Nagising ako ng maaga, nakapatong parin ang ulo ko sa balikat niya ng magising ako. Napansin ko rin ang magkahawak naming mga kamay kaya napangiti ako, ang higpit kasi ng pagkakahawak niya pero hindi naman masakit, napatingin ako sa mukha at namangha ako ng makita ko ng malapitan ang mukha niya.
Sobrang himbing ng tulog niya at ang aliwalas ng mukha niya, napatingin ako sa pilik mata niya at napagtanto kong ang haba ng pilik mata niya at ang ganda ng tangos ng ilong niya.napunta naman ang tingin ko salabi niya.
Nakaramdam ako na nag init ang mukha ko ng maalala ko ang nangyari kagabi.
Natampal ko ang pisngi ko dahil sa iniisp ko. “Umagang umaga Rose. “mahinang usal ko sa sarili.
“Gising kana pala” napatingin ako sa kanya ng magsalita siya, humikab hikab pa siya ng dalawang beses baka tumingin sakin.
Nakaramdam ako ng hiya sa tingin niya lalo na naalala ko yung nangyari, “Ahh m-magandang umaga prinsipe “sabi ko habang hindi aprin makatingin sa kanya.
“Pfft.. “narinig ko ang mahinang pagpigil niya ng tawa kaya napatingin na ko sa kanya, “Nahihiya kaba? “ may pilyong ngiti niyang sabi.
“Ha? H-hindi.. “sagot ko at matapang siyang tinignan sa mata. Mas lalong naging mapang asar ang tingin niya sakin.
Wag kang ganyan!
Inilapit niya ang mukha niya sakin kaya napaatras ako, pero nilapit niya parin hanggang sa makorner ako ng maramdaman ko ang kahoy na pader ng karwahe.
Hindi niya parin binibitawan ang kamay ko magmula kanina kaya hindi ako makaalis, parehas kaming nakatingin sa isa’t isa ng ilapit niya lalo ang mukha niya kaya napapikit na lang ako.
Naimulat ko ang mata ko ng maramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Humiwalay na siya saka lumabas ng karwahe at nakita ko na lang na lumapit siya sa mga nakaupong kawal na nag uusap. Pinigilan niya pa itong yumuko pagbati sa kanya at nakisalo sa mga ito at kita ko kung gaano na ninibago ang mga ito sa kanya.
Nagsimula na ang ikalawang paglalakabay namin at natanaw namin ang isang bayan kaya pinatigil muna ng prinsipe ang ibang kawal at saka kami umis kasama ang apat na kawal para bumili ng makakain.
Nakapalibot samin ang apat na kawal kaya pinagtitingin kami ng mga tao, simple lang ang bayan, mga batang masayang naglalaro, napatingin ako sa isang mag ina habang masayang pinapakita ng ina ang pinamimili sa anak niyang babae ang isang prutas na ikinatuwa ng bata ng ibigay sa kanya ito saka magiliw na kinain.
Napatigil ako ng makita ko sila at maalala ko ang nanay ko at sarili ko sa kanila. Naramdaman ko ang pagkamiss ko sa nanay ko.
Hinawakan ng prinsipe ang kamay ko kaya natauhan ako, napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pag aalala niya kaya nginitian ko na lamang siya saka ipinagpatuloy ang paglalakad, binigyan ko pa ng isang sulyap ang mag ina baka tuluyang nakalayo.
Nakabalik kami pagkatapos namin mabili ang mga kelangan namin, agad namin ibinahagi sa mga kawal ang mga pagkain na nabili namin.
Nanatili muna ako sa karwahe habang inaalala parin ang nakita ko kanina.
“Nay.. “ nalungkot ako ng maalala ko ang nanay ko, matagal na siyang nawala pero ng makita ko ang mag ina kanina sa bayan nagbalik sakin ang mga alala niya.
Tumabi sakin ang prinsipe, pansin ko rin na kanina niya pa ako tinitignan, “Naalala mo ang iyong ina? “ wika niya
Tumango ako“Kahit na matagal na siyang wala masakit parin para sakin na tanggapin ang pagkawala niya. “ sabi ko. Tahimik lang siyang nag aabang sa sasabihin ko.
“Ang totoo niyan hindi siya ang tunay kong ina.. “kita ko na nagulat siya pero nanatili lang siyang tahimik. “Iniwan lang ako ng mga tunay kong magulang sa labas ng pinto niya nung sanggol palang ako… wala akong kamuwang muwang pero nagawa nila akong ipamigay… “ nagsimulang tumulo ang luha ko na agad kong pinunasan. Natawa ako ng mapakla “Hindi ko alam kung paano nila nasikmuarang iwan ang sarili nilang anak.. Naisip ko nga nun na baka hindi nila ako gustong maging anak hahaha” natawa na lang ako sa mga sinasabi ko kahit na masakit parin para sakin ang katotohanan na baka nga tama ang hinala ko sa mga magulang ko.
“Gusto mo ba silang makilala? Yung tunay mong magulang.. “ napatigil ako sa sinabi niya
Tinignan ko siya saka pilit na ngumiti. “Gusto ko silang makilala pero… baka ipagtabuyan lang nila ako.. “napayuko ako sa huli kong sinabi, sa totoo lang natatakot ako sa oras na makita nila ako kung matutuwa ba sila o ipagtatabuyan lang ulit—
Niyakap niya ko ng mahigpit “Gusto kong makilala mo ang magulang mo pero… kapalit naman nun ang pagkawala mo sa tabi ko” niyakap ko rin siya pabalik.
“Wala na rin naman akong babalikan sa mundo ko kaya papaano ko pa magagawang umalis”sabi ko, kumalas ako ng yakap at hinarap siya, “Nandito na ang mundo ko kaya bakit ako aalis? “ pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung napansin ng prinsipe iyon kaya pasalamat ako ng may nagsalitang kawal.
“Prinsipe maari na po tayong tumuloy sa paglalakbay, may napagtanungan din ako na malapit na tayo sa palasiyo ng banglan. “
Natigilan kami parehas sa narinig namin, bumik ang kabang nararamdaman ko ng magsimula na kaming tumuloy sa paglalakbay, hinawakan ng prinsipe ang kamay ko, ramdam niya siguro ag kaba ko.
“Magiging maayos din ang lahat” sambit niya, napalunok ako sa sinabi niya dahil alam ko na ang maaring mangyari, hindi ko hahayaang may mangyari sa kanya.
Ilang oras ang biyahe namin ng matanaw ko na ang palasiyo ng banglan, mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko sa kabang nararamdaman ko. Isa itong patibong at nasa panganib ang lahat.
Habang papasok kami sa gate ng palasiyo ramdam kong may nagmamasid samin at tama ako ng mapatingin ako sa kanang bahagi sa may puno.
“Prinsipe bumalik na tayo isa itong patibong mapapahamak tayong lahat---
Sa isang iglap nasira ang pinto kung nasan ako, naramdaman ko na lamang ang pag angat ko sa ere papalayo sa prinsipe na pilit akong hinahabol hanggang sa harangin siya ng mga lalakeng naka itim.
Pilit kong kumawala sa lalakeng may hawak sakin, nasa isang puno kami at palipat lipat ng puno papasok ng palasiyo. “Bitawan mo ko! “
“Tsk. Binalaan na kita.. “ napatingin ako sa lalakeng may hawak sakin, siya yung lider ng dumukot sakin. “Hindi mo na magagawang pigilan ang mga mangyayari” hindi ko alam pero kita ko ang pagkabahala sa kanyang itsura.
“San mo ko dadalin?.. Ibaba mo ko” hindi niya parin ako binababa hanggang sa makarating kami sa sulok ng palasiyo kung saan may pamilyar na mukhang naghihintay samin.
Binaba na niya sa harap nito at hinawakan ako sa braso ng mahigpit, nakatingin lang ako sa taong kaharap ko ngayon
“Prinsesa Hasmin.. “
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.