Chapter 7

0 0 0
                                    



O my god..

Basang basa na siya ng pawis niya, “Mahal na prinsipe kelangan mong magpalit ng damit, basang basa kana ng pawis” wika ko, kinuha ko siya ng pamalit saka nilapag sa kama niya.

“Nasa kama mo na po ang pamalit mo, tatalikod ako para makapagpalit ka” sabi ko saka tumalikod.

Pinakiramdaman ko siya kung gagalaw siya, narinig ko naman ang pagkilos niya kaya nakahinga ako ng maluwag.

“Tapos na?” tanong ko, isang ungol lang ang narinig ko kaya dahan dahan akong humarap sa kanya. Nakahiga na ulit siya sa kama, pansin ko na hindi maayos ang pagkakasuot ng damit niya kaya lumapit ako para ayusin, dahan dahan ko lang inayos ng mapatingin ako sa prinsipe.

Napalayo ako ng konti ng makita kong nakatingin siya, “Ah- ano i-inayos ko lang yung damit mo” sabi ko, nakatingin parin siya hindi ko alam kung anong iniisip niya ng pumikit na ulit siya kaya nakahinga ulit ako.

Umupo ako sa upuan saka sinimulan punasan ang kamay niya at paa ng basang bimpo, kumuha ulit ako ng isa pang bimpo at binasa gamit ang maligamgam at saka pinunasan ang noo niya,iniwan ko ang bimpo sa noo niya.

“Lily…”

Mahina pero malinaw kong narinig ang pangalang binanggit niya, isang luha ang lumabas sa mata niya, Umiiyak siya.

Pinunasan ko lang ang mga luha niya, nagulat na lang ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya unti unti na siyang kumalma saka mahimbing na natulog.

“Hanggang ngayon nasasaktan ka parin..” bulong ko.

Nanatili lang ako sa silid ng Prinsipe, kumuha ako ng maliit na upuan saka nilagay sa tabi ng kama niya, pinagmasdan ko lang siyang matulog, hanggang sa hindi ko rin namalayan na nakatulog ako.

Nagising na lang ako kinaumagahan sa kama ko. “Huh? Ang natatandaan ko nasa silid ako ng Prinsipe ng makatulog ako. Pano ako napunta sa kama ko? “ pagtataka ko, napatingin pa ako sa pwesto ni kate na hanggang ngayon tulog parin.

“Mahal na prinsipe nakahanda na po ang iyong susuotin” sambit ko, nagbabasa siya ng libro at mukang okay na siya. Tumayo na siya at dumiretso sa kanyang paliguan, habang naliligo siya sinimulan ko ng ayusin ang kanyang kama, ngayong araw ay magaganap na pagdiriwang para sa mga magulang ng prinsipe.

Ilang linggo na rin ako simula ng maging personal niyang katulong, hindi ko alam pero nanahimik ang nakakaalam na alam ko ang tunay na mukha ng prinsipe, hindi ko rin alam kung ano ang balak ng prinsipe sakin,hindi naman niya na ko pinapahirapan sa totoo lang kakaunti na lang ang ginagawa ko kaya minsan nagpapaalam ako sa kanya kung maaari akong tumulong sa iba pero ayaw niya. Hinayaan niya rin akong makita ang mukha niya dahil nakita ko na din naman.

Narinig ko ng bumukas ang pinto ng paliguan niya kaya tumalikod ako, ramdam ko naman na nagbibihis na siya, “Samahan mo ako mamaya”sambit niya kaya napatingin ako sa kanya.

“Po? --- Ay jusko!” napatalikod ako bigla sa nakita ko, wala pa siyang pang itaas.. Omo! Ang ganda ng katawan niya! Rose hindi pwede!

Nasapok ko ang noo ko sa naiisip ko ano bang nangyayari sakin!

“Patawad po—

“ Tara na.. “ nasa pinto na siya ng lumingon ako sa kanya, sumunod lang ako sa kanya.

Nakatingin lang ako sa likod niya habang naglalakad, kitang kita ang ganda ng katawan niya kahit nakatikod, ang manly tignan kahit ang paglalakad niya at kahit may suot siyang maskara makikita rin ang aking kagwapuhan niya, talagang bagay sa kanya ang maging prinsipe.

“Aray…” daing ko habang hawak ang ilong ko, hindi ko namalayan na tumigil siya sa paglalakad.

“Mahal na-----

“Lily..”

Hawak ko parin ang ilong ko ng marinig ko ang sinabi ng prinsipe, sinilip ko ang tinitignan niya sa di kalayuan, isang babae ang may itim na itim ang buhok maputing kutis at napakagandang babae ang nakikita ko sa malayo, nakangiti siya habang nakaangkla ang kamay sa braso ng isang lalake na hindi rin maitatanggi ang angking kagwapuhan habang nakikipagusap sa isang hindi ko kilala pero makikita mong isa to sa opisyal sa palasiyo.

Napatingin muli ako sa prinsipe, kita ko kahit may suot siyang maskara nakatulala habang nakatingin sa dalawang taong masayang nakikipag usap.

Nakaramdam ako ng awa. “Prinsipe..” tawag ko sa kanya, napatingin siya sakin at nakita ko ng ilang segundo ang lungkot sa mata niya pero agad niya itong binago ng mapansing nakatingin ako sa kanya.

Lumakad na kami papunta kung saan gaganapin ang pagdiriwang, pagdating palang ng Prinsipe marami na agad ang lumapit sa kanya kaya lumayo na ko at tumayo sa di kalayuan, maayos naman ang pinausot sakin ng Prinsipe pero isa parin akong katulong kaya nanatili ako sa tabi dahil hindi ko rin naman alam kung paano ako makikitungo sa mga taong nandito at masiyado silang mataas kung ikukumpara sakin.

Napatingin ako sa Prinsipe habang nakikipag usap sa iba, “Ngumingiti pala ang isang to..” sambit ko ng makitang ngumingiti sa kausap niya.

Luminga linga ako sa paligid, napakaraming tao ang nandito, lahat sila magagara ang suot, naisipan kong kumuha ng makakain habang nakatayo ako, lumapit ako sa maraming pagkain na nakahain, napanganga ako dahil lahat ng nakahain mukang masasarap.

“Sayang hindi ko kasama si Kate dito..” sabi ko habang kumukuha ng pagkain, nagawi rin ako sa mga dessert nakakahiya man pero dinamihan ko talaga ang kuha ko habang wala pang kumuha dito busy pa sila sa pakikipag usap.

Humanap ako ng mesa at nakita kong meron sa isang sulok kaya dun na ko dumiretso habang wala pang nakakapansin sakin.nakapwesto na ko ng sinimulan ko ng kumain, pinagmamasdan ko lang sila habang kumakain ako ng biglang makita ko ang dalawang tao na tinitignan ng Prinsipe kanina.

Yung babae.. Hindi kaya siya yung babaeng nang iwan sa Prinsipe? Iba kasi ang tingin sa kanya ng prinsipe kanina.

Napakaganda niya at pansin ko na lahat ng tao napapatingin sa kanya lalo na ang mga kalalakihan, ang mga babae naman mukang kinikilig sa lalakeng kasama nito.

Di hamak na mas gwapo parin ang prinsipe..

Natampal ko ang pisngi ko sa naisip ko, hinanap ng mata ko ang prinsipe, nakita kong may kausap pa rin ito at hindi napansin ang dalawang taong papalapit sa kanila.

Magiging okay lang naman siya diba?

Binati nila ang prinsipe ng makalapit sila, maging ang kausap ng prinsipe ay napatingin sa dalawa yumuko siya sa lalake bilang pag galang, napatingin din ang prinsipe sa kanila, binati niya to pero pansin ko ang pagtigil ng tingin niya sa babae

Ngumiti ang lalake sa kanya, pinagmamasdan ko lang ang ginagawa ng prinsipe.

“Ready na ba? Kelangan lang natin ilagay sa iinumin ng prinsipe”

Napalingon ako sa nagsalita, dalawang lalake ngayon ang papalapit sa prinsipe, yung isa may hawak na inumin.

Teka balak ba nilang…

Binitawan ko ang pagkain saka nagmamadaling lumapit sa pwesto ng prinsipe.

Lalasunin nila ang prinsipe!

Malapit na ko sa kanila ng makita kong kunin ng prinsipe ang inumin na inabot sa kanya.

“Mahal na prinsipe!” sigaw ko, malapit na ko sa kanya ng aktong iinumin niya ang may lason, napatingin sakin ang prinsipe maski ang ibang tao dahil sa pagsigaw ko.

Huminga ako ng maluwag saka lumapit at kunin ang inumin sa kamay niya saka ininum ng diretso. “Heheh nauuhaw ako mahal na prinsipe” sambit ko, hindi ko alam kung bakit ko yon ginawa ng inumin ko ang inumin na para sa  Prinsipe.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo binibini?” napatingin ako sa lalakeng kasama nung may hawak lason.

“Isang kabastusan ang ginawa mong pang aagaw ng inumin lalo na’t para yon sa prinsipe” sabi naman nung isa.

Tinignan ko sila ng masama, “Hindi ko alam kung anong balak niyo pero narinig ko ang pinag uusapan niyong dalawa at sa tingin ko balak niyong lasunin ang mahal na Prinsipe!” duro ko sa kanila

Natahimik naman silang dalawa sa sinabi ko, may mga lumapit na kawal sa amin at hinawakan silang dalawa.

Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Hindi ko na din maintindihan ang mga sinsabi nila,kita kong nagpupumiglas ang dalawa habang hinihila sila ng mga kawal, nagdodoble narin ang paningin ko at inaantok na rin ako.

Isang pares ng kamay ang humawak sa balikat ko saka ko hinarap sa kanya, sa mga mata lang niya ko nakatingin, “Napakaganda talaga ng mga mata mo” hindi ko alam kung nasabi ko ba ng maayos yun hanggang sa mawalan na ko ng malay.

The Mondres PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon