Dub. Dub. Dub.
Napahawak ako sa aking dibdib sa lakas ng kabog ng puso ko. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya.
“Unang kita ko palang sayo may kakaiba na, lagi ka ng nasa isipan ko at iniisip ko kung anong ginagawa mo at- at masaya ako sa panahong magkasama tayo kaya… kaya nasasaktan ako sa ginagawa mong pag iwas sakin”
Prinsipe…
Unti unting tumulo ang mga luha ko. Gusto kong maging masaya dahil sa sinabi niya pero hindi pwede dahil nasa isang libro lamang ako at maaring mawala ako, mas lalong hindi ko makakayanan ang iwanan siya kapag tinanggap ko ang nararamdaman niya… parehas lang kaming masasaktan.
Tuluyan ko na siyang iniwan sa kanyang silid ng hindi man lang siya nililingon na lalong nagpasakit sakin. Kung titignan para akong nababaliw habang naglalakad dahil nakangiti ako habang umiiyak. Pagkarating ko sa kwarto agad akong humiga at nagtalukbong ng kumot saka tahimik na umiyak.
“Rose.. “
Naramdaman ko ang pagtapik sakin ni Kate sa balikat, inalis ko ang nakatalukbong na kumot saka tumingin sa kanya. Kita ko ang pag alala sa kanya habang nakatingin sakin.
“Patawad.. “sambit niya saka tumulo ang kanyang luha. Agad ko siyang niyakap at napahagulgol sa iyak.
Bakit ba kung kelan pwedeng maging masaya doon pa sa hindi pwede. Buong buhay ko sa mundo ko hindi ko naranasang maging masaya, lahat ng taong mahal ko iniwan ako akala ko habang buhay akong mag iisa pero ng dumating ako dito naranasan kong magkaroon ng kaibigan mga taong nagpahalaga sakin at isang taong nagmahal sakin..
Pero bakit hindi parin pwede….
“Huwag ka kaya munang magtrabaho ngayon sabihin ko na lang masama ang pakiramdam mo.. “sambit ni Kate, nagpapasalamat ako dahil nanjan siya. Inamin niya sakin kagabi na siya nga ang espiya sa palasiyo at siya ang dahilan ng pagdukot sakin pero dahil kailangan niya ng pera para sa pamilya niya at naintindihan ko naman yun.
Tumango ako sa kanya bilang pag sang ayon, gusto ko pang magpahinga at gusto ko munang mapag isa. Hindi ko pa siya kayang makita..
Naiwan ako sa silid mag isa, humiga ulit ako at pinikit ang mata. Isang luha ang muling lumabas sa aking mata ipinatong ko ang aking kamay sa aking mukha at tahimik na umiyak habang inaalala ang mukha ng Prinsipe sa panahong magkasama kami at ang mukha niyang huli kong nakitang malungkot.
Ang sakit parang dinudurog ang aking puso. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaranas na maging masaya kasama ang isang taong dahilan ng aking kasiyahan.
Prinsipe…
Tok! Tok! Tok!
Hindi ko pinansin kung sinuman ang taong kumakatok sa pinto tila nawalan ako ng lakas kahit pagtayo man lang. Pinunasan ko ang mata ko saka sinusubukang matulog ng marinig kong bumukas sara ang pinto at naramdaman kong may taong nakatayo na nakatingin sakin.
Medyo kinabahan ako dahil imposibleng si Kate to dahil kakaalis lang niya. Pero ilang minuto lang ng bumukas sara din ang pinto at naramdaman kong ako na lamang mag isa saka ko napagpasiyahang umupo, napabuntong hininga ako ng mapansin ko ang isang bagay sa lamesang maliit sa gilid ng kama ko.
Isang rosas na buhay na buhay ang pagkapula ang kulay at may kasamang tinapay at tubig ang iniwan ng taong pumasok kanina, biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng maisip kung sino ang pwedeng maglagay nito.
“Naku Rose isipin mong si Kate yun at hindi siya.”
Sinampal sampal ko ang sarili para maalis sa akin ang iniisip kong iyon. Inamoy ko ang bulaklak at napangiti ako sa bango nito tila nabawasan ng kaunti ang lungkot ko dahil dito. Nakaramdaman din ako ng gutom kaya kinain ko na lamang din ang tinapay na iniwan ng taong yon.
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.