Chapter 21

0 0 0
                                    

Nasan ako?...

Isang  palasiyo ang nasa harap ko. Napalingon lingon ako pero waka akong makitang tao, “Prinsipe?! “ sigaw ko, nagbabakasakaling makita ko ang prinsipe pero wala nagpakitang prinsipe maya nakaramdam ako ng takot.

“Rose.. “

Isang pamilyar na boses ang aking narinig, napalingon ako sa pinanggamingan ng boses na yon ng makita ang isang matandang babae..

Teka.. Siya yung sa bookshop!

Nilapitan ko ito, “Lola ano pong ginagawa mo dito? “tanong ko, ngumiti lamang siya pero may kakaiba s aza angiti niya.. Hindi siya masaya..

“Rose nalalapit ng matapos ang nakasulat sa libro at nalalapit narin ang katapusan ni Prinsipe Mondres.. “

“Po? “tila nabingi ako sa huling sinabi niya

Hinawakan niya ang mga kamay ko. “Hindi mo natapos ang libro kaya hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa huli.. Mamatay ang Prinsipe sa pagpunta niya sa Palasiyo ng Banglan.hindi niyo alam kung gaano kapanganib ang nakaabang sa inyo”

Natigilan ako ng bigla kaming umangat sa ere, bigla akong nakaramdam ng kaba ng mapunta kami kung nasaan ang Prinsipe at ang mga kawal na kasama niya.

Napatakip ako sa bibig ng makita ko kung gaano kalakas ang kalaban at kung paano nila paslangin ang mga kawal ng prinsipe.

Natuon ang atensiyon ko sa Prinsipe at sa isang lalake. Naluha ako sa itaura ng prinsipe. Ang puting damit niya napuno ng dugo, hirap narin siyang tumayo pero sinusubukan niya paring lumaban samantala ang lalakeng kalaban niya ay kakaunti lang ang galos at sa nakikita ko hindi mnaxananalo ang prinsipe laban sa kanya.

Napaluhod ang prinsipe sa sobrang hina niya tanging espada niya lamang ang nagsisilbing tungkod niya para makatayo.

“Pakiusap itigil niyo na.. “sunud sunod ang luhang lumalabas sa aking mga mata, kahit ilang beses kong subukang lumapit hindi ako makalapit sa kanya.

“Hindi mo magagawang lumapit, ito ang nakatakdang mangyayari sa oras na magharap ang Prinsipe ng Banglan at si Prinsipe Mondres”

Lumapit ang lalakeng kalaban ng Prinsipe at itinapat ang espada sa ulo nito.

“Ito ang nababagay sa isang Prinsipeng kagaya mo, hindi ka nagawang paamuhin ni Prinsesa Hasmin kaya ako na ang tatapos sayo”sabi nito sa Prinsipe.. Napangisi pa ito at tila natutuwa sa kanyang nakikita.

Kung ganon may kinalaman si Prinsesa Hasmin sa mangyayari… pero bakit?

“Tama na… “

Nag iba bigla ang pwesto namin at napunta kami sa gilid nila, malapit ako pero hindi ko siya magawang puntahan.

“May huling salita ka ba mahal na Prinsipe Mondres?.. “sambit nito, tahimik lang ang Prinsipe kita kong sinusubukan niyang tumayo pero hindi na kaya ng paa niya. Napaiyak lalo ako ng makita ko kung gaano kalaki ang napinsala sa kanya.

Nakatingin parin ako sa Prinsipe ng magsalita ako, “L-lola wala po ba tayong pwedeng gawin? “sabi ko habang sinusubukan lumapit sa Prinsipe. Nilingon ko si Lola at malungkot na nakatingin sa akin.

Napaupo na lamang ako habang patuloy ang pagtulo ng mga luha sa mata ko.

“R-rose.. “

Mahina pero dinig ko kung anong sinabi niya, “P-prinsipe.. “sambit ko, nakita kong tumulo ang luha niya.

“Inuubos mo ang oras ko kaya… “inangat ng lalake ang kanyang espada at handa ng patayin ang prinsipe..

The Mondres PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon