Chapter 14

0 0 0
                                    




Ilang araw na rin simula nung nangyari sa palasiyo ni Prinsipe Sefano, hindi ko na din nakikita si Prinsipe Kiel simula ng makabalik kami dito sa palasiyo sa dami niyang ginagawa,hindi na rin niya ko pinapatawag para pagsilbihan siya.

“Huy.. Ang lalim naman ng iniisip mo jan” nabalik ako sa wisiyo ng kalabitin ako Kate sa balikat, napatingin ako sa harap ko bula bula ang kamay ko sa sabon ng hinuhugasan kong mga pinggan,nakalimutan kong naghuhugas pala ako ng mga pinagkainan.

Napalingon ako sa kanya at nakita kong tapos na siya sa hugasin niya. “Ano bang iniisip mo at kanina pa nakababad yang kamay mo sa tubig na may sabon, mamaya magkasugat ka pa sa kamay mo”sambit niya saka ako tinulungan maghugas.

Napabuntong hininga ako dahil sa mga iniisip ko, inisip ko kung hanggang kelan ako dito sa mundong ito ni wala akong clue kung paano ako makakabalik, gusto ko ng makabalik hangga’t kaya ko pang umalis dito, hangga’t hindi pa lumalalim ang-----

Biglag dumating ang isang katulong na nangmamadaling lumapit sa kinaroroonan namin“Nakita niyo ba yung babaeng dumating kanina? Sobrang ganda niya.. “ sambit nito nagsilapitan naman ang iba ng marinig ang sinabi nito maging si Kate nabitawan ang pinggan mabuti nasalo ko.

Pinangpatuloy ko ang paghuhugas habang nagtitipon sila sa likod para mag usap.

“Ang sabi siya daw ang mapapangasawa ng mahal na Prinsipe.. “

Nabitawan ko ang pinggan na nagsanhi ng ingay sa kusina, natigilan ako sanarinig  ko at tila tumigil ang tibok ng puso ko sa narinig ko.

Lumapit sakin si Kate “Anong nangyari? “tanong nito, pilit akong ngumiti sa kanya. “Wala nadulas lang sa kamay ko “sambit ko saka itinabi sa lagayan ang pinggan. Pinunasan ko ng tuyong pamunas ang kamay ko saka lumabas ng kusina, narinig ko pang pinagpatuloy nila ang pinang uusapan nilang naudlot.

Naglalakad ako sa hallway ng mapadaan ako sa silid kung saan nagtitipon ang mga opsiyal at ang prinsipe nakabukas ng maliit ang pinto lumapit ako doon para isara ng marinig ko ang mga taong nag uusap sa loob.

“Prinispe siya si Prinsesa Hasmin ang babaeng ipinagkasundo sayo ng mga magulang mo”tinig ng isang lalake, dahan dahan akong sumilip at nakita ko sa loob ang Prinsipe na nakaupo sa gita kasama ang isang opsiyal na nakaupo sa gilid niya, sa kabila naman ang isang lalake at isang napakagandang babae,nakangiti ito sa kanya at masasabi kong isa siyang anghel sa ganda ng kanyang mukha.

Teka parang familiar yung babae. Tinignan kong muli ang babae maamo ang mukha, maitim na mahabang buhok at may maputing balat at hindi mapagkakaila ang kagandahan niya.

Biglang sumagi sa isip ko ang nabasa ko sa libro, siya yung babaeng nakatadhana sa Prinsipe…

Tinignan ko ang prinsipe sa magiging reaksiyon nito, seryoso lang siyang nakatingin sa babae habang ang babae nakangiti sa kanya.

“Binibini----

“ay kabute! “napatakip ako sa bibig ko ng mag ingay ako, napatingin ako sa taong bigla na lang nagsalita sa likod ko,pag lingon ko si Enzo lang pala.

“Pasensiya na binibini nagulat kita” sambit niya napakamot siya sa ulo at tila nahiya sa ginawa niya.

“Sinong nandiyan sa labas! “

Kinabahan ako bigla sa pagsigaw ng tao sa loob, tiyak na iisipin nitong nakikinig ako sa usapan nila.

Bumukas ang pinto kaya naestatwa ako sa kinatatayuan ko, nakatingin sila sa amin maging ang prinsipe napatingin sa amin.

“Anong ginagawa niyo diyan sa labas? Nakikinig ba kayo sa usapan namin? “ tanong ng isang lalake samin, siya yung kasama ng babae nakatingin ito ng masama samin.

“Ahh—ano----

“Pasensiya na po hindi namin alam na may tao po sa loob, kami po ang maglilinis sa gawing ito”sabat ni Enzo, napatingin ako sa prinispe, seryoso lang siyang nakatingin samin.

“Mahal na Prinsipe napakaganda ng palasiyo mo, maari mo ba akong ilibot? “

Napalingon ako ng marinig kong magsalita ang babae, nakangiti ito sa prinsipe, napatingin sa kanya ang prinsipe, ngumiti ito sa kanya na ikinagulat ko.

Hindi ko na narinig ang mga sinasabi nila ng lumakad na ko palayo narinig ko pang nagpaalam si Enzo saka ko naramdaman ang pagsunod niya.

Napahawak ako sa dibdib ko ng maramdaman kong kumirot ito, hindi ito maari… hindi ako pwede masaktan dahil nasa libro lang ako at hindi ito ang mundo ko.

Pero ang sakit..…

Nakarating ako ng hardin sa aking paglalakad, tanaw ko ang mga bulaklak na mas gumanda ang bunga na hindi ko na napansin sa tagal kong hindi pagpunta dito,umupo ako kung san ako laging nakaupo, ramdam ko ang pagtabi sakin ni Enzo na tahimik parin hanggang ngayon.

Nakatanaw lang ako at dinadamdam ang malamig na hangin sa aking mukha..Ilang minuto din kaming tahimik ng magsalita siya..

“Binibini alam ko ang nararamdaman mo.. Masasaktan ka lang kung itutuloy mo ang nararamdaman mo sa prinsipe”

Gulat akong napatingin kay Enzo sa sinabi niya, pilit kong hindi pinahalata ang pagkagulat ko sa sinabi niya. “Anong sinasabi mo? “ peke akong tumawa pero tumigil din ako ng mapansin kong seryoso lag siyang nakatingin.

Hindi ko alam pero bigla na lamang tumulo ang luha ko na agad kong pinunasan,tumayo ako na ko saka nagsimulang maglakad.

“Kalimutan mo na siya.. “napatigil ako ng magsalita siya, lumingon ako sa kanya at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.. “Maari bang ako naman ang biguan mo ng pansin.. “sambit niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin, mabuting kaibigan si Enzo at sa tingin ko hanggang doon na lang yun.

Tumalikod ako ng walang sagot sa kanya pero hinabol niya saka hinawakan sa kamay saka ako pinaharap sa kanya.

“Alam kong hindi pa tayo matagal na magkakilala pero una pa lang kitang makita nabihag mo na ang aking puso, araw araw ka ng sumasagi sa aking isipan” sambit nito, ramdam kong totoo ang lahat ng sinasabi niya.

Nakatingin lang ako sa kanya, “Enzo, isa kang mabuting kaibigan para sa akin.. Patawad pero hindi ko matatanggap ang nararamdaman mo at.. ayoko kong masira ang pagkakaibigan natin”sambit ko, bumitaw siya sakin at nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, tumalikod na ko saka muling lumakad palayo sa kanya.

Nakarating ako sa dulo ng hardin lumingon ako kung san naroon si Enzo, andun parin siya habang nakayuko—

“mabuti at nagkusa ka binibini. “

Hindi pa ako nakakalingon sa nagsalita ng sakluban niya ng tela ang aking ulo, sinubukan kong kumawala pero may humawak sa braso ko at naramdaman ko na lang na nakatali na ang mga kamay ko.

“Tulong!.. Tulong! “pilit kong sigaw kahit wala akong makita, nagpupumiglas ako pero masiyado silang malakas sa pagkakahawak nila sakin.

Naramdaman kong isinikay nila ako sa isang lalagyan at gumalaw na parang umaandar.

“Binibini!.. Binibini! “

“Enzo! Tulungan mo ko! “sigaw ko ng marinig ko ang sigaw ni Enzo mula sa malayo pero wala na kong narinig pagkatapos nun.

“Tulungan niyo ko.”mahinang sambit ko habang umiiyak..

Prinsipe…

The Mondres PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon