Ilang araw na ang nakapalipas ng mangyari ang pagdukot sakin, ilang araw na rin ng mapansin kong iniiwasan ako ni Kate na ipinagtataka ko, si Enzo naman ganun din siguro dahil akward pa para sa aming dalawa pero kaibigan parin ang turing ko sa kanya.
Tapos ang Prinsipe…
“Rose kanina ka pa pinapatawag ng Prinsipe puntahan mo na yun” sambit sa akin ng isa sa mga katulong kaya agad akong nagmadali papunta sa silid ng Prinsipe.
“Ano na naman bang kelangan niya pang ilang tawag na niya to sakin ngayong araw hays” nagmamartsa ako papunta sa silid ng prinsipe.
Tanaw ko na sa malayo ang pintuan ng silid ng Prinsipe at ang prinsipe? Ayun at nakaabang pa sa pinto habang naka krus ang mga braso at nakabusangot na nakatingin sakin.
Hay ano bang nangyayari sa mga taong to, naninibago ako sa mga ikinikilos nila lalo na tong Prinsipe palagi niya na kong pinapatawag sa silid niya dahil may iuutos pero nung nakaraan pinaupo niya lang ako at parang timang lang akong nakaupo habang siya nagbabasa ng libro.
Ano ba ko isang display? Tsk. Hindi ko alam kung anong iniisip ng isang to.
Nakalapit na ko sa kanya, “Pinatawag mo daw po ako Prinsipe kiel”wika ko, hindi siya sumagot at pumasok siya sa loob kaya sumunod na lang ako pero ang kanina pa ko sa loob hindi niya ako pinapansin.
Napabuntong hininga na lamang ako “Patawad po nahuli ako ng dating abala po kasi ako---
“That’s enough.. “sabat niya na ikinatikom ko ng bibig.
Ito pa ang napansin ko sa kanya lagi na siyang nagsasalita ng english o dahil mas sanay siya na yun ang salita niya dahil medyo may pagka slang ang salita niya sa tagalog.
Mabuti na lang sa ilang araw na to hindi pa pumupunta si Prinsesa Hasmin dahil kung hindi baka gulo ang mangyari.
“What are you thinking? “
Napalingon ako ng magsalita siya, nakakapanibago talagang nag english siya kahit na bagay naman sa kanya ay pwe!, mas okay na rin siguro na magsalita siya ng english dahil kahit papano pakiramdam ko na sa mundo ko ako.
“Wala po Prinsipe kiel, ano po pala ang nais mong iutos sakin? “tanong ko,umupo siya at nangalumbabang nakatingin sakin kaya medyo nailang ako.
Ilang minuto akong nakatunganga sa harap niya ng mapagpasiyahan kong umalis, “Babalik na po ako sa trabaho ko” sambit ko at padabog na umalis.
Nakakainis naman kasi papapuntahin ako ng walang dahilan tsk!.
Nakakailang hakbang palang ako ng pigilan niya ko, hinarap ko siya yamot na tinignan. Napansin naman niya ang tingin ko kaya binitawan niya ang kamay ko, bumuntong hininga siya at seryosong nakatingin sakin, “Hindi ko sinasadyang magalit ka sa kinikilos ko.. Ayoko lang na------
“Prinsipe Mondres! “
Namanhid ang katawan ko sa pamilyar na boses na narinig ko, dahan dahan kong hinarap ang taong yon at nagulat pa ko ng kasama niya yung pinuno ng dumukot sakin na seryosong nakatingin ngayon sakin.
Malawak ang ngiti ni Prinsesa Hasmin habang papalapit ito samin, napalayo ako kay Prinsipe Kiel at nanahimik sa gilid.
Nakalapit na silang dalawa sa prinsipe, “Masaya akong makita ka ulit, patawad dahil hindi ko nagawang bumisita muli sa dami kong inasikaso”malambing na sambit nito kasabay ng pag hawak niya sa kamay nito.
Nakatingin lang sa kanya ang Prinsipe pero kalaunan ay binigyan niya ito ng isang ngiti na ewan ko pero parang pilit?
“Patawad at hindi ako nakapaghanda sa pagdating mo”wika nito sa kanya, nagulat ako ng mapatingin sakin ang Prinsesa
Yumuko ako bilang paggalang, “Kinagagalak kitang makita Prinsesa”sambit ko, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan.
Ngumiti siya sakin, “Maari mo ba kong ipaghanda ng makakain? Nagutom kasi ako bigla”sambit nito na may pacute pa sa Prinsipe.
Sasabat pa sana ang Prinsipe ng magsalita ako, “Masusunod po Prinsesa, aalis na po ako” wika ko saka lumakad paalis.
Malapit na ako sa kusina ng may mapatingin ako sa labas ng bintana, lumapit ako at tinignan maigi ang dalawang tao sa labas na seryosong nag uusap sa likod ng puno, napatakip ako ng bibig ng makilala ko ang mga ito,yung pinuno nung dumukot sakin at… Napatakip ako sa bibig ng makilala ko mung sino ito.
“Kate.. “
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.