Lumapit siya sakin, “Let’s go hatid kita”
“Huh? Hindi—
Natigilan ako sasasabihin ko ng magawi ang tingin ko kay Sir Montes, iniwas niya ang kanyang tingin saka kami nilagpasan.
Peke akong ngumiti, “Huwag na kaya ko na sarili ko.. “ sa ilang segundo nakita ko ang pag iba ng ekspresiyon ng mukha ni Ethan pero agad siyag ngumiti ng mapansin ko yun.
“Sige, samahan na lang kita hanggang paglabas ng building” tila nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya, hindi naman kasi ako sanay na may kasamang lalake lalo na hindi ko pa siya gaanong kilala.
Sabay na kaming lumakad, “Uhm bakit ka pala nag thank you kanina? “, pilit kong maging komportable sa kanya, lalo na ramdam ko na sinusubukan niyang maging malapit kami.
Napakamot siya sa ulo, “Ahh dun ba?, hmm im just thankful na pumayag kang sumama sa birthday ng mommy ni Sophia. “ tila bumalik ang sigla niya. “First year palang kaming magbarkda ng mameet namin ang mommy niya. At first takot pa si Bryan na maipakilala pero now?, mas close pa ang mommy ni Sophia at si Bryan” napangiti siya sa mga naalala niya.
Nakaramdam naman ako ng inggit, kung nandito pa si Nanay baka masaya siyang nakikitang may taong gustong maging malapit sakin.
“So kitakits tayo this Saturday?, are you free on that day? Baka naabala ka? “ naging worried siya ng maalala niyang baka may gawin ako. May kinuha siya sa bulsa niya, “By the way.. C-can I have your n-number? “ bumalik na naman ang pagiging mahiyain niya, kinuha ko ang phone niya saka nagtipa,binigay ko din agad pagkatapos kong mailagay ang number ko.
Napangiti siya habang nakatingin sa phone niya, “Alright ill text you—sorry hahaha hmm. Text na lang kita kung san ang meeting place natin” nagpaalam na ko sa kanya kaya iniwan ko na siya don.
Nakadaan na ko ng makita ko si Mang Rogo na nag aayos ng gamit, napangiti siya ng makita ako. “Oh iha ingat ka sa pag uwe ha”
“Opo kayo rin po. “
Lumakad na ko palabas ng gate, nilagay ko ang earphone ko sa magkabilang tenga at nakinig ng music habang naglalakad pauwe ng apartment.
Nasa harap na ko ng pinto, kinuha ko sa bag ang susi, bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may humawak sa kamay ko at isinandal ako sa pinto. Nakatingin lang ako sa mga mata niya ng isandal niya ang ulo niya sa kanang balikat ko dahilan para mahila at malaglag ang earphone ko.
“A-anong g-ginagawa mo? “
Hindi niya ko kinibo at nanatili lang na nakapatong ang ulo niya sa balikat ko. Nararamdaman ko ang kabod ng dibdib ko at ang paghinga niya sa balikat ko.
“Don’t make it hard for me.. “
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.