16

31 3 0
                                    

sixteen: demi

WE BOTH STOPPED TALKING TO EACH OTHER AFTER THAT NIGHT. Sleep was harder to achieve, meals are harder to finish, and my never-ending thoughts got worst. This feeling is so much worst than the guilt I always feel after relapsing.

Balak kong bumisita kila mama mamaya pagkatapos ng trabaho ko. Wala pa rin akong nahahanap na firm pero susubukan kong mag send ng resume sa mga top companies na gusto kong pasukan. 

Kailangan ko lang munang magpa-print ng copies ng resume ko bago ako aalis, buti na lang at meron sa baba lang ng building namin kaya nagpunta muna ako doon at nagpa photocopy.

"Ngayon ko na lang ulit kayo nakita dito, ma'am." Kumunot ang noo ko kay kuya na nagpho-photocopy.

"Po?"

"Ay, kasi ma'am lagi namin nakikita 'yung sasakyan mo dito kapag paalis ka na sa umaga. Tapos kapag bumibili ka rin ng pagkain sa kabila nakikita ka namin." Tumango ako, nagulat ako dahil akala ko ay inii-stalk nila ako.

Hinintay ko na lang na matapos na ma-photocopy ang resume ko bago ako nagbayad at umalis. Ang babait nila doon, I felt so welcome. Sumakay na ako sa sasakyan ko at nag drive papunta sa apat na companies na gusto kong pag-apply-an. Hindi naman naging mahirap 'yon dahil niregister ko lang ang pangalan ko bago binigay ang resume ko.

"We'll call you as soon as we can, ma'am." The CEO's secretary said as she look over my resume. Ngumiti naman ako sa kaniya bago nagpasalamat at umalis. 10 AM pa lang naman kaya makakahabol pa ako sa shoot.

Dahil sa traffic, mga 11 na ako nakarating sa studio at nakakalahati na ni Eli ang shoot. 

"Sorry, traffic." Paumanhin ko sa mga staffs ko. Tumango naman sila at sinabi na ayos lang dahil meron naman daw si Eli. To make up, sumama ako kay Wendy na bumili ng lunch naming lahat.

"Alam niyo, ma'am, sobrang hanga ako sa'yo." Napakunot ang noo ko bago napangiti sa sinabi ni Wendy.

"Ako? Bakit naman?" Tinignan niya ako bago tumingin sa daan.

"Kasi sobrang galing niyo sa trabaho niyo, ma'am. Tapos narinig ko pa kila ma'am Mel at ma'am Eli na kayo ang nagpapaaral sa kapatid niyo sa college at sinusustentuhan niyo pa po ang nanay niyo. Napaka lakas niyo po, ma'am. Kaya hangang hanga po ako sainyo." Napangiti ako. I feel so valued with what Wendy just said. 

"Salamat, Wendy. What you said means a lot to me." Ngumiti rin siya.

"Nako, ma'am. Maliit na bagay lang 'yan. Tsaka deserve niyo din pong ma-acknowledge kayo sa sobrang galing niyo bilang isang architect, isang photographer, isang ate, at isang anak. Kapag ikaw ate ko, ma'am, sobrang laki na ng pasasalamat ko kapag ganoon." This is probably the first time we had a talk like this.

"Thank you, really. You're really great yourself, and I can see your potential. You'll be so successful one day, and I know it." Siya naman ang napangiti. Sakto namang nakarating kami sa Popeyes at nag order. Since marami ang order namin ay napatagal ang paghihintay namin pero ayos lang naman dahil mas nakapag usap pa kami ni Wendy.

Nang makabalik ay saktong kakaalis lang din ng model namin kaya naka-kain kami ng maayos bago ang susunod na client namin. Akin na ang susunod kaya nagprepare na ako.

"Good afternoon po," Bati ko sa clients namin. They're a family of 5, and they're here to take a family picture. Naging madali naman ang pagkuha sa kanila dahil hindi naman kailangan ng maraming effort para sa family picture. They had to wait for a bit because Ethan needs to do some editing with the lights and everything. Nang matapos ay satisfied silang umalis, thank God.

Nagpaalam muna ako na magpapahinga sa lounge room. May bunk bed na dalawa at may sofa sets din doon kaya pwedeng matulog. Umupo lang ako sa sofa at chineck ang phone ko.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon