Chapter 8

0 0 0
                                    




Ezekiel  POV



“Napakaganda talaga ng mga mata mo”sambit siya bago siya mawalan ng malay sa kamay ko.

“Ezekiel---

Kinarga ko siya, napatingin pa ko kay Lily pero nilampasan ko lang siya saka dali daling lumabas at pumunta kung saan ginagamot ang mga may sakit.

Inihiga ko siya sa kama, pinagpapawisan na siya at mukang init na init.

“P-prinsipe..” sambit niya.

“Mahal na prinsipe” isang kawal ang humahangos na lumapit sakin, napatingin siya sa babaeng nakahiga saka muling tumingin sakin.

“Mahal na prinsipe hindi po lason ang nasa tasa” sambit niya na ikinataka ko.

“Kung ganon, bakit ang babaeng to nawalan ng malay?” takang tanong ko.

“Ang sabi po ng dalawa ay balak nilang lasingin ka para ng sa gayon ay makita nila ang iyong mukha” sambit niya. “Ang nasa tasa po kanina ay isang malakas na alak na kayang magpalasing sa isang inom lang may halo din yon isang gamot para maging kabaliktaran ng tao ang iinom nito” paliwanag niya, nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko pinaalis ko na ang kawal.

“Ahahaha hik! Nashan ako hihihihi!” napatingin ako sa babae ng bigla siyang mag ingay, nakaupo na siya at palinga linga sa paligid habang kinakamot ang ilong niya.

Napansin niyang nakatingin ako sa kanya, “Oh huk! Mahalll na prinshipe!” sambit niya, para siyang naging ibang tao sa inaakto niya.Nakaupo lang ako malapit sa kanya ng bigla niyang ilapit ang kanyang mukha sakin, nakatitig lang ako sa mga mata niya na nakatitig din sakin.

“Whooooo hik! Hihihi”

Napalayo ako sa kanya ng hingahan niya ko ng malapitan. Amoy alak nga.

Tinakpan ko ang bibig niya kaya bigla siyang nagpumiglas, “Hmmm mmm.. Mmm” sabi niya kahit hindi ko maintindihan.

Ang kulit niya kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa bibig niya,bigla naman siyang tumahimik habang nakatingin parin sakin.

Tumayo na ko saka sumilip sa bintana, tanaw ko ang mga bisita kanina na sumasakay na sa mga karwahe nila.

“Prinshipe…hik!.” Napalingon ako sa kanya, nakabusangot siya at parang naiiyak.

“nagu-hik!-gutom ako..”

Natigilan ako sa sinabi niya. Napatakip ako ng mukha. “Pfft..” sinubukan kong pigilan ang matawa sa kanya.

Kakaibang babae..

“ehem..”

Napaitingin ako sa pinto at nakita ko si Thomas ang isa sa mga opisyal dito sa palasiyo.napaayos ako ng tayo.

“Pasensiya na po sa istorbo mahal na Prinsipe pero ano na po ang gagawin natin sa dalawang lalake..”
Sambit niya pansin ko ang maya’t maya niyang tingin sa babae kaya umubo ako ng peke kaya sakin na siya tumingin. “Paumanhin po” lumapit siya sa babae saka ito hinawakan sa kamay. “ako na po ang bahala---

“ Maari ka ng umalis Thomas” hinila ko ang babae palayo sa kanya. “ako na ang bahala sa kanya” wika ko, yumuko siya bigla ng paggalang saka umalis.

Ilang minuto akong nakatingin sa pinto kung saan siya lumabas ng mapansin ko ang pananahimik ng babae, pagtingin ko nakatulog na pala siya.

Hindi ko namalayang nakangiti ako habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha, maamo at inosente ang kanyang itsura, mahaba ang pilikmata, katamtaman na ilong na bumagay sa kanya, napadako naman ako sa kanyang labi.

Dub!Dub!Dub!

Nilihis ko ang tingin ko sa ibang direksiyon, binuhat ko siya saka lumabas.




Rose POV


Binuhat ko ang mga nalabhan saka pumunta sa likod ng kusina para magsampay. Pagkalabas ko sariwang hangin ang bumungad sakin, binaba ko na mga nilabhan saka nagsimulang magsampay.

Isang linggo na kong hindi pumupunta sa silid ng prinsipe, hindi ko alam pero matapos ang nangyari sa pagdiriwang hindi na ko pinapunta ni madam sa silid dahil hindi na daw ako ang personal na katulong ng Prinsipe.

Kahit sa Hardin hindi ko na siya nakikita, narinig ko din na mas naging busy na ngayon ang prinsipe sa nalalapit na pagsasalo salo ng iba’t ibang prinsipe sa iba’t ibang bahagi ng lugar at ang sabi nila hindi na daw nagsusuot ng maskara ang Prinsipe kaya ayun maraming nahuhumaling sa kanya. Tsk.

“Ehem mukang malalim ang iniisip mo binibini..”

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, isang lalake na may suot na hindi ako pamilyar, matangkad siya at may matipunong pangangatawan, maamo ang kanyang mukha medyo singkit ang mata at may matangos na ilong, manipis din ang kanyang labi na may natural na kulay pula at mas nakadagdag sa kanyang kagwapuhan ang dimple na lumilitaw kapag ngumingiti.

“Ahh sino ka?” tanong ko, pinagpatuloy ko ang pagsasampay, naramdaman ko ang paglapit niya kaya lumayo ako ng konti.

“Pfft.. Binibini wala akong balak sayo, isa akong trabahador dito sa palasiyo, mabibigat na gawain ang ginagawa ko kaya siguro madalas hindi tayo magkita pero nakita na kita isang beses” sambit niya, kinuha niya ang ibang nilabhan at tinulungan akong magsampay.

Pinigilan ko siya. “Hindi mo ko kelangan tulungan” sambit ko

Ngumiti siya kaya nakita ko na naman ang dimple niya. “Hindi tayo makakapagkwentuhan kung hindi ka matatapos kaya hayaan mong tulungan kita” sabi niya saka pinagpatuloy ang pagsasampay

“Ngunit wala ka bang ibang gagawin?” tanong ko.

Sinampay niya ang isang malaking tela saka tumingin sakin. “Tapos na ko sa aking gawain” sabi niya, kinuha niya ang huling isasampay saka sinampay.

Kinuha niya ang pinaglagayan ng mga labahin kaya pinigilan ko na, “Pasensiya na pero sapat na ang tulong mo kaya ako na ang magdadala nito sa loob” sabi ko, binigay niya naman sakin,paalis na ko ng magsalita siya.

“Ang pangalan ko nga pala ay Enzo..” sambit niya,

Ngumiti naman ako ng bahagya, “Ikinagagalak kong makilala ka Enzo, ako naman si Rose” sabi ko, bigla niyang kinuha ang palad ko saka ito binigyan ng halik, nabitawan ko ang dala ko sa biglaan niyang ginawa.

“Ah hehe..” dahan dahan kong binawi ang kamay ko. Tila naman nahalata niyang hindi ako komportble sa ginawa niya.

“Patawad sa ginawa ko Rose, nasanay lang ako----


“ ROSE! Pinapatawag ka ni Madam! “

Parehas kaming napalingon sa sumigaw, si Kate na humahangos ang lumapit samin.

“ Rose bilisan mo pinapatawag ka daw”sambit niya, agad akong tumakbo papasok sa loob. Takot at kaba ang nararamdaman ko habang papalapit ako sa pinto kung san si Madam.

Nagbilang muna ako ng tatlong segundo bago kumatok,” Madam si Rose po ito”sabi ko, narinig ko naman siyang nagsabi na pumasok ako, pagpasok ko paulit ulit na dasal ang nasa isip ko. Sa tingin palang ni madam parang may hindi magandang mangyayari.

Jusko! Ano na naman bang nagawa ko!

“ Maupo ka.. “sambit niya kaya umupo ako, ramdam ko ang pawis ko sa noo kaya pinahiran ko gamit ang palad ko.

Seryoso siyang nakatingin sakin na parang may iniisip siya,” Simula bukas balik ka na sa pagiging alalay ng Prinsipe”

“Po?!” napatakip ako ng bibig sa pagtaas ng boses ko sa gulat.

Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sakin, “Uulitin ko pa ba ang sinabi ko?!” sabi niya na medyo may pagtaas din ng boses.

Yumuko ako, “Narinig ko po madam..” sabi ko

“Mabuti at nagkakaintindihan tayo…”sambit niya, napatingin ako sa kanya ng muli siyang nagsalita    “Pero isang paalala lang… Alamin mo kung ano ang posisiyon mo”

Nagtataka ako sa sinabi niya. “Ano po ang ibig---

“ Tahimik!.. “

Napatahimik ako sa sigaw niya,” Ayoko sa lahat ay ang maraming tanong, sige na makakaalis kana, pumunta kana sa silid ng Prinsipe”sambit niya kaya tumayo na ko saka lumabas.

Lumakad na ko papunta sa silid ng Prinsipe, tahimik ang palasiyo, ngayon lang ako nagkaoras na pagmasdan ang buong palasiyo, iba to sa dinaanan ko at mas maganda dito, puting puti ang mga pader halatang alagang alaga at kada madadaanan mo malalaking ilaw ang nagbibigay liwanag,kulay ginto ang linya ng pader at ngayon ko lang napansin ang mga bulaklak na nakadisplay sa bawat poste.

Malapit na ko sa silid ng mapansin ko ang isang malaking litrato, isang litrato ng buong pamilya lahat sila nakangiti at halata mong masaya, sa tingin ko ito ang hari, kita sa kanya ang angking kakisigan, medyo hawig sila ng prinsipe kaso ang kaibahan lang ay makikita mong may pagkaseryoso ang mukha ng prinsipe, napatingin naman ako sa reyna, sobrang ganda niya na parang isang diyosa, napaka amo ng mukha niya sa tingin ko siya na ang pinakamagandang babaeng nakita ko.

“Anong ginagawa mo?”


The Mondres PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon