“Kelangan ba talaga ganito suot ko? “wika ko sa sarili, nakatingin ako sa salamin.. Hindi naman sa ayaw ko sa ayos ko ang totoo niyan ngayon lang ako nakasuot ng ganito kagandang damit, yung damit na para kang si cinderella, mahabang damit may matingkad na kulay asul simple lang pero para sakin napakaganda na, nakalugay ang buhok ko na may ipit sa gilid na ginto ang kulay na may design na bulaklak.
“Ako ba talaga to? “di makapaniwalang sambit ko sa sarili.
“Napakaganda mo binibini, sigurado na matutuwa ang Prinsipe pag nakita ka niya” wika ng isang katulong na si Jene na tumulong ayusan ako, hindi nila alam na isa lang akong katulong gaya nila.. Hindi ko alam kung bakit hindi pinaalam ng Prinsipe yan tuloy kelangan ko pang sumama sa pagdiriwang.
Tok! Tok! Tok!
Bumukas ang pinto, isang katulong ang bumungad, “Hinihintay kana ng Prinsipe binibini” sabi nito, umalis din to agad pagkasabi nun, inalalayan ako ni Jena palabas ng kwarto, nakilala ko si Jena nung lumabas ako para libutin ang palasiyo pagkatapos ng pag uusap namin ng Prinsipe, mabait siya at napakagiliw niyang tao kaya magaan na ang loob ko sa kanya kahit sa unang pagkikita namin, maganda rin siya at napakaputi, mahirap lang ang pamilya niya kaya namasukan siyang katulong dito.
Ang ganda niya para maging katulong lang.
Naikwento niya din sakin na kamuntikan na din siyang pagsamantalahan, mabuti na lang daw at nakilala niya si Prinsipe Sefano, sa una hindi niya alam na isa tong Prinsipe hanggang sa dito nga siya mapasok sa palasiyo para maging kasambahay.. Sa una talagang nagulat niya dahil unang una may paghanga siya sa Prinsipe pero ng malaman niyang isa tong Prinsipe medyo pinanghinaan siya ng loob dahil malayo ang buhay niya dito, mahirap siya at isang Prinsipe ang nagugustuhan niya.
Para ngang katulad niya ko.. Pero ako totoong tao siya…
“Hayy.. “ isang buntong hininga ang pinakawakan ko.. Para kasing may nararamdaman na ako para sa Prinsipe.. Hindi ko lang pinapahalata kasi ako lang din naman ang masasaktan sa huli, alam ko na balang araw mawawala ako sa mundong to para bumalik sa tunay kong mundo..kaya habang maaga pa pinipigilan ko na ang sarili ko.
Sa ngayon hindi ko alam kung anong iniisip ngayon ng Prinsipe sa mga sinabi ko. Sa tingin ko hindi siya makapaniwala na isa lamang silang likhang gawa gawa ng isang tao sa mundo ko.
“Ayun na po ang Prinsipe binibini” sambit ni Jena, napatingin ako sa tinuro niya.. Kita ko ang Prinsipe na nakatalikod sakin habang may kausap na isang lalake na sa tingin ko isang opisyal dito sa palasiyo.
Nakatigil lang ako habang nakatingin sa kanya, yung kulay ng damit niya kakulay ng sakin pero may puti sa kanyang balikat at para talaga siyang prinsipe.. Prinsipe nga pala talaga.
“Sige na po lumapit kana sa kanya” wika ni Jena, nakangiti siya sakin, isang buntong hininga muli ang pinakawalan ko bago tuyang lumapit sa kanila, napansin ako ng kausap niya kaya napatingin din siya sakin.
Ramdam ko ang kaba ko habang palapit sa kanya,bahagya akong ngumiti para hindi mahalatang kabado ako.
Grabe ang kaba ko lalo na sa mga tingin niya sakin ngayon, hindi ko alam kung ano reaksiyon niya dahil serysoso lang ang tingin niya hindi ko mabasa..
Kalma lang Rose..
Nakalapit na ko sa kanila, nilihis ko ang tingin ko sa kausap niya, “Ako nga po pala si Rose kinagagalak ko po kayong makilala.. “sambit ko, nilahad ko ang kamay ko para makipagkamay sa kanya. todo ngiti naman ang lalakeng nasa harap ko at malugod na tinanggap ang kamay ko.
“Napakaganda mo binibini.. Ako nga pala si Roland ang nag ayos ng pagdirinwang”sabi nito, napansin kong hindi niya pa binibitawan ang kamay ko ng may kamay na humila sa kamay ko.
Inakbayan niya ko”Kasama ko siya kaya aalis na kami” sambit nito, hindi pa nakakapagsalita si Roland ng hilahin na niya ko papasok sa isang pinto.
Pagpasok palang namin sa pinto, napatakip na ko ng mata sa sobrang liwanag ng mga ilaw na nasa loob, ng maka adjust na ang mata ko dahan dahan kong inalis ang kamay ko.
“A-ang ganda.. “sambit ko namg bumungad sakin ang napakagandang mga chandelier na nakasabit sa kisame at ang buong venue napakaganda, ang daming mga taong ang gagara ng kasuotan parang isang fairytale na puro prinsesa at prinsipe ang mga tao.
Na conscious tuloy ako sa itsura ko
“You look gorgeous.. “
Napatingin ako sa Prinsipe, ang ganda pala ng accent niya pag nag english, diretsiyo siyang nakatingin sakin pero ng tignan ko siya bigla niyang nilihis ang kanyang tingin.
Napangiti ako sa sinabi niya “Salamat” sabi ko. Pakiramdam ko namumula ang mukha ko . Oo na alam kong kahit anong pigil ko hindi ko maiwasang kiligin sa mga ginagawa niya.
Kahit ito lang.. Maging masaya kahit minsan lang. Kahit alam kong walang patutunguhan..
Lahat ng madadaanan namin napapalingon siguro dahil Prinsipe ang kasama ko hindi ko maipagkakailang ang kasama ako ang nakakaangat sa lahat ng lalakeng nandito o siguro para sakin. Nakakaramdam din ako ng hiya dahil sa mga tingin nila sakin para kasing hindi nila gustong kasama ko ang Prinsipe lalo na sa mga tingin ng kababaihan.
Nakapwesto kami sa bandang likod kaya medyo nakahinga ako ng maluwag dahil hindi masiyadong pansinin ang pwesto namin.
Napatingin kami sa harap ng may musika kaming narinig isang grand entrance ni Prinsipe Sefano ang nagaganap ngayon, magandang musika ang pinatutugtog habang nakaupo ang Prinsipe sa harap ng nakangiti sa aming lahat.
Natapos ang tugtog ng may confetting pinasabog at mga lobong bumagsak mula sa taas. Maganda at napaka engrande.. nagpalakpakan kaming lahat sa nasaksihan tumayo si Prinsipe Sefano sa kanyang inuupuan ngumiti saming lahat.
“Masaya akong nandito kayong lahat enjoy!! “sabi nito kasabay ng palakpakan ng lahat.
Tahimik lang akong kumakain habang pinagmamasdan ang mga tao, sa totoo lang na out of place ako dahil hindi naman talaga ako mahilig umatend sa mga ganitong kasiyahan, hindi naman kasi ako pala labas ng bahay dun sa mundo ko.
Hindi ko kasama ang Prinsipe dahil may mga gustong kumausap sa kanya kaya talagang mag isa lang ako.
“Hayyy nakakaboring naman dito asan ba si Jena”sambit ko. Parang may light bulb na lumitaw sa ibabaw ng ulo ko sa naisip. Luminga linga ako sa paligid, lahat sila busy sa pag uusap wala naman sigurong makakapansin na umalis ako.
Tahimik akong lumabas sa venue nakahinga ako ng maluwag. “Hooo nakaalis din. “ pinunasan ko ang konting pawis na namuo sa noo ko.
Tinignan ko ang buong paligid, “Ang lawak ng lugar na to.. Wag lang sana ako maligaw” sambit ko.nagsimula na kong maglakad lakad balak ko hanapin si Jena dahil siya lang ang nakakausap ko dito.
Lakad lang ako ng lakad marami na din akong nakikitang mga katulong na busy sa paglilinis ng mga nakadisplay sa palasiyo..
“Tulong! “
Napadaan ako sa bandang likuran ng makarinig ako ng sigaw ng isang babae.
“Parang boses ni Jena—
Agad akong lumapit sa pinto saka dahan dahan binuksan. Puro puno at damo na ang nakita ko pagbukas ko ng pinto kita ko din ang mga nakasampay na mga punda—
“Wag ka ng pumalag kung ayaw mong masaktan”
Lumapit ako sa pinanggalingan ng boses, nanlaki ang mata ko na makita kong si Jena nga yon, nakaupo siya at umiiyak sa harap ng isang lalake, naghanap agad ako ng maaari kong ipalo sa kanya. Nakakita ako ng isang kahoy na malapit sa pwesto ko agad kong kinuha ito saka muling tumingin sa lalake.
Hinawakan niya sa balikat sa Jena kaya lalo siyang napaiyak.. napahigpit ang kapit ko sa kahoy na hawak hawak ko ramdam ko ang kaba sa dibdib ko habang palapit sa kanila.
“Bitawan mo siya!!! “ papalingon palang sakin ang lalake ng agad na siyang mawalan ng malay ng hampasin ko siya sa ulo.
Agad akong lumapit kay Jena hinawakan ko siya sa balikat, “Andito ako Jena” sambit ko agad niya kong niyakap habang umiiyak.
“Tahan na Jena.. “ wika ko habang hinahagod ang likod niya, napatingin ako sa lupa ng mapansing may dugo sinundan ko ang pinanggalingan ng dugo. Nabitawan ko ang kahoy na hawak ko.
“J-Jena m-may dugo… “
Nakatulala lang ako sa dugo ng may hilahin ako ni Jena patayo, “Binibini mas mabuting umalis na tayo dito”sambit nito pero hindi ko maialis ang paningin ko sa taong nakahandusay sa harap ko
“H-hindi pa naman siya p-patay d-diba? “ wika ko nanginginig ang kamay ko, hinawakan ni Jena ang kamay ko saka ako pilit hilahin paalis ng lugar na yon.
Nakarating kami sa malawak at tahimik na lugar ng hinid ko namamalayan sa sobrang pag iisip ko sa nangyari, hinawakan ni Jena ang balikat ko tumingin siya sakin ng diretso sa mata, “Binibini wala kang kasalanan sa nangyari ipinagtanggol mo lamang ako na ipinagpapasalamat ko”sambit niya, napalunok ako bumuntong hininga saka tumango sa kanya.
“Rose!..”
Napalingon ako sa pamilyar na boses, kita ko ang pag aalala sa kanya(o nag aasume lang ako) ,nakatingin lang ako sa kanya tila napako ang paa ko sa sahig habang pinagmamasdan siya, mabilis siyang tumakbo palapit sakin.
“Prinispe---
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng yakapin niya ko ng mahigpit, mas lalong gumaan ang pakiramdan ko sa ginawa niya tila nawala ang takot ko sa yakap niya.
“Bigla kang nawala sa paningin ko.. Akala ko may masamang nangyari sayo.. “ sabi niya habang hindi parin bumibitaw sa yakap niya ramdam ko rin ang paghaplos niya sa buhok ko.
Ilang sandali pa kaming nasa ganoong posisiyon ng malala ko si Jena ”Umm mahal na Prinsipe..may kasama ako”sambit ko, kumalas naman siya pero nailang ako dahil sa mga tingin niya.. Hindi naman kasi ako sanay sa inaakto niya ngayon.
Tumingin ako kung san si Jena kanina pero wala na siya. “Nandito lang siya---
“Nagpaalam siya kanina”napatingin ako sa kanya, nakita ko siyang tila nahihiya sa ginawa niya kanina pansin kong namumula pa ang tenga niya kaya napangiti ako.
“Tara na” sambit ko nauna na kong maglakad ramdam ko ang pagsunod niya sakin, naiilang ako kaya tumigil ako at hinarap siya, “Mauna kana mahal na Prinsipe “sabi ko sinenyas ko pa ang kamay ko, lumakad siya pero nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay ko saka ako hinila sa paglalakad.
May nakain ba siya?...
Naglalakad lang kami biglang magsalita ang Prinsipe “B-bukas maari mo ba akong samahan? “ napatingin ako sa kanya, nagtataka ako sa mga ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw napapansin ko kasing palasalita na siya.
Napangiti na lang ako “Sige mahal-Prinsipe Kiel”sabi ko, nakita ko pa siyang napangiti pero agad niya ring binura ng mapansing nakatingin parin ako sa kanya
Malapit na kami sa pinto ng may lumapit samin na dalawang kawal ng palasiyo, nakaramdam ako ng kaba ng mapatingin ang isa sakin.
“Kailangan pong sumama samin ni Binibini, Prinsipe Mondres “sambit nito
Naramdaman kong humigpit ang hawak sakin ng Prinsipe,napatingin ako sa kanya at seryoso siyang nakatingin sa kanila. “Hindi niyo siya maaring kunin sakin”May halong inis na sambit niya.
Napaatras ang isa sa takot ramdam niya sigurong hindi maganda ang tono ng Prinsipe. Yumuko sila pareho at nagsalita ang isa “May nakakita sa kanyang lumabas sa lugar kung san natagpuan namin ang bangkay ng isa sa mga opisyal. “
Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ng kawal, malaking ebidensiya iyon laban sakin kaya alam kong kahit tumanggi ako may makakapagturo parin na ako ang nakita nila. Hindi ako maaring magsinungaling gayong may nakakita sakin.
Napatingin sakin ang Prinsipe, kahit natatakot tumango ako sa kanya na may kaunting ngiti dahan dahan kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko, humakbang ako palapit sa dalawang kawal.
“Sasama ako.. “sabi ko.. Humarap muli ako sa Prinsipe na hanggang ngayon hindi parin makapaniwala sa nangyayari, “Ingatan mo po ang sarili mo”sabi ko paalis na kami ng pigilan niya ako sa kamay.
Bigla niya kong hinila palapit sa kanya saka niyakap
“Hindi kita pababayaan….. ”
BINABASA MO ANG
The Mondres Prince
FantasyAnong gagawin mo kapag napunta ka sa ibang mundo? Mundo kung saan nabasa mo lamang sa isang libro. At kung saan makikilala ang taong nakatadhana para sayo.