11

30 5 0
                                    

eleven: cigarettes

TW: self-harm

NABALITAAN KO LANG NO'NG GABI PAGKATAPOS NAMING PUMUNTA SA O-BAR AY UMALIS SILA SNOW PAPUNTANG BRAZIL DAHIL MAY AATTEND-AN DAW SILANG BIRTHDAY. I had a feeling that Jed's with them. Saka ko lang din nakita ang mga texts niya no'ng nakauwi ako, he's asking me about my whereabouts and if I'm going with him.

And now, it's been a week since and I haven't seen Jed. It's good for me, after what happened, I don't think I can still face him without thinking of that incident.

Saka ko lang din nalaman kahapon na sa'kin at kay Eli pa lang siya nag out, ang iba niyang mga kaibigan ay hindi pa nila alam dahil wala pa daw tapang ng loob si Kenzo na mag out sa kanila. Eli and I were so supportive of him, sumasama pa kami kapag sumasali siya sa mga drag shows, madalas sa O-Bar.

Kausap ko si kuya Oslo, ang boss ng mga construction worker, tungkol sa plan habang pinapakita ko ang blue print sa kaniya. Wala kasi si Kenzo ngayong araw, may sakit.

"Ay, sige po, ma'am Architect. Kami na po ang bahala, salamat po." Ngumiti ako bago nirolyo ang blueprint na hawak ko.

"Salamat din po, kuya. Balik na po kayo sa trabaho." Tumango siya bago umalis sa harap ko. Naghanap naman ako ng mauupuan. Inayos ko ang pagkakatali ng shoulder length kong buhok, at doon ako napaisip na pagupitan ang buhok ko. This hair reminds me of Markus, because he loved my hair's length that's why I kept it this way.

I sighed, nakatatak pa rin sa isip ko ang mga sinabi niya no'ng gabing 'yon. It sounded like it was my fault that I'm mentally unstable, that it's my fault that I've experienced those things back then like it's my fault I'm the breadwinner in my family.

Ako nga ba ang mali? Am I the one to blame because I couldn't give him attention because of my work? Am I to blame because he cheated? Because that night, he sounded like he's the victim, he's the one who got hurt, like he's the one who's having a hard time breathing.

"Ma'am Mari," Napaangat ako ng tingin sa isang construction worker na niyuyugyog ako sa braso. Nawala ako agad sa malalim kong iniisip at napatingin sa kaniya.

"Sorry, bakit?" I asked. 

"Tawag po kasi kayo ni ma'am Asteria doon sa main." Tumango ako kahit nalilito kung bakit ako pinapatawag ni Asteria.

"Sige, salamat." Ngumiti siya bago umalis. Kinuha ko ang blueprint at nagsimulang maglakad papunta sa main building para kay Asteria. Nang makarating ako doon ay nakita ko agad siya na nakaupo sa gilid ng fountain area na wala pang tubig. Nang makita niya ako ay kumaway agad siya kaya naglakad ako papalapit at umupo sa tabi niya.

"Kamusta ka?" That's her first question. I smiled, as usual.

"Ayos naman,"

22nd.

"Sigurado ka?"

"Oo naman, bakit naman hindi?"

23rd.

Lies after lies, when will I ever be true to my friends, to myself?

"In-invite ka daw ni Jed sa Brazil, bakit 'di ka sumama? Ang lungkot tuloy doon dahil wala ka, pati si Aiane wala rin. Kami kami lang ang nandoon, may mainit init pang chika." I chuckled, Asteria and her hot gossips.

"Busy kasi ako no'ng araw na 'yon, daming trabaho sa studio."

24th.

In the first place, ayoko naman talagang sumama. At mas umayaw ako pagkatapos no'ng nangyari sa apartment niya. And now I got curious.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon