"JEEEEEEED!" I groaned when I heard Asteria's voice outside my apartment. Tumayo ako mula sa pagkakahiga bago siya pinagbuksan. Pumasok agad siya ng apartment ko.
"Hatid mo 'ko!" Tinaasan ko siya ng kilay bago humalukipkip.
"Where?"
"Sa mga kaibigan ko." I groaned. I don't know which friends she's referring to, but I know it'll be a long drive.
"'Wag ka na magpalit, mabilis lang tayo." Before I can say a word, she took my car keys and pulled me out of my own apartment. Pagkababa sa parking ay siya na ang nagbukas ng sasakyan ko at nag start ng engine.
"Wala ka bang sasakyan ha?" I asked. Umiling agad siya.
"Sira sasakyan ko, at birthday ko ngayon!" Hindi ko na siya pinansin bago nagmaneho. Binaba ko muna siya sa Silver Oak. Habang hinihintay siya ay nagcellphone muna ako.
"Ang tagal mo," Sambit ko pagkarating niya. Inungusan niya ako bago nag seatbelt.
"Wala si Snow sa apartment niya kaya diretso tayo kay Mari." Sinabi niya ang address kaya sinundan ko na lang 'yon.
Mari...
For some reason, she is known by everyone, but she is not famous. She's the kindest, probably the most honest too. She's the most compassionate, warm-hearted person. Well, that's how I know her like most people.
"Gusto mo sumama?" Tanong niya kaya tumango ako bago kinuha ang cap ko at sumama sa kaniya. Kumatok siya sa isang apartment, ilang segundo ay binuksan ito ni Mari na magulo ang buhok.
"OMG, Mari! Kamusta ka? Bakit ang gulo ng buhok mo? Ayos ka lang?" She smiled before fixing her hair. Pinapasok niya kami sa apartment niya and I instantly notice a pair of loafers. Hindi napansin ni Asteria 'yon dahil busy siya kakasalita. I looked around and notice more men stuff.
Does he have a boyfriend?
"Nice place," 'Yon na lang ang nasabi ko. I can't keep my eye in one place after seeing those loafers. Nang makababa kami ni Asteria sa parking ay nagpahatid siya sa Cosmo para ayusin ang party niya mamaya.
"May boyfriend ba si Mari?" Hindi ko maiwasang mag tanong. Hinampas niya ako agad.
"Sabing 'wag ang mga kaibigan ko eh! Ano, ha? Pagkatapos ni Snow, si Mari naman?!" I sighed. Noong college pa lang, ayaw na ni Asteria na i-date ko ang mga kaibigan niya- her inner circle to be exact. Ayaw niya daw kasing maging awkward kapag naghiwalay kami at ayaw niyang humantong sa punto na pipili siya ng isa sa amin na kakampihan niya.
She knows I "like" Snow, but she doesn't know I'm lying to cover the truth. It's not Snow, it was never her.
"I'm just asking!" Inirapan niya ako.
"Wala, wala naman siyang sinasabi sa'min, e'di syempre wala." I nodded, thinking. Kung wala, e'di kanino ang mga loafers na 'yon? It can't be hers, the loafers were for men.
My mind is killing me because of that stupid loafers.
"'Di ba babae ang kapatid niya?" Tumango si Asteria.
"Punyeta ka, Jed. 'Wag din 'yon, tangina ka. Ka edad lang ni Jayli ang kapatid ni Mari." Umiling iling ako. Lahat ng itatanong ko tungkol sa kaibigan niya ay iisipin niya na gusto ko sila or may balak ako sa kanila.
"I told you, I'm just asking." Nanahimik na siya, which is unusual. Nang makarating sa Cosmo ay binaba ko na siya.
"Ikaw? Saan punta mo?" Tanong niya.
"Kay mom, bisitahin ko lang." She nodded before bidding her goodbye. Umalis na din ako at nagmaneho papunta sa clinic ni mama. Dadaan lang naman ako para kamustahin siya. Pagkababa ay kumatok muna ako bago pumasok.
BINABASA MO ANG
Two Birds (Sky Series 4)
Lãng mạn[SKY SERIES 4] Mari was the most honest person in his eyes. But that will never be true. They tried to get around again after a long time of being friends, being subtle with their actions with each other as they restrain each other from being more t...