Chapter 28

0 0 0
                                    

Nagtatago ako sa dingding habang nakasilip sa pinto palabas ng building, iniiwasan kong may makasalubong dahil simula kanina, pagkalabas ko ng room kakaiba na ng tingin ng mga babae sakin.

“Anong ginagawa mo? “

“Ay kabayo ka! “ napahawak ako sa dibdib ko sa gulat, isa pa to! Ayoko siyang makita pero bigla bigla na lang sumusulpot!

“Ah-Sir ikaw po pala”napakamot ako sa ulo, “Ahh sige po aalis na po ako” lalakad na sana akong hilahin niya ko patago sa dingding, isinandal niya ko sa pader at ngayon magkaharap kami. Ano ba to!

Nakatanaw siya sa palabas ng building, “Are you hiding from him? “ nakatanaw parin siya sa labas. Tsk. Ikaw kaya gusto kong pagtaguan!

Sinilip ko ang sinisilip niya at nakita ko si Ethan na nag aabang sa pinto. Isa rin tong weird. Hayy..

Naalala kong may kasama pala ako napatingin ako sa kanya.

Dub! Dub! Dub!

Naitulak ko siya ng wala sa oras, narinig ko pa ang pag ungol niya dahil sa pagbagsak niya sa sahig.

Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at dire diretsong lumakad palabas. Mabuti na lang at wala na si Ethan sa pwesto niya kanina. Napahawak ako sa pisngi ko dahil pakiramdam ko namumula ang mukha ko.

B-bakit siya nakatitig sakin ng ganun? Bakit parang siya yun?

Nagmamadali akong maglakad pauwe ng apartment. Marami akong nakakasalubong pero hindi ko na sila nagawang mapansin.

Natanaw ko na ang apartment namin ng may bike na sumulpot sa gilid ko, napapikit ako ng akala ko babangga sakin ng may humila sakin, napayakap ako sa taong humila sakin na agad kong inilayo ang aking sarili sa kanya.

Tila nagulat siya sa naging reaksiyon ko. “Sorry Sir” tinalikuran ko siya saka iniwan.

“Wait! “

Mabilis akong lumakad palapit sa pinto ng apartment ko ng marinig ko boses niya. Tinignan ko lang siya habang papalapit sa pwesto ko. Sa mga oras na to napakalakas na ng kabog ng dibdib ko.

Umiiwas na nga ako pero bakit… hayy..

Inalis ko sa isipan ko ang mga naiisip ko ng makalapit siya. “Gusto ko lang itanong kung----

Kring!kring!kring!

Nakahinga ako ng maluwag ng may tumawag sa kanya, kinuha niya sa bulsa ang phone niya at tinapat sa tenga, “Hello? “ tumalikod siya kaya agad akong pumasok sa loob.

Pagkalapag ko ng bag sa sahig dumiretso ako sa kama saka humiga, “Aahh ang sarap talaga pag nasa kama.. “ kinuha ko ang unan saka ito niyakap, ang lambot ang sarap matulog.pinikit ko ang mga mata at hindi ko na namalayan na nakatulog ako.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong kumulo ang tiyan ko. Napatingin ako sa orasan sa dingding, “Alisingko na pala ng madaling araw” nag unat unat ako saka bumangon, naghilamos na ko at nag asikaso sa pagpasok, naisipan kong dumaan sa convineint store para doon mag almusal.

Bumili ako ng noodles at tubig saka umupo sa tabi ng bintana, masiyado pang maaga kaya pwede kong tagalan kumain. Nilagay ko ang earphone sa tenga ko saka nagpatugtog.

Pagkatapos kong kumain naisipan kong magpunta sa pinakamalapit na playground, umupo ako sa gitna ng duyan at tinanaw ang mga taong naglalakad lakad.

Natanaw ko ang isang babae nakatayo sa di kalayuan na tila may hinihintay dahil panay tingin sa cellphone, hanggang balikat ang buhok na itim na itim, maputi din siya at pansin ang payat niyang katawan,napapatingin pa ang mga taong napapadaan sa kanya.

“Ang ganda naman niya, babaeng babae tignan”

Nakita kong may kinawayan siya sa di kalayuan, may punong nakaharang sa harap ko kay hindi ko makita kung sino ang katagpo niya.

Boyfriend niya siguro..

Hindi ko alam kung bakit hindi ko maialis ang tingin ko sa babae ng mas makita ko na kung sino ang katagpo niya. Nakangiti ito sa kanya habang papalapit. Niyakap bigla nung babae yung taong katagpo niya saka sila sabay na lumakad palayo.

Napahawak ako sa dibdib ko ng kumirot ito, natawa ako sa sarili ko dahil eto na naman ako..

“Haha hindi nga siya yun.. Imposible dahil may iba na siya, mas maganda”pinunasan ko ang luha ko, “Para ka namang timang Rose! “ para akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Inayos ko muna ang sarili ko saka tumayo at umalis.


The Mondres PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon