Tulala akong naglalakad pabalik ng palasiyo, malayo layo pa ang lalakarin ko at ramdam ko na ang pagod sa haba ng nilakad ko puro puno pa ang kikita ko sa buong paligid kaya hindi ko alam kung malapit na ba ako sa palasiyo, pinakawalan nila ako pagkatapos akong makausap ni Prinsesa Hasmin.
Napahawak ako sa tiyan ko ng makaramdam ako ng gutom. Tumigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng takbo ng kabayo napalinga linga ako nagbabakasakaling may mapadaan dito pero naisip ko na baka delikadong tao ang papalapit kaya nagtago ako sa isang puno na malapit sakin.
Naghihintay ako sa likod ng puno na kaba ang nararamdaman, papalapit na ang tunog na naririnig ko, at tila hindi nag iisa ang naririnig ko.
Napaupo ako ng nasa tapat ko na ang naririnig ko, rinig ko ang pagtigil ng tunog ng kabayo.
“Magpatuloy kayo sa paghahanap. “
Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ng Prinispe, napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis ang tibok ng puso ko, rinig ko ang pag alis nila, napayuko ako ng mapagtanto kong umalis na sila.
Sandali..
Nagmamadali akong lumabas sa pinagtataguan ko “Sandali! “sigaw ko, sinubukan ko silang habulin ng mapatid ako sa isang kahoy bumagsak ako sa lupa at naramdaman ang sakit sa tuhod ko.
Dahan dahan akong tumayo ng kumirot ang tuhod ko kaya napaupo ako sa lupa, ng may mga braso yumakap sakin mula sa likod. Kinabahan ako sa kung sino ito tatayo sana ako ng magsalita ito.
“Ikaw nga yan.. “
Dub. Dub. Dub.
Tila natigil ang paghinga ko sa boses na yun, ramdam ko ang pagkasabik at pangungulila sa tono niya. Nangilid ang tubig sa aking mata sobrang tagal na nung huli kaming magkita at namiss---
“Mahal na Prinsipe pwede mo na po akong bitawan.. “sambit ko, bumitaw naman siya kay pinunasan ko ang luha sa aking mata bago tumayo at humarap sa kanya ng hindi tumitingin sa mukha niya.
Yumuko ako tanda ng paggalang “Mahal na Prinsipe ano pong ginagawa mo po dito sa labas?, malapit na po mag gabi “ sabi ko ng hindi parin tumitingin sa kanya.
Ilang segundo siyang nanahimik ng magsalita siya “Nawawala ka… sa tingin mo tutunganga lang ako sa palasiyo habang ikaw hindi pa nakikita magmula kanina! “
Nagulat ako ng tumaas ang kanyang boses kaya napatingin ako sa kanya na dapat hindi ko ginawa.
Hindi makakatakas sakin ang luhang pumatak mula sa kanyang mga mata at ang tingin niya na parang nasasaktan.. Pero bakit?
Ayokong isipin ang mga ibig sabihin sa mga ginagawa niya, ayokong mag assume dahil masasaktan lang ako, ayokong sa huli magsisi ako..
Pero sa nakikita ko ngayon hindi ko kayang makita siyang nagkakaganyan. Lalong hindi ko kakayaning mapalayo sa kanya..
Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat “S-sinaktan ka ba nila?. May masakit ba sayo? “ sambit niya habang sinusuri ako kung may sugat ako, napatigil pa siya ng makita niya ang may mantsa ng dugo ang tuhod ko.
Nakatingin lang ako sa ginagawa niya, sa totoo lang natutuwa ako dahil ganito siya makitungo sa akin. Dahil dun mas lalo ko siyang nagugustuhan.
Hindi ko namalayang may luhang lumabas sa mga mata ko, marahan niyang pinunasan iyon gamit ang mga kamay niya.
Kahit ngayon lang…
Isang ngiti ang binigay ko sa kanya,” Tara na mahal na Prinsipe—este prinsipe Kiel bumalik na tayo sa palasiyo” wika ko habang nakangiti, pansin kong nagulat siya sa inasta ko pero kalaunan hinawakan niya ang kamay ko saka tinulungan sumakay ng kabayo.
Gabi na ng makarating kami ng palasiyo, hindi ko alam pero simula kanina hindi niya ko inaalis sa kanyang paningin kahit kanina nagpaalam lang akong kakain hindi siya nagdalawang isip na samahan ako, pinagtawanan ko siya at sinabing kaya kong kumain mag isa pero ang tanging sinabi niya lang madilim, mabuti na lang at tulog na karamihan sa mga katulong—
Bigla kong naalala ang sinabi ng isa sa kumuha sakin kanina, may espiya dito sa palasiyo pero sino?.. Kelangan kong magdoble ingat.
Napatingin ako sa Prinispe na mahimbing na natutulog sa tapat ko, dahan dahan akong tumayo saka lumapit sa kanya,natutulala ako sa itsura niya ngayon, umupo ako sa tabi niya habang hindi inaalis sa ang tingin sa kanya, napangiti na lamang ako.
Lumikot siya ng konti “Dito ka lang sa tabi ko…… Rose.. “
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.