1

49 6 0
                                    

one: this year

"YOU SHOULD'VE TOLD ME NA HINDI KA MAKAKAPUNTA KAHAPON." Umagang umaga, nagsasagutan kami ni Markus, ngayon lang siya umuwi, saktong kakagising ko.

"Hindi nga kita na-text kasi nagkasakit si mama. Ano ba naman, Mari! Ang liit liit na bagay, pinalaki mo!" Napakagat ako sa labi ko dahil sa sinabi niya.

"I'm not angry, Markus. I'm just asking kung bakit hindi mo manlang ako tinext." Napahilamos siya sa mukha niya gamit ang palad niya.

"Kasi nga may sakit si mama! Syempre inaalagaan ko siya kaya hindi kita nareplyan. Napaka clingy mo kasi, gusto mo laging nandyan para sa'yo." I sighed.

"Okay, I'm sorry, babe. Let's not fight today, okay? I'm also going out today." He nodded. Ngumiti ako bago tumalikod at naglakad papunta sa CR para maligo.

Nakatulala lang ako buong magdamag na nasa shower ako. Ayokong mag reklamo, kasi hindi naman ako gano'n. Hindi ako nagrereklamo, tinitiis ko lang lahat. Pero hindi niya naman ako kailangang sigawan. Well, sanay na ako.

Hindi lang boses niya ang tumataas tuwing nag aaway kami.

Nagpalit na ako para umalis. Hindi ko natapos ang shoot ng dalawang couple kahapon dahil sa dami ng nangyari kaya na-move ngayon. Buti at hindi sila nagalit, mostly kasi ng mga clients namin ay nagagalit kapag gano'n.

"I'm off, babe. See you tonight." Tumango lang siya dahil busy siya sa phone niya. Pagkalabas ko ay saka ako bumuntong hininga. Sumakay ako sa sasakyan ko papunta sa next set namin, sa isang beach resort.

Kumaway sa'kin sila Ethan nang makita ako. Naka set na ang lahat ng lightings, camera, at kung ano ano na kailangan para sa shoot. Inaayusan na rin ang couples.

"Good morning, ma'am!" Bati ni Wendy kaya nginitian ko siya. Binati na rin nila akong lahat kaya gano'n din ang ginawa ko. Nag set up pa ng ilang kailangan bago nagsimula ang shoot.

"Okay, nice work everyone! Let's take a break before the next shoot." Tumango sila. I helped Wendy to distribute the foods I bought for my staff and our models.

"Ma'am, may gagawin ka pa po ba after nito? Nag aaya po kasi ang models natin mag lunch muna po." May consult ako ngayon sa therapist ko, pero ayos lang naman dahil mabilis lang ang 

lunch.

"Oh, okay sure. I can reschedule my plans after this." Tumango siya. Tumambay ako sa van dahil mainit at nahihilo ako. Wala pa kasi akong tulog dahil sa kape kahapon at kakahintay kay Markus na umuwi.

"Ma'am, balik na daw po sa shoot kapag ayos na po kayo." Nginitian ko si Wendy bago umalis ng van at bumalik sa location. We took a couple of pictures before we ended the shoot. Nag aya ang models namin sa malapit na restaurant for lunch.

"Thank you everyone for joining us for lunch. And I know po ma'am Mari that you're very busy but thank you for agreeing to meet today po." I smiled.

"Of course, ma'am. And that day was tiring for everyone. I'm really sorry for yesterday, I'm so packed with my work." She smiled, it was a warm smile. She thanked all of us for the shoot and all before we started eating. Nauna rin akong umalis dahil sa appointment ko.

Malapit lang sa Manila ang set namin kaya mabilis akong nakarating sa clinic ni doc. Ako lang ang ine-expect niyang pasyente ngayong hapon kaya pagkapasok ko ay binati niya ako agad.

"Sorry po, doc. Nasa shoot po kasi ako kanina kaya na late ako." Binaba niya ang binabasa bago ako pinagmasdan.

"It's fine, Mari. I know you're a very busy person, have a seat." Ngumiti ako bago umupo sa harap niya. Siya ang therapist ko ever since college. Siya ang pinakamatagal, at pinaka patient sa'kin. 

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon