Takbo lang ako ng takbo at papalapit ng papalapit ang ingay na naririnig ko. Mas lalo akong kinabahan sa mga naririnig kong kalansing ng mga espada at mga ungol ng mga taong nawawalan ng buhay, ang amoy ng dugo ng mga taong nasawi.
Napatakip ako sa ilong dahil sa lakas ng amoy ng dugo, nanlaki ang mata sa nakikita ko. Puro mga taong walang buhay ang mga nakahandusay ang bumungad sakin, nanginig ang tuhod ko at napaupo sa lupa sa panghihina.
Naalala ko ang napaginipan ko, ganitong ganito ang pangyayaring nakita ko sa panaginip ko. Biglang sumagi sa isipan ko ang prinsipe.
“Hindi.. Hindi pwedeng mangyari yon” tumayo ako at agad na hinanap ang prinsipe. Kahit na gusto kong masuka sa mga nadadaan at naamoy ko hindi parin ako tumigil.
Kelangan kong makita ang Prinsipe… asan kaba?
Nanlabo ang mata ko sa mga luha ko, ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang takot hindi para sakin, kundi para sa Prinsipe.
“May huling salita ka ba mahal na Prinsipe Mondres? “
Natigilan ako sa narinig ko, napalingon ako sa kanan ko ng makita ko sa di kalayuan si-
Hindi ko alam pero kusang napatakbo ang mga paa ko sa kinaroroonan nila. Hindi
Hindi ko na marinig ang sinasabi ng lalakeng nakatayo sa harap niya, mas lalong bumilis ang takbo ko at ang tibok ng puso ko ng itaas na niya espada niya.
Hindi pwede!
Tila nawalan ng tunog ang lahat sa paligid ko, unti unti akong napaluhod sa harap niya habang kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha.
Nakaabot ako..
Kahit hirap lumapit ako sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha.
“P-prinsipe… “
Unti unti ako bumagsak ng maramdaman ko ang pagsalo niya sakin, ramdam ko nag kirot sa aking likod na tila nagpamanhid sa buo kong katawan.
Nakatingin lang ako sa kanya habang sumisigaw kahit hindi ko marinig ang sinisigaw niya. Napatingin din ako sa isang lalakeng lumapit samin, halata ko ang pag aalala sa kanyang mukha habang sumisigaw din na tila tinatawag ang pangalan ko.
Enzo..
“Rose! Rose! “ unti unti ng bumalik ang pandinig ko ng mapatingin ako sa Prinsipe. Ngayon ko lang siya nakitang lumuha ng ganito.
Hirap kong tinaas ang kamay ko saka pinahid ang mga luha niya, “P-prin-s-sipe.. “napaungol ako ng kumirot ang likod ko, naubo ako ng dugo at mas lalong nanghina ang katawan ko. Nanlalabo narin ang paningin ko pero pinilit kong magsalita dahil sa tingin ko hindi ko na masasabi ang dapat kong sabihin.
Hinawakan ko ang kamay niya, “M-ma..m-mahal k-ki.. k-kita.. “, pilit kong ngumiti sa kanya pagkatapos kong sabihin ang salitang yon, pero mukang hindi na kinaya ng katawan ko ng tuluyan ng magdilim ang paningin ko.
.
.
.
.
.
.
…
“Okay class dismissed.. “
Inilagay ko na sa bag ang notebook ko at ballpen saka isinakbit ang bag sa likod, lumabas na ako ng classroom saka dumiretso palabas ng school ng madaanan ko si Mang Rogo na tila malungkot dahil tulala at parang walang buhay na nakaupo sa upuan niya kaya nilapitan ko siya.
“Mang Rogo.. “Hindi niya ko napansin kaya nagulat siya ng tawagin ko siya, ngumiti siya pero halatang pilit.
“Oh iha pauwe kana?.. Mag iingat ka pauwe. “ sambit niya.. Hindi ako sanay sa kinikilos ni Mang Rogo kaya nagtanong na ko.
“May problema ho ba? “tanong ko, nawala ang ngiti sa kanyang labi. “Yung anak ko kasi, malapit na ang birthday niya at matagal na niyang hiling ang magkaroon ng cellphone, pero hindi sapat ang kinikita ko.” Natigilan siya sa nasabi niya, “Pasensiya na hindi ko dapat sinasabi to sayo iha, sige mag ingat ka pauwe.. “ sambit niya.
Kinuha ko ang wallet ko saka nag abot ng pera sa kanya na ikinagulat niya. “Naku iha, hindi na kelangan---
Inilagay ko sa kamay niya ang tatlong libo, “Mang Rogo, kunin mo na po ito saka may ipon naman po ako, maliit na halaga po ito kumpara sa mga naitulong mo sakin. Kaya tanggapin mo po ito para sa anak mo”sabi ko, kita kong nagdadalawang isip parin siya kung tatanggapin niya o hindi, “sige po aalis na po ako. “paalam ko saka lumakad paalis.
“Sandali iha.. “Hindi pa man ako nakakalayo ng tawagin niya ko, “Salamat.. “sambit niya ng may ngiti sa labi.
Kumaway ako bago tuluyang umalis, pero sa paglingon ako hindi ko alam ang mararamdaman ko.
“Prinsipe.. “
Nakatalikod siya pero alam kong siya yun ng biglang umihip at napapikit ako dahil sa alikabok na nakahalo sa hangin, at sa pagmulat ko nawala siya. Agad akong tumakbo palapit sa lugar kung saan ko siya nakita pero wala akong nakitang tao.
Napatingin ako sa taong humihila sa damit ko, isang batang babae ang nag aalalang nakatingin sakin. “Ate bakit ka po umiiyak? “tanong nito, agad kong kinapa ang aking mukha at ramdam ko nga ang walang tigil na pagtulo ng aking luha.
Nilabas ko ang panyo ko saka pinunasan ang luha ko, napangiti ako sa batang babae. “Wala ito napuing lang si ate hehe”sabi ko.
Lumapit ang isang babae samin na sa tingin ko ay ang ina nito, “My god, huwag ka bigla bigla mawawala sa paningin ko, nag alala ako ng husto sayo” sambit nito saka niyakap ang bata, pinusan ng bata ang pawis ng kanyang ina sa noo, halatang napagod siya kakahanap dito.
“Sorry mama, hindi napo mauulit” sambit nito saka niyakap muli ang ina.
Ang sweet naman nilang mag ina.
Napatingin sa akin ang ina nito,” salamat at nakita mo ang anak ko miss? “
“Rose po ma’am, ang anak mo po ang nakatagpo sakin,napakabait po niyang bata. “ nakangiti kong sambit saka muling napatingin sa bata, lumuhod ako para mapantayan siya.
“Anong pangalan mo?... “tanong ko
“Kate po.. “
Natigilan ako sa sinabi niya, “A-ang ganda naman ng pangalan mo” sabi ko, tumayo na ko saka tumingin sa ina nito, “sige po mauuna na ho ako”paalam ko, kumaway muna sila sakin bago sila umalis.
Pabagsak akong humiga sa kama, isang buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakatingin sa kisame.
Dalawang linggo na rin simula ng makabalik ako sa mundo ko, sinubukan ko ding basahin muli ang nasa libro pero nagukat ako ng makitang blanko na at walang makikitang sulat dito kay hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos kong makabalik dito. At araw araw kong nangungulila sa taong yon..
Prinsipe…
Namuo na naman ang luha sa aking mga mata, bumabalik na naman ang mga alaalang hindi ko makakalimutan.
Pinunasan ko ang luha saka tumayo, pagkakuha ko ng wallet at jacket saka ako lumabas ng apartment. Lakad takbo ang ginawa ko makapunta lang sa lugar na yun kahit pa may nababangga akong tao.
Sana.. Sana.
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.