twenty-one: better light
FOR THE PAST MONTHS, I CAN SAY I'VE BEEN BETTER. For four months, I stopped getting help from my therapist. I didn't permanently stop, but this time, I want to help myself. I stopped relying too much, and life has been so much better since.
Nakabalik si Demi sa Pilipinas dahil sa asawa ni papa. Tinulungan ng asawa ni papa na makauwi si Demi dito. She returned safely to us. I told her to stop her studies for a while to take care of herself more.
"August sipped away like a bottle of wine, 'cause you were never mine." Kanta ko habang nagmamaneho papunta sa trabaho. I haven't seen Jed ever since, wala rin akong balita tungkol sa kaniya, wala ring balita si Asteria o kahit sino man tungkol sa kaniya.
Well, I hope he's okay and he's improving like me.
Maybe one day, we might get to see each other and be happy for one another, for our own growth.
Pagka-park ko ay bumaba na din ako. Sa loob ng apat na buwan, marami na din nagbago. I can say I'm not the same Mari anymore. But a part of me still hurts for what happened in May.
"Good morning! Nako, napapadalas na ang bulaklak nitong si Kino ha!" Natawa ako kay ma'am Keira nang makaupo ako sa desk ko. Kino is my suitor, nasa engineering department siya na may kalayuan sa department namin.
"Wala ang usual 'sana all' mo, ma'am Ke, ah." Puna ni Ryanne. She got engaged a month ago, and everyone is so happy about her love life.
"Ay, ano ka? Akala mo ba si Mari lang ang pinadalhan ng bulaklak today?" Nagkantyawan kami bago siya pumunta sa desk niya at kinuha ang bouquet niya.
"Hala! Baka naligaw 'yan ma'am, ibalik mo na 'yan." Binatukan ni ma'am Ke si Ryanne kaya natawa ako.
"Gaga, hindi to naligaw! May pangalan ko nga eh, oh." Pinakita niya ang maliit na card sa dulo ng bouquet na may pangalan niya.
"Wow, baka naman si kuya guard lang 'yan. Iba talaga ang glow mo, ma'am Ke!" Sambit ko kaya inampahan niya ako ng hampas.
"Hindi talaga kayo magiging happy for me, 'no?" Natawa kami.
"Syempre naman ma'am, magiging happy kami para sa'yo, kaso wala pa naman dumadating kaya hindi muna." Natawa na lang ako sa sinabi ni Ryanne bago umalis si ma'am Keira at bumalik sa desk niya. Nilagay ko sa vase ang bulaklak na bigay ni Kino bago nagpatuloy sa trabaho.
"Aba, aba! Bawal ang taga engineering dito lalo na kung si Mari ang pakay!" Hinarang ni ma'am Ke si Kino na nasa pinto ng office namin. Natawa ako bago tumayo.
"Kausapin ko lang naman, ma'am Ke. Sige, hindi ko sasabihin sino nagpadala ng bulaklak mo." She gasped.
"Kilala mo?! Ay sige, mag usap na pala kayo, kahit buong araw pa kayo mag usap." Umalis si ma'am Ke bago ako tumingin kay Kino.
"Salamat pala sa bulaklak, Kino." Ngumiti siya.
"Nagustuhan mo?" Tumango ako agad.
"Oo naman," He chuckled.
"Dinner tayo mamaya? 7?" Napaisip ako bago tinignan ang schedule ko sa phone ko.
"I can't, may appointment ako eh." He slowly nodded.
"Ganon ba? How about tomorrow?" Tumango ako, wala naman akong plans bukas kaya ayos lang.
"Yes, sure." He kissed my forehead.
"Dinner is set for tomorrow, then. Sige na, kanina pa ako sinasamaan ng tingin ni ma'am Ke eh. Take care." Ngumiti ako bago kumaway sa kaniya. Nang makaalis siya ay bumalik ako sa desk ko.
BINABASA MO ANG
Two Birds (Sky Series 4)
Romance[SKY SERIES 4] Mari was the most honest person in his eyes. But that will never be true. They tried to get around again after a long time of being friends, being subtle with their actions with each other as they restrain each other from being more t...