prologue

104 8 0
                                    

SKY SERIES 4

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

*TRIGGER WARNING: depression, abuse, and self-harm are mentioned in this story.*



"THIS IS NICE! Break muna tayo, guys." Saad ko sa mga staffs ko pati sa kinukuhanan namin ng picture for their prenup.

"If you want to look at the pictures, you can check it po kay Ethan." Sambit ko sa ikakasal bago ako umalis at pumasok sa van.

"Good work po, ma'am." Nginitian ko si Wendy, bagong salta namin.

"Good work, too. Go there and join the others, magpapahinga muna ako dito bago tayo magpunta sa susunod na set." Tumango siya bago umalis. Inabot ko ang tubigan ko sa bag at uminom ng tubig. Hinilig ko ang likod ko sa seat bago pinikit ang mga mata ko.

Pagod na ako, pero kailangan kong tapusin ito dahil may pasok ako sa company nila Asteria at may isa pa akong shoot bukas. At kailangan ko ng pera para sa tuition ni Demi at gastos sa bahay. Kaya hindi ako pwedeng mapagod.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon. Bumisita si papa sa bahay, pinipilit si Demi na sumama sa kaniya sa Canada kasama ang isa niyang pamilya. At ayaw ni mama... At....

Lumabas ako ng van at kinausap si Ethan na in charge sa mga editing at graphics.

"We have a problem." Sambit niya pagkalapit ko.

"What is it?" Kinabahan ako, may mali ba sa shots?

"The couples can't go sa next set natin, hindi na daw kaya ni bride dahil sa pagod. They want to continue it tomorrow." Napakagat ako sa labi ko. Hindi na kaya ng schedule ko bukas eh, pero they said they're really tired.

"Oh, okay. We should dismiss the shoot na so everyone can rest. Kaya pa naman ng schedule ko bukas."

1st lie.

Tumango si Ethan bago tumayo at siya ang nagsabi na tapos na ang shoot kaya sumakay na kami ng mga staffs ko sa van habang nasa ibang sasakyan ang couples.

This is my problem. I just can't say no to people. Gustong gusto kong nauuna sila kaysa sa sarili ko. Even if I badly want to say no to them, I just can't.

Dahil malapit lang ang set ay nakabalik kami agad sa studio at doon naghiwa-hiwalay. Pumasok ako sa sasakyan ko, saktong nakatanggap ng text sa boyfriend ko na si Marcus.

From: Markus <3
Come home now.

I sighed, hindi na ako nag reply bago umalis sa studio. I drove 30 minutes before parking my car sa parking ng apartment building ko. Naglakad ako sa elevator at pinindot ang floow number ng apartment namin ng boyfriend ko.

Nagu-guilty pa rin ako dahil wala akong pinagsabihan sa mga kaibigan ko na may boyfriend ako. Hindi kasi talaga ako nagsasabi sa kanila, I don't want to add to their problems.

"Hi, babe." Bati ko pagkapasok ng apartment. Tinignan niya lang ako bago naglakad papasok sa kusina. Iniwan ko ang mga gamit ko sa kwarto namin bago naligo at nagpalit dahil sobrang pagod na pagod ako sa trabaho at gusto ko na lang matulog.

"Mari, can you cook dinner? I'm starving, at bakit ang tagal mo? Sinong mga kasama mo?" Lumabas ako ng kwarto para harapin si Markus.

"Nasa trabaho ako, babe. I'm with my staffs earlier." Nginitian ko siya bago naghanap ng pwedeng lutuin. Buti na lang at may chicken pa dito kaya magluluto na lang ako ng adobo.

Two Birds (Sky Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon