buong library ng mahal na Prinsipe, hindi ko akalain na ngayon lang pinalinis yon sa tagal ng panahon, para akong magkakasakit" atungal  ko sa kanya, tila mas malala tong parusa kesa sa mabilisang mamatay, parang pina unti unti akong pinapatay.

Lumapit siya sakin, "Kaya mo yan.. Ikaw pa" pagapapagaan niya sakin pumwesto siya sa likod ko saka minasahe.

Hindi ko naman kasalanan na hindi ko alam na siya ang prinsipe, bakit kasi hindi ko agad napansin..

"Kate may ideya kaba kung ano ang ginagawa sa mga taong nakakaalam ng itsura ng prinsipe?" tanong ko, tinigil niya ang pagmamasahe saka umupo sa tabi ko,naging seryoso ang mukha niyang nakatingin sakin.

"Rose wag mong sabihin---

Peke akong tumawa." Hehehe okay lang kahit-----

"Hahahahahahahaha"

Nabigla ako ng bigla siyang tumawa ng malakas humawak pa siya sa tiyan niya habang tawa ng tawa.

"B-bakit ka tumatawa?" takang tanong ko.

"Yung mukha mo kasi" kumuha siya ng panyo at pinunasan ang pawis ko sa noo, "Kabadong kabado hahaha"

Kinuha ko ang unan saka hinampas sa mukha niya, napatigil naman siya sa pag tawa, kumuha rin siya ng unan saka ako hinampas, naghampasan lang kami ng unan, hindi ko alam pero nawala ang pagod ko sa ginagawa namin, ganito pala pag may matalik kang kaibigan, kahit nagkakasakitan kayo magkaibigan parin kayo.

Sa mundo ko kasi hindi ko naranasan magkaroon ng kaibigan, siguro nagkaron pero hindi kaibigan ang turing nila sakin.

Tumigil na si Kate at humiga na lang sa kama ko, "Hay kapagod.."Sabi niya, tumingin siya sa kisame na parang may inaalala" nakakamiss din yung ganito, yung puro lang katuwaan ang ginagawa"sambit niya, umupo ako sa kama, umupo din siya sa tabi ko.

"Namimiss ko na ang pamilya ko.. ang mama't papa ko pati na rin ang mga kapatid ko.." sabi niya, napansin ko naman na lumungkot ang mga mata niya.

Niyakap ko lamang siya mula sa gilid "Makakasama mo ulit sila at sa tingin ko maging sila namimiss ka din" wika ko, isang maliit na ngiti lang ang ginawa niya.

"ikaw ba asan ang pamilya mo? Saang lugar ba kayo banda?" tanong niya, tila nabahala naman ako sa sasabihin ko, paniniwalaan ba niya ko pag sinabi ko kung san ba talaga ako nanggaling?.

Huminga ako ng malalim, "Wala na kong kasama sa buhay, naglalakbay lang ako hanggang sa oras na nagsawa ako, napasok lang ako dito dahil kailangan ko ng pera at pagkain upang mabuhay" pagsisinungaling ko, mabuti at diretso kong nasabi kahit ayoko talagang magsinungaling sa kaisa isang taong nanging mabuti sakin.

Humiwalay siya at tumingin sakin ng may pagkamangha, "Ang tapang mo naman na manglalakbay, hindi ko akalain na magkasing edad lamang tayo pero marami ka ng naranasan sa buhay" sambit niya. "matanong ko lang, balak mo na bang manatili dito sa palasiyo?" tanong niya na nagpatigil sakin.

Ano nga bang mission ko sa mundong to?



Nandito ako ngayon sa silid ng prinsipe, pinatawag niya ko pero wala naman siyang sinabi ng makarating ako dito nakahiga lang siya sa kama.

" ahh mahal na prinsipe may kelangan po ba kayo?"

Wala akong nakuhang sagot kaya lumapit na ko sa kanya, sinilip ko kung anong ginagawa niya. Naalarma ako ng makitang pinagpapawisan siya ng husto kaya nilapitan ko siya, nilapat ko ang palad ko sa noo niya na agad ko ding nilayo.

"Mahal na prinsipe sobrang init mo.." sambit ko, tumayo ako para humingi ng tulong ng hawakan niya ang kamay ko, napatingin ako sa kanya minulat niya ng kaunti ang mata niya.

"Samahan mo lang ako.." sambit niya, bumagsak ang kamay niya sa sobrang hina niya, tinaklob niya ng husto ang kumot sa katawan niya at kita kong nilalamig siya.

Lumapit ako sa drawer niya, kumuha ako ang bimbo, mabuti na lang at may pampainit siya sa banyo niya kaya nakakuha ako ng mainit na tubig na hinaluaan ng kaunting lamig para maging maligamgam na nilagay sa maliit na planggana.

Nilapag ko ito malapit sa pwesto ng prinsipe tumayo ako saka sinarado ang mga bintana para hindi pumasok ang lamig na galing sa labas, kumuha ako ng upuan saka inilapit sa pwesto ng prinsipe. Inalis ko ang kumot na nakatalukbong sa kanya.



The Mondres PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon