Chapter 26

0 0 0
                                    

“Okay class dismissed.. See you tomorrow”

Oh please! Sa totoo lang hindi ko siya gustong makita kung ganito lang ang mangyayari. Oh dahil hindi ko matanggap na hanggang ganito lang.

Inayos ko na ang mga gamit ko at unti unti ng nagsisialisan ang mga kaklase ko, nakita ko pang inaayos ni Sir Montes ang gamit niya kaya mas lalo kong binilisan ang pag aayos.

Nang mailagay ko na lahat sa bag, agad akong lumakad palabas---

“Miss Rose, can I have a minute”

Shet! Wag ngayon!

Dahan dahan kong humarap sa kanya, umulo siya sa upuan na nasa harapan niya. Halaos wala ng natira maliban saming dalawa. Ayoko!

“Yes sir, bakit po? “ iniiwasan kong mapatingin sa kanya, kahit hibla ng buhok ayokong makita.

“Okay na ba ang pakiramdam mo? You were not even focus sa mga itinuro ko kanina, you think I didn’t notice?” sabi njya, nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko sa mga tinatanong niya, nag aalala ba siya?Rose wag assuming…

“Sorry po sir medyo hindi pa okay ang pakiramdam ko” paumanhin ko. Tinitigan niya lang ako, “May kailangan ka pa lo Sir? “ may diin sa pagkakasib ko ng Sir, hindi ko lang alam kung napansin niya na naiinis ako sa inaasta niya.

“Sige po sir aalis na po ako” sabi ko saka tumalikod sa kanya. Hindi pa ko nakakalabas ng magsalita siya.

“Take care.. “

Bwiset! Naglalakad ako habang may tumutulo ang sa mata ko palabas ng building, nakakainis bakit siya ganun?, naiinis ako pero nasasaktan ako.. Mabuti na lang at uwian na kaya wala masiyadong tao

Blag!

Napaupo ako sa sahig ng may mabangga ako, “S-sorry hindi ko sinasadya” wika ko habang patuloy na pinupunasan ang luha kong walang tigil.

“Are you okay? “

Tinulungan niya akong tumayo, nahaharangan pa ng buhok ang mukha ko dahil sa pagbagsak ko kanina.

“O-okay lang ako” sabi ko, “Sorry ulit”, aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanya.

“Rose.? “

Nakatingin lang ako sa kanya, ni hindi ko siya kilala, “Sino ka? “tanong ko, binitawan niya muna ako at may kinuha sa bulsa, isang panyo ang nakita ko at pinunasan ang luha ko.

“Ako si Ethan, kabilang room mo lang ako. Masiyado ka kasing seryoso—

Natigilan siya sa naisip niyang nasabi niya, nagtataka lang akong nakatingin sa kanya. Pano niya nalaman ang pangalan ko?

“Pano mo nalaman ang pangalan ko? “ tanong ko, nakita kong namula ang kanyang mukha at parang nahihiya.

“Sa ano.. Sa mga kaklase ko” sagot niya na parang hinid siya sigurado.

“Sige aalis na ko sorry ulit” paalam ko sa kanya, napatingin ako sa panyo niya, “Labhan ko na lang yan” kukunin ko sana yung panyo ng ilayo niya sakin, napatingin ako sa kanya.

“uhm no need..  ill take care of it”sabi niya, napakamot pa siya sa ulo niya, “S-see you tomorrow? “

Nalito ako sa sinabi niya kaya tumango na lang ako sa kanya saka tuluyang lumabas ng building.

Ethan POV

Binatukan ko ang sarili ko, “Sa kaklase? What a lame excuse”, napangiti ako habang nakatingin kung saan siya lumabas, its my first time talking to her and grabe ang kabog ng dibdib ko sa kaba.

All these years dahil lang sa hindi sinasadyang pagbangga makakausap ko siya. Napahawak ako sa mukha ko, alam kong nakakabading tignan pero shit lang! Kinikilig ako!

“Excuse me.. “ napalingon ako sa boses ng lalake, oh siya yung bagong substitute teacher na pinag uusapan ng mga kaklase kong babae. Tinignan ko lang siya habang padaan sa harap ko. Tsk! Mas gwapo pa ako.

“You don’t have the right to touch a girl, lalo na hindi kayo magkakilala”

Natigilan ako sa sinabi niya, so he’s been watching us that time huh?, Tinignan ko lang siya palabas ng builing, who is he?

“We been looking for you, san ka ba ng galing? “tanong sakin ni Jake my best friend, kasunod ang ibang barkada.

Pumasok na naman sa isip ko ang nangyari kanina, napangiti na naman ako, “I just met my angel”

“Angel who? Hindi ka bagay maging anghel” biro nito, hindi ko na lang siya pinatulan sa biro niya dahil good mood ako.

See you tomorrow Rose…

Rose POV

Okay na ba pakiramdam mo?

Take care..

Napabuntong hininga ako habang pabalik balik sa isip ko ang mga sinabi niya. Nakakainis!! kahit anong pilit kong kalimutan, hindi maalis sa isip ko. Gabi na at panay ikot lang ako sa kama.

“Argh! Bakit kasi nagpakita kapa?....” napaluha ako sa sakit na nararamdaman ko, “B-bakit.. B-bakit… h-hindi niya ko maalala? “ niyakap ko ang unan ko at tahimik na umiyak..

Bumalik sa alaala ko ang mga nangyari nung nasa mundo nila ako, lahat ng yon naaalala ko..

Pero bakit siya hindi..

“Bakit ka napatawag? “

Natahimik ako ng makarinig ako ng boses sa kabila. Boses niya.

“My first day mmm fine?, may isang estudyante lang na natulog ng makarating ako sa room. “

“Yes… yes..”

“Okay  past 10 pm na, matulog kana”… “Bye”

Natahimik na ang kabila pagkatapos ng kausap niya siguro sa Phone, sino kausap niya ng ganitong oras? Aish Rose tama na!

“Siguro nga hindi siya yon… kailangan ko siyang makalimutan.. “pinikit ko na ang mga mata at sinubukan ulit matulog,mga ilang minuto lang nakatulog na ko..

The Mondres PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon