Rose POV
“Ang Prinsipe.. bata pa lang pero napakapasaway na, yung mga nakakalaro niya.. lagi niyang inaaway maski ang mga katulong niya laging pinagtitripan, kaya nga takot sa kanya ang mga katulong niya dati.” Natatawang kwento niya
“Pero siya din ang pinakamabait na batang nakilala ko.” Kita ko ang aliwalas ng mukha niya habang nagkekwento..
“Pinakamabait po?” takang tanong ko.
Nakatingin siya sa natutulog na prinsipe, “Yung mga kalaro niya dati, kahit inaaway niya binabahagi niya yung mga kinakain niya sa ibang bata, at minsan pa nga nagulat na lang kami na nagdala siya ng isang gusgusing batang lalake at dun siya nakipaglaro, hindi alintana sa Prinsipe ang karumihan ng bata.. Binigyan pa nga niya to ng damit pamalit” kwento niya
“Mmm sino po yung batang lalake tsaka nasan po siya? “ tanong ko, napansin kong bigla siyang nalungkot.
“Naglalaro sila ng Prinsipe noon ng mawala ang kalaro niya sa gubat, hinanap na ng buong kawal ang batang lalake pero hindi na to natagpuan.. simula noon naging matamlay ang prinsipe at sinisisi niya ang sarili niya” napatingin ako sa Prinsipe, kahit tulog siya makikita mo ang lungkot sa mukha niya, bata pa lang siya naranasan na niyang mawalan ng kaibigan tapos sunod na nawala sa kanya ang mga magulang niya.
Nakakaawa nga talaga siya..
Nakatitig lang ako sa Prinsipe ng imulat niya bigla ang mga mata niya, hindi siya nagulat pero nakatingin lang din siya.
Parang gusto ko siyang yakapin..
Ako na mismo ang umiwas sa tingin niya, hindi ko alam pero sa buong byahe ang prinsipe lang ang nasa isip ko.
Hindi ko rin namalayan na nakatulog ako sa byahe…
Ezekiel POV
Tumigil ang karwaheng sinasakyan ko, isang kawal ang lumapit sakin.
“Mahal na Prinsipe maari po ba tayong tumigil saglit, pagod na po ang mga kabayo natin”sabi nito, tumango ako bilang sagot. Lumabas ako ng karwahe saka pinagmasdan ang paligid.
Palapit ako kay Mang Julio ng mapansin kong malalaglag ang babae sa inuupuan niya. Mabilis akong lumakad ng saktong masalo ko siya.
“Okay lang po ba kayo mahal na Prinsipe” Nagsilapitan ang ibang kawal samin ng mapansin ang nangyari. Napatingin ako sa babae, mahimbing ang kanyang tulog.
“Ako na po---
“Sssshh. “ pigil ko sa isang kawal, karga ko ang katulong ng dalhin ko sa aking karwahe, inupo ko siya sa upuan ng bigla niya kong yakapin.
Dub. Dub. Dub.
Nakatitig lang ako sa kanyang mukha,mahimbing parin ang tulog niya. Pansin ko ang lungkot sa mukha niya ng mapansin kong may tumulong luha sa mga mata niya. Akma kong pupunasan ang luha niya ng bigla siyang magsalita.
“Huwag ka ng malungkot …. “
Mahina pero malinaw na narinig ko ang sinabi niya, hindi man ako ang sinabihan niya pero pakiramdam ko nabawasan ang lungkot ko.
Bumitaw na siya, inayos ko siya sa pag kakaupo.bumuntong ako ng hininga saka umupo sa tabi niya at saka tumingin sa labas, lumapit sakin si Mang Julio sumilip siya sa loob at napangiti na lang ng makitang mahimbing na natutulog ang babae. Bumalik na siya sa dati niyang pwesto sa harap. Lumabas ako ng karwahe saka lumapit sa kanya, umakyat ako sa upuan, inalalayan naman niya ko saka tumabi sa kanya.
Parehas namin pinagmamasdan ang paligid, na magandang parte kami ng gubat, may makikita kang ilog malapit dito at napakasarap ng simoy ng hangin.
“Kamusta kana iho? Ang tagal na rin ng huli tayong magkita, kahit nasa palasiyo lang din ako bihira tayong magkita.. “
Napalingon ako kay Mang Julio, pansin ko ng may kulubot na konti ang kanyang mukha sa katandan ang tagal ko siyang hindi nakita.
Tumingin muli ako sa harap“Gusto ko ho kasing makapag pahinga kayo, alam ko pong may sakit kayo kaya iba ang inuutasan kong maghatid sakin” sambit ko, narinig kong bumuntong hininga siya.
Simula ng mawala ako ng magulang si Mang Julio lang ang taong nagpakita ng pag aalala sakin, naaalala ko noon pumupuslit siya sa silid ko para lang makipaglaro sakin, dinadalhan niya din ako ng pagkain na niluto niya at laruan. Siya lang ang taong itinuring kong tatay ng mawalan ako ng ama.
“Salamat sa pag aalala.. “sambit niya. Naramdaman naming gumewang ang karwahe kaya napatingin agad ako sa babaeng natutulog sa loob, nakahiga na siya sa loob bahagyang nakanganga ang bibig at nagkakamot ng mukha, napangiti na lang ako sa di ko alam ang dahilan habang nakatingin sa kanya.
Kakaibang babae..
“Ehem… “napatingin ako kay mang Julio ng umubo ito, “Okay lang ho kayo? “tanong ko, ngumiti siya ng ikinataka ko.
“Hay hindi ko alam na may pagka mabagal pala ang prinsipe”sambit niya
“Ano pong---
“Maari ko bang itanong kung bakit kinailangan mong magdala ng katulong?, lingid sa kaalaman ko na pagdating natin mismo don sa pupuntahan natin ay may katulong na alalay sayo”sambit niya.
Sa totoo lang hindi ko rin alam kung bakit pa ko nagdala ng katulong dahil tama ang sinabi niya isa akong prinsipe at kahit saang lugar ay may katulong na maglilingkod sakin.
Napatingala ako sa langit sa pag iisip, hindi ko rin alam kung anong nangyayari sakin, simula nung makita ko siya sa hardin may kakaiba na sa kanya. Nakilala ko siya ng husto ng pagsilbihan niya ko, isa siyang taong hindi iniisip ang sasabihin ng iba, matapang siya at may paninindigan.
Siguro dahil hindi ako katulad niya…
Nawala ako sa pag iisip ng lumapit ang isang kawal sakin.
“Mahal na prinsipe maari na po tayong tumuloy”sambit niya, yumuko siya saka umalis at sumakay sa kabayo, ganun din ang ginawa ng iba kaya bumalik na ko sa loob. Nakahiga parin ang babae, sinubukan kong iusog siya hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at pilit siyang inuupo ng biglang gumalaw ang karwahe kaya hindi agad ako nakabalanse…
Pumaibabaw ako sa babae ng bigla niyang imulat ang kanyang mga mata.Nakatitig lang kaming dalawa sa isa’t isa, tila natigil ang aking paghinga sa mga mata niyang nakatitig sakin.
Tila hinihigop ako ng mga mata niyang nakatitig sakin, ramdam ko rin ang tibok ng aking puso, ngayon ko lang natitigan ng malapitan ang kanyang mukha at masasabi kong maganda ang kanyang mukha, napaka amo at napakainosente—
“Ma-mahal na Prinsipe…”
Rose POV
Dub!Dub! Dub!
Bigla siyang tumayo kaya nauntog ang ulo niya sa bubong ng karwahe. Agad akong lumapit sa kanya ngunit pinigilan niya ko gamit ang kamay niya.
“A-ayos lang ako”sambit niya habang nakahawak parin sa ulo, nakaupo na siya malapit sakin.
“Sigurado po ba kayo? “ nag aalalang tanong ko, tiyak akong malakas yon.
Naramdaman kong tumigil ang karwahe, ilang segundo lang ng sumilip sa bintana si Mang Julio.
“Ayos lang ho ba kayo? Nakarinig ako ng malakas na tunog mula sa loob”tanong nito, agad akong lumabas.
“Sige po Mang Julio balik na po ako sa pwesto sa harap”sabi ko, lumingon ako sa Prinsipe “Pasensiya na po sa abala”sambit ko sa kanya, hindi ko na hinintay ang sasabihin nila ng bumalik na ko sa pwesto sa harap, napahawak ako sa bandang puso ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa nangyari sa loob.
“Ano bang nangyari kanina? Anong ginagawa ko sa loob? “tanong ko sa sarili ko hindi ko alam kung paano ako napunta sa loob kung nasan ang Prinsipe.
At yung kanina.. sobrang lapit niya sakin pati ang pahinga ko natigil dahil sa kanya, yung mga mata niyang nakatitig sakin at alam kong gwapo na siya pero kanina mas lalo atang lumaki ang paghanga ko sa kanya ng matitigan ko ang mukha niya ng malapitan.
“Ehem.. “
Napatingin ako kay Mang Julio, umakyat na siya kaya umurong ako para makadaan siya, pag kaupo niya saka niya pinaandar ang karwahe.
“Mukang maganda ang gising mo iha”sambit ni Mang julio nakita ko pang saglit siyang napangiti ng tumingin sakin.
“Yun nga po Mang Julio hindi ko po alam kung paano ako napunta sa loob”sabi ko
Saglit na natawa si Mang Julio“Ang himbing ng tulog mo kamuntikan ka pang mahulog mabuti nasalo ka ng Prinsipe.. Binuhat ka niya at dinala sa loob para makapagpahinga habang pinagpapahinga din ang mga kabayo”sambit niya, hindi na ko nagsalita at nanahimik na lang, lumingon ako at sinilip ang prinsipe sa loob, nakayuko siya habang hawak parin ang ulo, humarap na ulit ako sa harap ng bigla siyang tumingala.
Napalunok ako habang nakatingin sa harap.. Hindi naman niya ko siguro nakitang nakatingin sa kanya?..
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.