Chapter 15

0 0 0
                                    




Nagising ako sa isang madilim na kwarto,pinikit kong muli ang mata saka muling minulat ng umokay na ang paningin ko pinasadahan  ko ng tingin ang buong paligid, isang pinto ang nasa harap ko, sinubukan ko gumalaw pero nakatali ang mga kamay ko sa likod at ang mga paa ko sa dalawang paa ng upuan.

Biglang bumukas ang pinto, kaba ang nararamdaman ko ng mapatingin ako sa dalawang lalakeng pumasok ang isa may bitbit na ilaw saka sila  tumayo sa magkabilang gilid ko

Kakaiba ang suot nila naka itim sila at pansin ko ang markang ahas sa kanilang mga kamay.. Tahimik lang ako ng mapatingin muli ako sa pinto ng may isang lalake ang pumasok, matangkad  at bakas sa kanyang tindig na siya ang namumuno sa grupong ito

Doble ang kaba ko sa lalaking to, nasa harap ko siya ng yumuko sa para makapantay ako kaya mas nakita ko ng maayos ang kanyang mukha, may itim na mata, matangos na ilong at mapula ang kanyang labi, hindi mapagkakailang may maamo siynag mukha pero ramdam ko sa tingin niya na hindi magandang kalabanin ang lalakeng nasa harap ko.

“Hmm ito ba ang sinasabi niyong babaeng laging kasama ng Mondres na yon? “ kaba ang naramdaman ko sa lalim ng boses ng magtanong siya sa dalawang lalake habang sa akin parin nakatingin.

“Opo siya po pinuno base na rin sa sinabi ng isang espiya natin sa loob ng palasiyo siya po ang madalas na kasama ng Prinisipe at pansin na din ang pagiging malapit ng dalawa”  sambit ng nasa kanan ko
Nanlaki ang mata ko ng malaman kong may espiya sila sa loob ng palasiyo, ibig sabihin matagal na nilang minamatyagan ang Prinsipe. Pero sino?

“Sino kayo? Bakit niyo minamatyagan ang Prinsipe? “ matapang na sambit ko sa lalakeng nasa harap ko, kita kong nagulat siya sa inasal ko pero kalaunan napangisi siya na tila kamangha mangha ang nakikita niya.

Napasandal ako sa upuan ng ilapit niya ang kamay niya ng tangkain niyang hawakan ang mukha ko. Naiwan sa ere ang kamay niya, tumayo siya ng maayos.

“Pasok.. “ sambit niya, napatingin ako sa pinto ng isang tao muli ang pumasok, may takip na itim na tela ang kanyang ilong at bibig tanging mata niya lang ang kita at isa siyang babae….

Nakatingin lang ako sa kanya habang papunta siya sa harap ko, nakatingin din siya sakin. “Nagkita tayong muli.. “ sambit nito

Parang pamilyar ang boses niya.

Nagulat ako ng tanggalin niya ang telang nakatakip sa kanyang ilong at bibig. Anong ibig sabihin nito? Hindi ba siya si….

“Ako si Prinisesa Hasmin nagkita na tayo sa palasiyo kanina.. “sambit nito. Nakangiti ito pero kalaunan naging seryoso ang kanyang mukha, “Isang kasunduan lang naman ang gusto ko”sabi nito, lumakad siya at pinagmasdan ang buong kwarto. “Tutulungan mo akong mapalapit sa Prinsipe----

“At bakit ko naman gagawin ang kagustuhan mo---aah! “ sinabunutan ako ng ng lalakeng nasa kaliwa ko.

Nakatingala ako ng lumapit sakin si Prinsesa Hasmin na may ngisi sa labi “Susundin mo ang gusto ko o gyera ang mangyayari sa pagitan ng palasiyo ng Prinispe at sa palasiyo ng aking ama at mamatay si Prinsipe Mondres” sabi nito na nagpakaba sakin, hindi ko akalain na ang babaeng may maamong mukha ay may tinatagong kasamaan.

Binatawan na ko ng lalake, nakatingin lang sakin ang pinuno nila, “Hindi sana ako magkakaganito kung hindi ko nakita ang Prinsipe, biruin mo ang daming nagsasabi samin na hindi ako karapat dapat kay Prinsipe Mondres dahil sa kagandahan ko.. “sabi nito habang nakahawak sa kanyang mukha.

Ngumiti siya ng malawak “Pero ng makita ko siya nahulog na agad ang aking loob para sa kanya at naisip ko… sa akin lang ang Prinsipe.. “sambit nito pinagkrus niya pa ang kanyang mga kamay. Tumingin bigla siya sakin at naging seryoso na muli ang kanyang itsura.

“Maililigtas mo lang ang Prinsipe kung tutulungan mo kong mapa sakin siya… “

The Mondres PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon