17

36 3 0
                                    

seventeen: farewell

TW: suicide, self-harm, pills 

I THOUGHT ABOUT DEMI FOR THE WHOLE NIGHT UNTIL MORNING CAME. Kahit wala akong ganang pumasok sa studio ay pumunta pa rin ako. 

"Mari, pst, 'uy. Ayos ka lang?" Napatingin ako kay Mel na niyuyugyog ang balikat ko. Tumingin ako sa paligid bago sa kaniya.

"Ayos ka lang, sabi ko?" 

"Ah, oo."

46th.

"Anong oo? Mukha kang pinaglalamayan d'yan! Ano nga? Kahit kwento ka lang, baka makatulong ako." Pinilit kong ngitian si Mel.

"Hindi, ayos lang ako. Hindi lang nakatulog ng maayos."

47th.

"Ay ganon? Rest ka muna sa lounge, cover ko muna ngayon." Umiling ako bago tumayo at kinuha ang camera ko.

"Hindi, ayos lang, kaya naman."

48th.

"Sure ka? Hindi, sa'yo na lang 'yung susunod. Tambay ka muna sa lounge, ako na bahala dito." Wala na akong nagawa nang itulak niya ako papasok sa lounge. Humiga ako sa pang ibabang kama ng bunk bed at tumulala. 

Para nang bibigay ang katawan ko, pero hindi ako makatulog. Nakatulala lang ako sa kawalan, nagtatanong kung bakit naging pabaya si Demi at hinayaan niyang mangyari 'yon. Nagtatanong kung bakit hinayaan ko nanaman na masira ang kung anong meron kami ni Jed. Nagtatanong kung bakit hanggang ngayon ganito pa rin ako.

Who can save me now?

I want to cry so bad. I want my tears to drown me. I want to gasp for air but my throat would tighten and I'd suffocate to death. I feel so lost. And I don't think I'll ever be found.

Tinakpan ko na lang ang mga mata ko gamit ang dalawa kong palad, waiting for tears. But nothing came out. Until I fell asleep.

Nagising ako bigla. Tumingin ako sa paligid ko bago sumilip sa bintana at napatayo nang makitang sunset na. Pagkalabas ay nagpho-photoshoot sila Mel. Nandoon na din si Eli na nakikipagtawanan sa mga staffs.

"'Uy, Mari!" Napatingin sila sa'kin nang tawagin ako ni Eli. Ngumiti ako sa kanila bago lumapit kay Mel na kakatapos lang sa client.

"Bakit hindi mo ako ginising? Cover ko na 'yung susunod." She tapped my shoulder before handing me water.

"Wala nang susunod, last na 'yan." Sinamaan ko siya ng tingin. I feel guilty for sleeping at work.

"Bakit nga hindi mo ako ginising?" She shrugged.

"Wala lang, ayos lang, Mari. Ito na pambawi ko sa mga panahong cinover mo ako ng ilang beses." I sighed. I covered her shoot because of her emergency. Her mother's sick, kahit ito na lang ang maitutulong ko.

"But still..." She laughed before handing me a sandwich.

"Kain ka na lang muna, tuna 'yan, favorite mo." I smiled before eating. Kumain na din sila para sabayan ako. Nagkwentuhan kami, and after a long time, I laughed with them.

"Ang gago mo, Ethan! Mahanap ko lang 'yung Japanese mong ex, ide-date ko 'yon tapos idadala ko lagi dito!" Ethan laughed.

"Mahahanap mo siya, pero hindi mo siya maabot." Tumaas ang kilay ni Eli.

"At bakit? Bituin ba siya?" Tumango si Ethan.

"Hala true?! Who's that pokemon?" Tanong naman ni Mel. Ethan shrugged which made us all curious about his ex who's a star.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon