22

22 4 0
                                    

twenty-two: second chance

IT WAS A PRETTY DECENT DAY. I went to work and received another flower from Kino. 

"Walang palya ata 'tong bulaklak ni Kino. Makakapagbukas ka na ng flower shop mo niyan." Kantyaw ni ma'am Ke. Natawa ako dahil doon bago dinagdag ang flowers sa vase kung saan ko nilalagay ang mga bulaklak na binibigay niya.

"'Yung bulaklak sender niyo, ma'am? May balita ka na ba doon?" Tanong ni Ryanne. Ma'am Ke sighed.

"Kung meron, e'di sana malaki ang ngiti ko. Kaso wala, naiinis na ako bakit ayaw niya mag face reveal. I'm all into personalities kaya!" Natawa kami sa sinabi ni ma'am.

"Ma'am, hindi sa pinag-ooverthink kita ma'am, pero what if dare lang pala 'yon ng mga kaibigan niya?" Sambit ko. Binatukan niya ako kaya napahalaklak ako.

"Loko ka! Naiinis na ako sainyong dalawa, walang duda kung bakit kayo naging mag shota!"  Nag apir kami ni Ryanne para mas lalong inisin si ma'am Ke. She pouted and crossed her arms around her chest. Biglang sumulpot si sir Shin at nang makita niya si ma'am Ke na nakabusangot, ginulo niya ang buhok nito bago umalis. Nagkatinginan kami ni Ryanne dahil doon.

"Crush mo siguro si sir Shin, ma'am Ke." Saad ko, na sinabayan ng pag sang ayon ni Ryanne.

"Hoy, gago, hindi! Ba't ko naman magiging crush 'yan? Ano ako? High schooler? Lintek!" Pagdedeny niya.

"A little defensive but okay." Ryanne nodded. Nagmartsa paalis si ma'am Ke kaya natawa ako bago nagpatuloy sa trabaho.

Lunch break came and I joined Ryanne dahil kasama ni Kino ang mga kaibigan niya. Habang kumakain kami ay bigla siyang nagtanong.

"How's your thing with Kino?" Ngumiti ako bago sumubo sa pasta ko.

"Ayos naman. Typical courtship, ganon. We're going out tonight, actually." She gasped.

"Oh, wow! That's great!" I nodded.

"Do you like him?" Tanong niya ulit, at ganoon pa rin ang sagot ko, tango lamang.

"Yes, I'm liking him. But I'm scared, you know? What if he sees my lowest point and decides to leave me?" She held my hand and squeezed it.

"I know, for sure, that he won't. He accepted you already, and he really likes you." I smiled. Ryanne's probably right.

"Oh no, did I make you sad? I'm sorry, do you want a cake? Yes, you like cake, right?" Natawa ako sa nireact niya.

"No, I was just thinking about what you said." Para siyang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko.

"Oh, but do you still want the cake?" I chuckled.

"Yes please." She nodded before standing up.

"They only have lemon cake, though." I nodded.

"I'll take it, thank you." Naglakad siya papunta sa cake counter at nag order ng dalawa bago bumalik sa table namin. We enjoyed the cake before going back to the office.

Time flew by so fast, I didn't even notice. Napansin ko lang na 5 PM na nang mag text si Kino na late daw siyang maga-out pero susunduin niya pa rin ako for our dinner. 

"Out na ko, guys." Paalam ko sa kanila, saktong kakagaling lang ni ma'am Ke sa mini kitchen na nagtimpla ng kape.

"Ay, alis ka na? Ang aga ha." Puna niya.

"May date ako eh." Hinampas niya ako agad sa braso habang humahagikgik ako.

"Painggit ka masyado, Mari Lumarga ka na nga at baka maihampas kita sa pader." Tumawa ako bago kumaway sa iba at lumabas. Pagkasakay ko ng sasakyan ay may nakita akong sasakyan na medyo nagpakirot sa puso ko.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon