Chapter 11

0 0 0
                                    




Napanganga ako sa lugar na nakikita ko ngayon, may gate kaming pinasukan kanina na sobrang laki, yun na daw ang gate ng palasiyo pero pag pasok namin puro gubat pa nakikita ko, pero ng matanaw ko na ang palasiyo napanganga ako sa sobrang ganda ng nasa paligid nito, puro bulaklak na napakaganda ng kulay, at ang palasiyo napakalaki din kagaya ng palasiyo ni prinsipe Mondres.

Tumigil na kami sa tapat ng pinto ng palasiyo, may mga nakaabang na mga kawal at may ibang babae din na sa tingin ko tagapaglingkod katulad ko, bumaba na kami ni Mang Julio, lumapit ang isang kawal sa pinto ng karwahe pinagbuksan niya ang mahal na Prinsipe. Lumabas na ang Prinsipe ng mapatingin pa siya sa gawi namin ni Mang Julio.

“Welcome sa aking palasiyo! “

Napatingin kami sa sumigaw, nakangiti siya habang nakataas pa ang dalawa niyang kamay na nakatingin samin lalo na sa prinsipe, palapit siya sa Prinsipe , kada lalakaran niya yumuyuko ang mga tagapaglingkod at mga kawal.

Siya siguro si Prinsipe Sefano..

Nilahad niya ang kamay niya sa Prinsipe at malugod naman itong tinanggap ng prinsipe kahit hindi mo makikitang nakangiti ito.

“Wala ka parin talagang pinagbago Prinsipe Mondres”sabi nito habang may ngiti parin sa kanyang labi. Kumalas na sila sa pagkakawak sa isa’t isa, napadako naman ang tingin niya samin. Lumapit siya kay mang Julio.

“Masaya akong nakita kang muli”sabi niya ng may ngiti sa labi. Magkakilala sila?

“Ako din Prinsipe Sefano masaya akong makita kang muli”sambit ni Mang Julio na nakangiti rin.

Okayy?

Napadako naman ang tingin niya sakin, medgo kinabahan ako dahil unang beses ko pa lang siya makikita, ang natatandaan ko mabait naman siya sa kwento. Sana tama ako..

“At may kasama pala kayong magandang binibini”sambit niya hindi ko na napigilan ng hawakan niya ang kamay ko saka binigyan ng saglit na halik. Tumingin siya sakin ng may ngiti sa kanyang labi. “Ano ang iyong pangalan binibini? “ tanong niya.

Alanganin akong nagsalita”Ang pangalan ko ay Rose Prinsipe Sefano”sabi ko, ngumiti siya lalo sa sinabi ko.

“Kay ganda ng iyong pangalan kasing ganda mo binibini.. “sambit niya

Nahiya naman ako sa sinabi niya lalo na sa amin nakatuon ang lahat, “S-salamat sa papuri Prinsipe Sefano”sabi ko na medyo yumuko sa hiya.

“Maari na ba tayong pumasok sa loob? “

Napatingin kami ng magsalita si Prinsipe Mondres, sa Prinsipe siya nakatingin ng seryoso.

“Hahhaha naiinip ang Prinsipe, tara sa loob ng makapagpahinga ka”sambit ng Prinsipe, lumingon sakin si Prinsipe Sefano, hahawakan niya muli sana ako ng may biglang humila sakin palayo.

“Mawalang galang na pero kasama ko siya” wika ni Prinsipe Mondres, tinaas naman ni Prinsipe Sefano ang kamay niya na parang sumusuko habang may pang asar na ngiti sa kanyang labi, nauna na siyang lumakad saka kami sumunod sa kanya.

Nakasunod lang kami sa mga tagapaglingkod, umalis na si Prinsipe Sefano ng may lumapit sa kanyang isang kawal kanina kaya kami na lang ni Prinsipe Mondres ang magkasama at ang dalawang ktulong, sina Mang Julio at mga kawal sa ibang silid daw sila mananatili at doon sila maghihintay hanggang matapos ang okasiyon na magaganap mamaya.

Nakarating kami sa isang pinto, “Dito po ang kwarto niyo pansamantala habang naghihintay sa magaganap na okasiyon mamaya” sabi ng isang tagapaglingkod, pinagmasdan ko ang loob ng silid. Malaki ito at halatang mamahalin ang mga kagamitan. Napansin kong umupo na ang Prinsipe sa mahabang upuan.

Teka..

“Sandali.. “Pigil ko sa tagapaglingkod bago sila umalis. Lumapit ako sa kanila, “Saan ako? “ tanong ko, nagkatinginan silang dalawa.

“Ito na po ang silid niyong dalawa”sambit ng isa saka sila lumabas magsasalita pa sana ako ng sumara ang pinto.

Nakaharap lang ako sa pinto, nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng silid.

Ang akward naman nito..

“Ano pang ginagawa mo diyan..” umikot ako para makaharap ang Prinsipe, kampante lang siyang nakaupo sa upuan.

Aha!

“Nakalimutan pong dalhin ang mga gamit kukunin ko lang—

“Nandito na, dinala ng ibang tagapaglingkod” turo niya sa tabi ng kama, naroon nga ang mga bagahe namin.

Gusto kong lamunin na ko ng lupa sa kahihiyan, “Ahh hehe nandito na pala.. “ akward akong umupo sa isang upuan malayo sa kanya… bakit ba kasi sa iisang silid lang kami?

Ilang minuto lang kaming nasa ganoong posisiyon, sobrang tahimik namin na dati balewala sakin pero ngayon may kakaiba..

“Rose.. “

“Ay kabayo ka! “ napatakip ako ng bibig sa sinabi ko, nagulat naman kasi ako ng marinig kong binanggit niya ang pangalan ko. Ito ang unang beses na tinawag niya ko sa pangalan ko.

Lumingon ako sa kanya, nakatayo na siya pero sa bintana siya nakatanaw. Totoo ba yung narinig ko kanina? Tinawag niya ba talaga ako sa pangalan ko?

Pinagmamasdan ko lang siya habang nakatanaw sa labas. Humarap siya sakin na ikinabigla ko, ililihis ko sana ang tingin ko kaso baka kung ano ang isipin niya. Tahimik lang siyang nakatingin sakin.

“Ahh ano—

“Simula ngayon tatawagin na kita sa pangalan mo. “sambit niya na ikinataka ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niyang nakatingin din sakin, bakit ba kapag nakatingin ako sa mga mata parang may kakaibang tibok ang puso ko.

“Ahh haha sige lang po Mahal—

“K-Kiel..Kiel ang itawag mo sakin.. “sambit niya, napakamot pa siya sa kanyang ulo sa sinabi niya pansin ko din ang pamumula ng kanyang tenga bakit para siyang nahihiya?

Ang cute!

“Prinsipe Kiel nahihiya ka ba?”sambit ko, humarap ulit siya sa bintana, gustong matawa sa inaasal niya ngayon… ang seryoso niya kanina pero ngayon parang isang bata ang kaharap ko.

“Pfft.. Hahaha—ehem ehem pfft. “ tinikom ko ang bibig ko ng mapatingin sakin ang prinsipe, sigurado nawiwirduhan sakin to.. Hindi ko naman kasi  alam na may ganyan side pala siya sa mga nabasa ko kasi napakaseryoso niyang tao lalo na sa harap ng katulong gaya ko.

“May nakakatawa ba? “tanong niya seryoso na muli ang mukha niya.

“Wala po mahal—este Prinsipe Kiel cute mo lang kasi”bulong ang sinabi ko sa huli pero mukang narinig niya dahil sa paglapit niya sakin. Umupo siya isang metro ang layo sakin.

“Narinig ko ang sinabi mo.. Sabihin mo nga sino ka talaga? “sambit niya, naging seryoso ako sa tinanong niya.. Maniniwala kaya siya pag sinabi kong nanggaling ako sa ibang mundo at sila ay gawa gawa lang sa isang libro?

Bumuntong hininga ako. “Pa-paniniwalaan mo ba ko kung sasabihin ko sayo ang totoo? “ sabi ko.





The Mondres PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon