Chapter 2

0 0 0
                                    



Ding!Ding!Ding!

Argh! Ang sakit sa tenga..

"Rose gising na!naku patay tayo pag nahuli tayo" naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko.

"Hmm sino ka ba?" sambit ko habang nakapikit parin at pinipilit na matulog ulit.


Wait.. Alarm clock?  Wala ako nun..

Unti Unti akong minulat ang mata ko, Sa pagmulat ng mata ko ibang kulay ng kisame ang nakikita ko. Napabangon ako sa at nilibot ang paningin sa buong kwarto.

Teka? Nasan ako? Hindi ito ang kwarto ko.

"hay salamat gising kana.. Bilisan mo magbihis kana at marami tayong gagawin." napalingon ako sa babaeng nagaayos ng kanyang damit. Yung damit niya parang dress na mahaba at parang pang isang maid.

Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. "Teka sino ka? At bakit ganyan ang suot mo? Nasan ako?" sunud sunod kong tanong.,

Nagtataka naman siyang napatingin sakin."Ikaw talaga Rose kung ano ano siguro na naman ang binabasa mo." nakangiti siyang nakatingin sakin at may kinuha sa kabinet na malapit sa pwesto ko. Isang damit na kaparehas ng sa kanya ang inabot niya sakin. "Oh suotin mo at baka pagalitan tayo ni madam" wika niya saka lumabas ng pinto.

Nagtataka man sinunod ko na lang ang sinabi niya. Ng maisuot ko na yung damit napatingin ako sa binatana, "Wow ang ganda" isang napakagandang Hardin ang nakikita ko.

Pero..... Nasan ba ko?

Lumabas ako ng pinto at nagulat ako sa nakikita ko, mga nagmamadaling mga babaeng may kaparehas sa suot ko at sa babae kanina.

"Rose anong tinutunganga mo diyan?! Kumilos kana!" napalingon ako sa babaeng nasa di kalayuan sakin, ang Sama ng tingin niya, naramdaman ko naman ang paghila sakin kaya napalingon ako kung sino ito.

"Sabi ko sayo Bilisan mo nakita ka niya tuloy." yung babae kanina ang may hawak sakin, dinala niya ko sa kusina at binigyan ng tray at pinatungan niya ng mga pagkain na ikinagutom ko. "Dalin mo yan sa kwarto ng prinsipe" wika niya na ikinagulat ko.

"teka anong lugar ba to? at tsaka prinsipe?" takang tanong ko.

Tumingin siya sakin at hinawakan ang dalawang balikat ko. "Hay naku Rose pa salamat ka kaibigan kita kundi babatukan kita.. Nasa palasiyo tayo ngayon at yang pagkain nayan kelangan mong dalin sa kwarto ni prinsipe Mondres dahil nagugutom na yun. At ikaw ang magdadala dahil sumakit ang tiyan ng taga dala niya" tinulak niya ko ng dahan dahan palabas ng kusina. "At kung nakalimutan mo din ang kwarto niya diretso ka lang tas kakanan ka tapos diretsuhin mo lang din at pag may nakita kang kulay ginto ang kulay yun na ang kwarto niya. Paalala lang kumatok ka muna tas tahimik mong ilapag ang pagkain niya." sambit niya. Umalis na siya at ako naman ginawa ang sinabi niya.

Kung ganun napunta ako sa librong binabasa ko?... Pano nangyari yun?

Natatanaw ko na ang pinto na tinutukoy niya, namangha ako sa nakikita ko." Totoong ginto ba to? " sabi ko, Tinapat ko ang tenga ko sa pinto. Tahimik sa loob, kumatok ako saka dahan dahan binuksan ang pinto. Di naman kalayuan ang lamesa niya kaya nilapag ko na ang pagkain niya.

"Ano pang ginagawa mo dito?" nagtayuan ang mga balahibo ko ng may magsalita sa likod ko. Ramdam ko ang otoridad sa tono ng boses niya, napakalamig pakinggan.

Naalala ko nabasa ko sa libro na hindi na maaring tumingin sa prinsipe pag kinakausap siya. "Patawad po  mahal na prinsipe, aalis na po ako" sabi ko habang nakatalikod at dahan dahan lumapit sa pinto.

"Sandali." lalong lumakas ang kabog ng puso ko ng magsalita ulit siya, Ramdam ko ang paglapit niya. 

"Ay kabute!" napasigaw ako sa gulat ng may biglang may telang sumampay sa ulo ko.

"Itapon mo na" rinig ko ang pag upo niya sa upuan. Sa tingin ko kakain siya kaya napag pasyahan kong lumabas. Pagsara ko ng pinto saka lang ako nakahinga ng maluwag. Napatingin naman ako sa telang hawak ko. Inamoy ko ito, "Hindi naman mabaho"

Umalis na ko at bumalik sa kusina. Pagdating ko dun ang daming gawain ang tumambad sakin, naghugas ng pinggan, naglaba at nagsampay. Gabi ng makabalik kami ni Kate sa kwarto namin. Nakaupo lang ako sa kama ng mapansin ko si Kate na kanina pa nakatingin sakin. Lumapit siya sakin tinbihan niya ko sa kama.

"Rose ano ba talagang nangyayaari sayo? Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili, nakalimutan mo ang mga pangalan namin.. Maging ang pangalan ko nakalimutan mo." wika niya.

Napabuntong hininga ako. "Kate hindi ko alam kung maniniwala ka.. Pero ang totoo niyan taga ibang mundo ako." sambit ko sa kanya. Diretso lang ang tingin ko sa mata niya.

"Hayy... Pagod kana siguro. Magpahinga kana.." sabi niya tumayo siya at pinatay ang ilaw saka bumalik sa kama niya saka humiga.

Humiga na rin ako at sinubukan matulog, pero makailang oras na at hindi parin ako makatulog, napatingin ako kay Kate na mahimbing na natutulog. Dahan Dahan akong bumangon at lumapit sa bintana. Nakakamangha dahil kahit madilim ay napakagandang tignan ng buonng Hardin.

"Wala naman sigurong masama kung lalabas saglit" kinuha ko ang kumot at binalot sa katawan ko, malamig ang hangin sa labas. Tahimik ang buong palasiyo ng dumaan ako.

"Wow... Mas maganda pala sa malapitan" umupo ako sa may damuhan at pinagmasdan ang buong paligid, napakagandan at ang bango ng hangin dahil siguro sa mga bulaklak. Ang liwanag ng buwan. Napalingon ako sa di kalayuan, napansin ko ang isang tao, nakabalot din siya ng kumot at sa tingin ko lalake siya dahil sa tangkad niya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya napakaseryoso niya habang nakatingin sa kalangitan.

"Hindi ka rin makatulog?.." napatingin siya sakin at alam kong nagulat siya sa biglang pag sulpot ko pero tahimik lang siyang nakatingin sa langit.

Tumingin muli ako sa Hardin. "Kahanga hanga ang ganda ng Hardin na to, ngayon lang ako nakakita ng ganito kadaming bulaklak at ang bango ng amoy ng hangin." sabi ko pero tahimik parin siya.

"Ano pa lang pangalan mo, pasensiya na kung tinatanong ko kasi ang totoo niyan..." napatigil ako sa sabihin ko ng maalala ko ang naging reaksiyon ni Kate.

"Ah haha hindi bale na lang... Magkikita rin naman tayo dahil magkatrabaho lang tayo"sabi ko, napahikab naman ako." Sige mukang makakatulong na ko see you tomorrow. " wika ko. Naglakad na ko pabalik sa kwarto ng mapatakip ako ng bibig  sa na realize ko.

Dahan dahan kong sinilip yung lalake, pero wala na siya ng tumingin ako. Patay! Hindi naman niya siguro narinig yung sinabi ko?.. Argh! Nagsalita ako ng English na hindi dapat sinasabi lalo na ng isang katulong.

Pinagbabawal kasing mag aral ng English ang mga mababang tao. At kapag nalaman ng iba ay kulong ang kapalit.

Nakapasok na ko sa kwarto saka humiga sa kama, kinuha ko ang isang unan at niyakap, naphikab muli ako  pinikit ko ang mata ko at tuluyan na kong nilamon ng antok.


The Mondres PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon