Ezekiel/Edward POV
Waking up in the place that you don’t even know.
When my eyes open, all I can see is white, but it turned out nasa isang room ako, napatingin ako sa kanan ng may naririnig akong tunog, hindi ko alam kung anong tawag dun dahil malaki na hugis kahon na may ilaw sa gitna at napansin ko ang mga bagay na nakatusok sa kamay ko, napansin ko din ang kasuotan ko na na kulay puti..
Sinubukan kong gumalaw pero parang manhid ang buo kong katawan at tanging mata lang ang naigagalaw ko.
“O my god! “
Napatingin ako sa babaeng nakaputi na nanlalaki ang matang nakatingin sakin. I can’t talk right now parang nanuyo ang lalamunan ko.
“Doc! Doc! Nagising na ang pasiyente! “
Im so clueless on what is happening, until a boy in white cloth enter the door, nagmamadali siyang lumapit sakin.
“Hey! Hey! Can you hear me?. Naririnig mo ba ko? “
Nakatingin lang ako sa kanya, nakita niyang sinusubukan kong magsalita, napangiti siya sa naging reaksiyon ko.
“Okay na siya, pwede na natin siyang ilipat ng kwarto” kausap niya ng babaeng nakaputi kanina.
Tatlong gabi na ang lumipas ng ilipat nila ako ng ibang kwarto at mas tahimik dito, nagagawa ko narin kumilos pero paunti unti lang, may mga ibang tao din na nakaputi ang pabalik balik ng kwarto kung nasan ako.
“Good morning Mr. Montes.. “
Nagising ako sa taong pumasok sa kwarto kung nasan ako. Siya yung lalakeng nakaputi na tinatawag nilang Doc. May kasama siyang isang lalakeng nakalight blue ang damit.
“Ngayong araw magsisimula ang therapy session mo, para makalakad kana at makakilos ng malaya.
Nakatingin lang ako sa kanila. “N-nasan ako? “kahit hirap nagawang kong magsalita.
Nagkatinginan ang dalawa” Nasa hospital ka para magpagaling”
After hearing that, my therapy session started, sa una mahirap pera ng tumagal nagawa ko na ding ilakad ang mga paa ako kaya natuwa ako.
Nakailang linggo na paulit ulit ang ginagawa ko kaya di nagtagal nagawa ko ng lumakad ng walang gamit.
“Im glad your fine now”
There she is… her name is Shaira, she claimed that im her older brother. She was a happy, sweet sister so im fine being her brother, nung unang kita niya sakin iyak siya ng iyak at paulit ulit niyang sinasabi na kasalanan niya kung bakit nasa ganitong kalagayan ako, pero hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya.
She help me with everything that I needed specially ng makalabas na ko ng hospital , at dahil hindi ko alam ang mundong ginagalawan ko, ive been studying about this world since im in the hospital.
Until I met her..
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.