Dalawang araw na nung makita ko si Kate na kausap ang lalakeng yon, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala dahil ang ibig sabihin lang nun si Kate ang espiya, kaya ba lumapit siya sakin? Pero hindi sabi niya kaibigan niya ko..
Sino ba ako sa kwentong ito..
Blag!
“Pasensiya na po hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko----ikaw? “ gulat akong nakatingin sa taong nabangga ko dito sa bayan…. Bigla akong kinabahan lalo na mag isa lang ako. Naalala ko ang mga nangyari dati.
“Oh binibini muli tayong nagkita.. “
Tumayo ako’t pinagpagan ang aking suot, kinakabahan ako pero hindi dapat ako magpakita ng takot sa kanya.
Hindi ko na sana siya papasinin pero humarang siya sa dinaraanan ko “Oh binibini naman, hindi mo na ba ako naalala? “ nakakalokong tanong nito, napansin ko ang ilan sa mga kasamahan niya na papalapit sa kinaroroonan namin.
Huminga ako ng malalim saka ko siya tinignan sa mata “Maari bang padaanin mo ako” sabi ko na aakmang hahakbang muli pero hinaranagan na naman niya ako.
Nakatingin sa amin karamihan ang mga tao may awa sa kanilang tingin sa akin dahil siguro sa taong kaharap ko ngayon.alam ko namang wala ng tutulong sakin. Napayuko na lamang ako---
“Narinig mo ang sinabi niya padaanin mo siya… “
Isang pamilyar na boses ang narinig namin mula sa malayo.napa angat ang tingin ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lalaking pinunong nagpadukot sa akin.
“At sino ka naman?! “ sigaw sa kanya ng lalake. Napatingin na din sa kanya ang mga kasama nito maging ang mga taong nasa paligid.
Tangka akong aatras ng hablutin ng lalake ang aking braso saka iniharap sa lalakeng naka itim. Papalag sana ako ng maramdaman ko ang patalim na itinapat sa aking leeg.
“Huwag kang mangialam dito mister kung ayaw mong mapahamak ang babaeng to” sambit ng lalakeng may hawak sa akin naramdaman ko a ang pagbaon ng talim sa aking leeg at ramdam ko ng dugong dumaloy pababa, nanginig ang aking katawan sa takot.
Napatingin ako sa lalakeng naka itim, wala akong makitang reaksiyon sa kanyang mukha---
“Aaahh!... “
Sa bilis ng pangyayari hindi ko alam kung paanong napatumba agad ng lalakeng naka itim ang mga lalakeng siga dito sa bayan. Namalayan ko na lang na nasa tabi ko siya habang nakatingin sa sa lider ng ngayon na namimilipit sa sakit sa kanyang tiyan.
“Anong ginawa mo.. “hindi makapaniwalang sambit ko habang nakatingin sa kaawa awang lider..
Umupo ang lalakeng nakaitim habang nakatingin parin ito sa lider. “Pabayaan niyo ang babaeng to.. “malamig na sambit niya.. Nagmamadaling inalalayan ng mga kasama niya ang lider nila at nagmamadaling umalis.
Aalis na sana ako ng hawakan niya ang braso ko, “San ka pupunta? “tanong nito, medyo natakot ako sa kanya dahil sa maari niyang gawin hindi man niya ako sinaktan nung pinakuha niya ako pero hindi maalis sa akin na siya parin ang pinuno na alagad ni Prinsesa Hasmin.
Alanganin ko siyang tinignan “Ahh—mamimili?.. “sabi ko saka sinusubukan makawala sa kanya.
Pero mahigpit parin ang kapit niya sa akin. Napabuntong hininga ako, “Anong kailangan mo?.. “tanong ko. Pinagtitinginan na kami ng mga tao kay hinila niya ko kung saan na ikinabahala ko. “H-hoy saan mo ako dadalhin? “sabi ko, tahimik lang siya at hindi ako pinapansin.
Lord kayo na po ang bahala sakin
Dinala niya ako sa gilid ng isang tindahan, naghanda na ko sa pagsigaw ko kung sakaling may gawin siya. Binitawan na niya ko at medyo nailang ako sa seryosong tingin niya sakin.
“Lumayo ka sa Prinsipe kung ayaw mong ikapahamak niya at ng mga tao sa palasiyo.. “wika niya. Tahimik lang ako habang nakatingin sa kanya. Bumuntong hininga siya.. “Unang babala ko sayo na mag ingat ka sa mga ikikilos mo”sambit nito na ikinataka ko.
“Bakit mo sinasabi sakin?.. “takang tanong ko. Natigil siya at saglit na nanahimik habang nakatingin sakin.
Bumuka ang kanyang bibig pero agad niya rin itong tinikom tila iniisip kung ano ang sasabihin. “B- binabalaan lang kita, kung ayaw mong magkaroon ng gulo sa pagitan ng Prinsipe at ng Prinsesa……. Sawa na ko sa gulo” mahina ang pagkakasabi niya sa huli saka siya biglang umalis kaya naiwan akong tulala.
“Rose… “
Napalingon ako sa tumawag sakin, “Prinsipe.. “mahinang sambit ko. Nakatingin siya sa hawak kong libro kaya napatingin ako. Hawak ko ang libro at hindi ko nalansing baliktad pala ito.
“Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka parin. Pansin ko rin na kanina kapa wala sa sarili”sambit nito. Sinarado ko ang libro saka tumayo, nakatingin lang sakin ang Prinsipe.
“Aalis na po ako Prinsipe, gabi narin at kelangan mo ng matulog dahil may dadaluhan pa kayong kaarawan bukas. “ wika ko, akma na kong lalabas ng hawakan niya ang kamay ko napapikit na lang ako.
“Ilang araw ko ng napapansin ang pag iwas mo sakin.. Sabihin mo may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? “sambit niya, tila nanlambot ako sa tono ng kanyang pananalita, ramdam ko ang kinikimkim niya sa kanyang kalooban.
Ilang araw na rin ng simulan kong iwasan ang Prinsipe, akala ko hindi niya napapansin dahil sa lagi silang magkasama ng Prinsesa na lagi siyang dinadalaw sa palasiyo.
Hinarap ko siya at dahan dahang inalis ang kamay niyang nakahawak sakin,kita ko ang pagkabigla niya sa ginawa ko.
“Mahal na Prinsipe babalik na po ako sa aking silid, matulog na kayo”sambit ko saka siya tinalikuran, ilang hakbang palang ako palabas ng kanyang silid ng matigilan ako sa sinabi niya.
“Mahal kita…. “
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.