Napahawak ako sa tuhod ko at hinahabol ang hininga, tumingin ako sa harap ko at nanghina ako sa nakita ko, lumapit ako dito at sinilip ang loob.
Bookstore permanently closed
Ilang araw ko na rin akong nagpabalik balik sa bookstore nagbabakasakaling makita ulit ang matandang babae, nung una sarado lang pero ngayon permanente na..
Pano ko na siya makikita?
Napaupo ako sa harap ng bookstore ng saktong bumuhos ang malakas na ulan, hindi na ko nagtangkang umalis pa dahil basa na rin ako.
Pinapanuod ko lang ang mga taong nagtatakbuhan para lang makasilong sa ulan. Ilang oras akong nanatiling nakaupo at ramdam ko na din ang lamig sa aking katawan.
“Hey miss.. “
Napalingon ako sa taong nagsalita pero nanlalabo na ang paningin ko ng mapatingin ako sa kanya. Hinawakan niya ko sa braso at saka itinayo.
“Bitawan mo ko.. “palag ko sa taong may hawak sakin, hindi ko makita ang mukha niya pero mag isa lang siya.
“Samahan mo hik ko.. “sambit nito, naamoy ko ang alak sa kanya at humigpit ang hawak niya sa braso ko kaya kinabahan ako.
Hindi ito maganda..
Kahit nanghihina sinubukan ko paring pumalag at maghanap ng tulong sa iba pero wala ng tao sa paligid dahil sa bugso ng ulan.
Tulong..
“Bitawan mo siya.”
Naramadaman kong may isang kamay ang humawak sa kabilang braso ko, sinubukan ko siyang tignan pero malabo ang nakikita ko sa mukha tanging payong na itim ang hawak niya ang nakikita at itim na damit. Nakakaramdam na rin ako ng hilo sa mga oras na ito.
Hinala ako ng lalakeng lasing palapit lalo sa kanya at naramdaman ko ang kirot sa braso na hawak niya. “Pare huk. Ako ang nauna sa kanya”sambit nito pumalag ako sa kanya at pilit na humihiwalay.
Mabilis ang pangyayari ng hilahin muli ako ng lalakeng nakaitim habang malakas na itinulak ang lalakeng lasing na agad natumba dahil na rin siguro sa kalasingan nito.
Agad akong hinila palayo ng lalakeng nakaitim at hindi ko alam kung saan ako dadalhin, “S-san mo ko dadalhin?. “tanong ko, sinbukan kong aninagin ang mukha niya pero hindi ko makita dahil sa dilim at umuulan pa.
Tumigil ako na ikinatigil niya, nahihilo na ko pero kelangan kong maging malakas lalo na hindi ko kilala ang taong to, lumapit ako sa kanya at tinitigan ang mukha niya na nagpatigil sakin.
“Prinsipe.. “
Hinawakan ko ang mukha niya habang unti unting tumulo ang aking luha, “I-ikaw ba yan?, a-ang tagal kong hinintay na makita ka.. B-buhay ka. “ hindi ako makapaniwalang kaharap ko siya ngayon.
Tinignan niya lang ako, “Miss.. mas okay kung uuwe kana.. “sabi niya ng nagtataka.
Natigilan ako sa sinabi niya. “P-prinsipe---
Nanlabo na naman ang paningin ko kasabay ng panghihina ng tuhod ko, unti tuni akong bumagsak ng maramdaman ko ang mga braso niyang sumalo sakin hanggang sa nagdilim na ang paningin ko.
Nagising akong may bimpo sa noo, inalis ko ito saka umupo, napatingin ako sa paligid ko, “Nasa kwarto ako… pero pano? “
Tok! Tok! Tok!
Lumakad ako palapit sa pinto, pagbukas ko bumungad sakin ang landlady kaya kinabahan ko. Nagbayad naman ako nung nakaraan—
“Okay kana ba?, ang taas ng lagnat mo kagabi mabuti na lang at nakilala ako nung lalakeng nagdala sayo dito” sabi nito.
“Pasensiya na po at---- ang sabi niyo po ba may nagdala sakin dito na lalake? “nagising ang diwa ko sa sinabi ng landlady namin. Tila nagulat din siya sa naging reaksiyon ko kaya nahiya ako.
“Pasensiya na po sa naging reaksiyon ko”paumanhin ko.
Napabuntong hininga siya, “Yung lalakeng naghatid sayo bagong lipat yon”Tinuro niya ang katabing apartment ko, “Diyan siya nakatira, hindi mo ba narinig ang ingay ng paglilipat niya? “tanong nito, umiling lang ako bilang sagot.
“O siya mukang okay ka naman kaya iiwan na kita, huwag ka masiyadong maggagala kapag may nararamdaman ka”paalala nito sakin, nagpasalamat ako sa kanya bago siya tuluyang umalis.
Sinarado ko ang pinto at para akong timang na tumabi sa dingding, pinakinggan ko kung may ingay akong maririnig.
“Aish kainis parang kang timang Rose” sabi ko habang sinabunutan ang buhok. Lumayo na ko sa dingding at nagsimulang mag asikaso pag pasok.
Bago ako lumabas pinakiramdaman ko muna ag kapitbahay ko, kanina pa tahimik sa kabila, lumabas na ko ng apartment saka inilock ang pinto, napatingin pa ko sa pinto ng kapitbahay ko pero tahimik parin.
Umiling iling ako sa iniisip ko, “Tumigil ka Rose” lumakad na ko ng biglang tumunog ang pinto hudyat na magbubukas ito,napatakbo ako ng wala sa oras habang ramdam ko ang kabog ng puso ko.
Nakarating ako sa school na habol habol ang aking hininga, natanaw ako ni Mang rogo kaya napalapit siya sakin.
“Oh iha anong nangyari sayo, maaga pa naman at hindi ka late sa school. “Sambit nito.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago magsalita, “A-ahh wala po, nagexercise lang po ako hehe”sabi ko, may kinuha sa bulsa si mang rogo at inilabas ang isang cellphone.
“Isusupresa ko ang anak ko mamaya sa bahay, maraming salamat sa tinulong mo iha”wika nito at pansin ko ag saya nito.
Napangiti naman ako, “Masaya po ako para sa inyo, magugustuhan po yan ng anak mo”sabi ko, nagdaratingan na rin ang mga estudyante kaya kinailangan ng bumalik ni Mang Rogo sa pwesto niya. Nagpaalam na ko sa kanya saka tumuloy sa loob.
Napatungo ako ng makarating ng room, inaanatok ako.. Sinilip ko ang cellphone ko at may 1 hour pa bago magsimula ang klase, makakatulog pa ko.
“Gising.. “
Urgh, inaantok pa ko..
“Miss Rose“
Napaupo ako ng wala sa oras, shet! Nasa klase pala ako! Napatingin ako sa mga kaklase ko at nakita kong nagpipigil sila ng tawa.
“Miss Rose.. “
Napatingala ako sa taong nakatayo sa gilid ko. Lumakad na siya papunta sa harap, tila nawala ang tao sa paligid namin sa mga oras na to, nakatingin lang ako sa kanya habang may gingawa siya.
Hindi ko alam kung anong ang dapat kong maging reaksiyon sa kanya, kamukang kamuka niya ag Prinsipe.
Ang ayos ng buhok, yung tingin niya.. Pero bakit parang hindi niya ko kilala?
Umayos siya ng tayo sa harap namin, “ Im sir Edward Montes, your substitute teacher in English subject habang nagpapagaling si Mrs Devins. “sabi niya, nilibot niya ang kanyang paningin sa aming lahat, at ng mapadako ang tingin niya sakin, “Miss Rose im expecting you to focus on my class”.
Tila nanindig ang bahibo ko sa sinabi niya, napakalamig ng boses niya, hindi ko rin makita sa tingin niya ang Ezekiel na nakilala ko.
Baka nga hindi siya..
“Understand Miss Rose? “ sambit niya
“Yes, sir Montes.. “tanging sagot ko sa kanya. Nagsimula na siyang magturo at sa totoo lang, hindi ako magkapag focus sa tinuturo niya.
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.