Chapter 31

0 0 0
                                    

Nakatulala lang ako sa kisame habang paulit ulit kong naririnig ang sinabi niya.


Don’t make it hard for me..


Don’t make it hard for me..



“Argh! “


Nagpaikot ikot ako sa kama, alas dose na ng gabi pero ayaw akong patulugin ng mga salitang yon!, anong bang nangyayari?.. Bakit kailangan niya pang sabihin yon sakin? Bakit niya ba to ginagawa?!




“Classmates wala daw si Ma’am kaya.. Pwede na tayong umuwe! “


Napatungo ako sa lamesa ko, mabuti na lang at walang klase ngayon dahil antok na antok na ko. Napahikab ako.. Gusto ko ng matulog..


Sa pagpikit ko ng mga mata hindi ko namalayang nakatulog ako..




Blag!



Napatayo ako sa gulat ng makarinig ako ng bumagsak. Napatingin ako sa bintana at napansin kong hapon na. Shet! Nakatulog ako!


Hindi man lang ako ginising tsk!.


“What do you think you will do to her?! “


Napalingon ako sa nagsalita, isang tao ang nakatalikod sakin, teka pamilyar---


“Ethan?..“


Napatingin ako sa kanya ng makita ko siyang nakahiga sa sahig at hawak hawak ang panga.


Anong nangyayari?


Humarap sakin ang lalakeng nakatalikod sakin, “Sir?..” nagtataka akong nakatingin sa kanilang dalawa at pansin kong galit si Sir Montes..


“Anong---


Hinawakan ni Sir Montes ang kamay ko at hinila ako palabas ng room, takang taka ako sa nangyayari.mabuti na lang at wala ng gaanong tao kung nagkataong makita kaming magkasama, hindi maganda ang mangyayari.


Teka..


“Sandali.. “


Pero parang hindi niya ko naririnig at dire diretso lang siyang naglalakad, palabas na kami ng building ng school ng puwersa kong inalis ang kamay niyang nakahawak sakin.


“Ano bang nangyayari?.. Si Ethan”


Tangka akong babalik kung nasan si Ethan, iniwan namin siya dun mag isa, ng pigilan niya ko. Inis akong napatingin sa kanya pero natigilan ako ng makita ko ang lungkot sa mata niya.


“Please.. Stay with me.. “


“Pero—


“He tried to kiss you! “


Tumaas ang boses niya, natahimik ako sa sinabi niya. Si Ethan? Magagawa niya yun?..


Nabigla ako ng yakapin niya ko. “Akala ko.. Huli na ko.. “, hinaplos niya ang buhok ko at ramdam ko ang paghinga niya sa leeg ko.


Anong ibig niyang sabihin?...


Humarap siya sakin at tinitigan ako ng matagal, ang lakas parin ng tibok ng puso ko..


“A-ano bang s-sinasabi---


“Patawad kung pinag hintay kita...”


Nakatitig lang ako sa kanya ng hilahin na niya muli ako palabas ng school. Hindi ko na nagawang pumalag dahil halo halo na ang nararamdaman ko.


Dinala niya ko sa playground kaya naalala ko yung nakita ko, pinaupo niya ko sa duyan at umupo siya sa katabing duyan, ng bitawan niya ko tanggka kong umalis ng hawakan niya ang kamay ko.

“Rose.. “


Dub! Dub! Dub!

Mabuti na lang at nakayuko lang siya dahil kung hindi baka manghina ako sa mga titig niya.


“A-ano bang pinagsasabi mo?”


Tumingala siya sakin, “Sasabihin ko sayo ang lahat.. Can you stay with me for a while? “ nakikiusap ang mga mata niya kaya wala na akong nagawa kung hindi ang umupo ulit sa duyan.



“Dalawang linggo akong nasa comatose. “


Napatingin ako sa kanya, nakatingin siya sa malayo at tila inaalala ang mga nangyari sa kanya.


The Mondres PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon