4

41 5 0
                                    

four: two for this year

TW: abuse

NAGISING AKO DAHIL SA SINAG NG ARAW NA TUMATAMA SA MUKHA KO. Nagdilat ako ng mata at napabalikwas ng makitang wala ako sa kwarto ko. Pagkatingin ko sa tabi ko ay may nakatalikod na lalaki sa'kin. Wala siyang pantaas kaya nag panic ako agad.

Napatingin ako sa damit ko, napalitan na ito ng hoodie at wala na akong make up. Mas nataranta ako dahil doon.

"Nasaan ako?" Bulong ko sa sarili ko habang malakas ang tibok ng puso dahil sa kaba.

Gaano ba ako kalasing?

Sinubukan kong alalahanin ang nangyari. Naalala ko lang ay...Nanlaki ang mata ko dahil doon. Napatingin ako sa katabi kong lalaki.

This is the guy who took me away from Kenzo. I can't see his face since his back is facing me and his face is covered with the blanket we're sharing.

Dahan dahan akong tumayo habang hinahanap ang gamit ko. Nang makuha lahat ng gamit ko ay lumabas ako ng kwarto. Napapitlag ako nang makitang may babae sa sofa. Mas bata siya kaysa sa'kin, kasing taon lang ni Demi.

"Hi!" Bati niya sa'kin bago tumayo. Ngumiti ako.

"Hello." Bati ko pabalik, kinakabahan. Inalok niya ang kamay niya sa'kin.

"Jaylanni, Jed's sister." Bati niya sa'kin. Unti unting nag connect ang mga pangyayari sa'kin.

So, the guy who took me here is Jed, and I'm inside his apartment. That made me feel safe.

"I'm Mari" Pakilala ko. Napatingin siya sa'kin, napansin niya ang panic sa mukha ko.

"Oh don't worry, I'm the one who changed you. My brother knows nothing about taking care of girls." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa pagre-reasure niya. It must be awkward for him to change me since he's my friend's cousin.

"Anyway, I dropped some food na. Tell kuya I came here. I'll go na, I have class pa kasi. Nice meeting you, Mari! Bye!" Paalam niya. Ngumiti ako bago kumaway kay Jaylanni at nagtungo sa ref para tignan ang pagkain.

Kuminang ang mata ko ng makita ang dalawang tapsilog sa ref. Kinuha ko ito at ininit sa microwave. Naglabas ako ng pot para magluto ng ramen na nasa cupboard.

Pagkasalang ko ng pot ay bumukas ang pinto ng kwarto. Nagkatinginan kami ni Jed. Napatingin siya sa legs ko habang nakatingin ako sa pang itaas na bahagi ng katawan niya. Nang magkatinginan kami ay nag iwasan kami pareho.

"Good morning." Bati ko. "Oh sorry, pinakialaman ko na ang ramen sa cupboard. Your sister dropped by here with some food." Dagdag ko. Tumango si Jed bago umupo sa high stool. Tinignan ko ang medicine cabinet kung may advil at may nakita akong isang garapon.Kumuha ako ng tubig sa ref at inabot sa kaniya ang advil at tubig. Tinignan niya ako bago ang baso.

"Ikaw? 'Di ka iinom ng advil?" Tanong ni Jed. Umiling ako.

"Hindi naman malakas hangover ko."

8th.

Sa sobrang lakas ng hangover ko ay aabot pa ito ng ilang araw na migraine. Nilagay ko na ang ramen at tinanggal mula sa microwave ang pagkain. Nilapag ko ang tapsilog sa harap niya. Chineck ko ang ramen kung ayos na bago nilagay sa isang mangkok. Tahimik kaming kumain. Ayoko naman mag salita habang kumakain dahil masarap 'yung tapsilog.

"Hatid kita sa apartment mo." It was more of a command than a question.

"Hindi na, ayos lang. Magta-taxi nalang ako." Sabi ko kasi nakakahiya naman na. Siya na nag alaga sa'kin buong gabi tapos magpapahatid pa ako.

"I insist. Ihahatid na lang kita." Aangal na sana ako pero nginitian niya ako kaya tumango na lang ako.

Natapos kaming kumain. Pumayag siya na ako maghuhugas sa mga pinagkainan namin. Nang matapos ako ay nakaligo na din siya at nakapalit. Sabi ko naman na sa apartment na ako maliligo dahil gusto ko ng umuwi.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon